Prologue

8 0 0
                                        

"Cyd sigurado ka ba talagang sasantuhin mo yung gago'ng 'yun?" My friend asked me in fear.

Kung di nya lang kasi sinira yung pinaghirapan kong project hindi ko sya papatulan. Aba 'ket na ma muscle sya ihahambalos ko sakanya 'tong hawak kong baston.

"Oo, pake ko kung sya pa ang leader ng grupo nya, o sya pa ang binansagang captain of the bully."

Hindi na sya sumagot pa dahil alam nyang hindi ko aatrasan ang nasimulan ko na at wala rin naman syang magagawa. Dahil kapag sinabi ko ay gagawin at gagawin ko. Sandra is my only friend kahit nga minsan ay napapagkamalan na kaming mag jowa dahil lagi kaming magkasama. Well bagay naman kami ahh maganda sya gwapo ako oh diba pak na pak.

Kakatapos lang namin kumain sa cafeteria kaya eto't naglalakad kami pabalik ng classroom. Habang nakayuko ay di ko na naman maiwasan marinig ang mga bulung- bulungan ng mga estudyante.
"Uy sis ang gwapo nya talaga diba?"

"Oo nga 'ket sang anggulo napaka perpekto nya, ang kaso nga lang napaka takaw sa gulo."

Kung alam nyo lang sana.....

She's a Rebellious BoyHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora