narrations // 00:09-00:11

144 0 0
                                        


Author's Note:

This is only used for my au narrations. If any of y'all want to read the full au, you can read it on my brightwin X/Twitter account which is:

@takuyakipie

Thank you!

------------------------------------------


"Oo na, tama sila."

Nasapo na lang ni Lance ang kanyang noo at minasahe ito habang iniisip pa rin ang mga nangyari.

Hindi niya ikakaila. Totoong dalawang taon na ang nakalipas nang pumayag siya para maging assistant ni Nixon. Anong magagawa niya? Kailangang kailangan niya ng trabaho ng mga panahong iyon, at itong opportunity na ito ay hindi na dapat pinapalampas.

Sa katunayan, hindi alam ni Lance na ang kanyang magiging boss ay si Nixon Del Gallado, isa lamang professional football player na naglalaro na ng football mula pagkabata.

Kilala si Nixon bilang isa sa mga pinakamahusay na defensive player sa kanilang team na ang pangalan ay The Red Devils. Limpak limpak na tropeyo at medalya na ang nauwi ng kanilang team na nagbigay ng karangalan sa bansang Pilipinas.

"Siguro panahon na nga para mag-resign..."

Matagal na ring pinaplano ni Lance ang kanyang pag-resign bilang assistant ni Nixon, ngunit hindi siya makakita ng tamang pagkakataon.

Totoo ang sinabi ng mga kaibigan niya. Sa loob ng dalawang taon ng kanyang paninilbihan, hindi man lang ito nagsabi ng 'Thank you' sa lahat ng mga nagawa niya. As an assistant, Lance task is to fetch emails and notifs for Nixon, siya ang bahala para paalahanan si Nixon for his meetings and schedules. Maliban dito, isa rin sa trabaho niya ang ipaghanda si Nixon ng kanyang kakainin. Bilang professional athlete, may sinusunod na tamang diet routine si Nixon na si Lance lang ang nakakaalam, hindi rin ito kumakain ng mga meat products kung kaya't puro gulay or vegan ang mga hinahanda niya.

In short. He's basically Nixon's fairygodmother na all around ang tungkulin.

Malaki naman ang binabayad sa kanya ni Nixon, sapat na dahilan na ito para pagbutihin ang pagtatrabaho. Pero minsan hindi niya maiwasang mainis sa pag-uugali ni Nixon.

'Hindi na nga appreciative, masyado pang mataas ang ego tss'

Hindi na mabilang sa kanyang sampung daliri ang dami ng mga events na kina-cancel niya (na si Lance ang napapagalitan) Masyado ding mairita at mailap sa mga tao. Kumbaga, sa larong football lamang nakatuon ang kanyang atensyon, at wala ng iba. Wala rin itong kaibigan at madalas kinaiinisan ng mga kasama. Hindi talaga lubos maisip ni Lance kung papaano niya natiis si Nixon.

Sumagi ulit sa isip ni Lance ang sinabi ng mga kaibigan niya. What if now's the right time? Madali naman silang makakahanap ng replacement

"Siguro panahon na nga para pagtuunan ko ng pansin ang pangarap ko, and besides hindi naman ako aalis hangga't wala pang kapalit." sabi ni Lance sa kanyang sarili.

'Bukas na bukas sasabihin ko na sa kanya...' dagdag pa niya.

brightwin au dumpWhere stories live. Discover now