Did he lied to me?

Hindi niya ako nasundo kagabi dahil ang sabi niya ay alas-diyes pa raw ang pack-up nila. Sinabi niya lang ba iyon para makapagliwaliw siya sa bar?

Kung tama man ang konklusyon ko ay magagalit talaga ako ng sobra kay Code. Not just because he lied to me, but also because he didn't think of me.

Hindi man lang ba siya nakaramdam ng guilty dahil pinaasa niya akong susunduin niya ako kagabi? Hindi man lang ba niya naisip na umuwi agad dito sa condo, dahil hinihintay ko siya na suyuin niya ako?

Parang pinipiga ang dibdib ko habang iniisip ko ang konklusyon na iyon. But I'm not gonna cry. I have to be strong. I have to hear his explanation.

"Your phone." binalik ko kay Brayden ang phone niya at saka ako tumayo sa kinauupuan ko.

"Persis, saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong ni Brayden sa akin.

"CR lang ako."

Nang papalabas ako ng classroom ay nakasunod ng tingin sa akin ang mga classmates ko at ganoon din ang ilang estudyanteng nasalubong ko sa hallway.

Pagpasok ko sa banyo ay wala akong nakitang tao at nakabukas ang lahat ng cubicle.

Mabilis akong naglakad patungo sa pinakadulong cubicle at napasandal sa pinto at saka itinakip ang palad ko sa aking bibig, hanggang sa tuluyan na ngang kumawala ang mga luhang nag-unahang bumagsak sa mga mata ko.

Parang sinasaksak at pinipiga ang dibdib ko.

Ayokong patulan ang issue pero napakahina ng puso ko. Hindi ko maiwasang masaktan, bilang girlfriend ni Code.

Ilang babae pa ba ang ililink ng media kay Code? Ilang babae pa ba ang pagseselosan ko?

Ganito ba talaga kahirap magmahal ng lalaking napakataas? Baka kaunti na lang ay magkatrauma matotrauma na ako sa mga issue na 'to. Baka sa susunod mag break down na ako.

What if trial palang pala ang lahat ng ito? Paano kung may mas malalang issue pa ang maganap?

Mahal ko si Code pero bakit habang tumatagal, nahihirapan na akong mahalin siya?

Wala sa sarili at nakapangalumbaba akong nakaupo ngayon habang nagtuturo ang last professor namin nang maramdaman ko ang cellphone ko na nag vibrate at nang pasimple ko itong dinukot sa bulsa ko ay napataas ang isa kong kilay nang makita ko ang picture namin ni Code at rumehistro ang pangalan niya sa screen ng phone ko.

"Excuse me po, ma'am." paalam ko rito at saka ako nagmamadaling lumabas ng classroom.

"Code, nasa klase ako. Bakit ka tumawag?"

"Susunduin kita mamaya, may pag-uusapan tayo. One o'clock ang uwi mo, diba?"

"Uhm." tipid kong sagot.

"Alright. Hintayin mo ako mamaya. Persis, alam mo naman na siguro iyong tungkol sa kumakalat na balita tungkol sa amin ni Laarnie, diba?"

"Ah-huh. Sige na, Code. Mamaya na tayo mag-usap."

Hindi ko na hinintay pa ang tugon niya dahil agad ko ng pinutol ang tawag niya.

Pagbalik ko sa loob ng classroom ay walang kagana-ganang ibinagsak ko ang sarili ko sa asul na upuan at ipinatong ang siko ko sa armchair at nangalumbabang muli. Nakakawalang gana ang araw na'to.

Hindi ko akalain na ganito kabilis masisira ang araw ko. Ang saya-saya ko pa nang pumasok ako kanina, pero ngayon ay nilamon na ng sama ng loob ang buong sistema ko.



Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu