“Ngayon nalang, pero dati, talagang wala.”

“Di ba nanalo ka naman sa talent search?”

“Magkano lang ang napanalunan ko noon? Bente mil. Kulang pa sa mga nagastos ng bading na nagdiscover sa akin. Karamihan sa premyo, panay gift certificates. Hotel accommodation, mga sabon, dental check-up, dalawang pares ng sapatos. Wala, title lang talaga yung maganda sa sinalihan kong contest noon.”

Tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Ava, para itong nagmo-monologue sa entablado. Para kay Madie, ang bawat bitawang salita ng babae ay nakakadurog sa kanyang puso.

“Alam mo bang yung unang naghandle sa akin e ipina-date ako kung kani-kanino? Hindi ko pa alam noon ang tinatawag na escort girl dahil 16 years old lang ako pero kung sino-sino ang pinapakilala sa akin na kailangan ko daw samahan sa pag-dinner. Part daw ng PR para makakuha daw ako ng mga sponsors dahil wala naman kaming panggastos. Magkapitbahay tayo Madie, alam mong hindi naman kami mayaman. Nagkataon lang talaga na binigyan ako ng magandang mukha pero alam kong hindi naman exceptional ang talent ko. Hindi rin naman ako matalino kagaya mo. Mukha ko lang talaga ang puhunan ko. At na-realize ko noon, na kahit makuba ako sa pagtatrabaho, hindi kami makakaalis sa hirap dahil magkano lang ang kita ko sa mga bit roles noon. Mataas na ang two thousand per taping, magdamag kang naghihintay lang sa set. Samantalang kapag may dinner na pinapapuntahan sa akin, limang libo hanggang sampung libo ang ibinibigay sa akin. Pero hindi pa rin sapat. Hikahos pa rin kami.”

“Ava….” Unti-unti nang tumulo ang luha ni Madie habang nakikinig sa babae.

“One time, pinasama kami sa isang yacht dinner. Lima kaming babae, puro mga nakasabay ko din sa search. Mga pulitiko pala ang sakay sa yacht at bayad na kami. Wala akong magawa, seventeen years old lang ako. Sino ang maniniwala sa akin kapag sinabi kong ginahasa ako? Thirty thousand ang naging kapalit ng pagkababae ko. Noong una, iniyakan ko. Pero ang sabi sa akin ng handler ko noon, mahirap daw talaga ang buhay. Kailangan marunong dumiskarte. Kaya nang makilala ko si Damian at sinabi niyang type niya ako, naging practical na ako. Sa kanya ako pero ibibigay niya lahat ng gusto ko. Kaya dumami ang projects ko. Kasi kung hindi ako kumilos noon, baka hanggang ngayon, maliliit na roles pa rin ang napupunta sa akin.”

Mgsasalita sana si Madie pero inunahan siya ni Ava.

“Maraming magaganda. Maraming sexy diyan at handang maghubad. Alam kong madaling mawala ang ganda bukod pa sa maraming kakumpitensya kaya pinatulan ko na si Damian. Kesa pumatol lang ako kung kanino diyan na wala ding career, mas mabuti na yung secured ang future ko at ng pamilya ko.”

“Bakit hindi ko man lang namalayan ang lahat ng ito?” And it’s true- hindi maubos maisip ni Madie kung pano nagkikita sina Damian Torres-Villa at Ava.

“Kay Damian ang penthouse sa building kung saan ako nagpapa-SPA.”

“Kaya ka laging nandun at inaabot ka ng ilang oras.” Malinaw na ngayon kay Madie kung bakit lagi nalang nasa SPA noon si Ava. Hindi pala ito totoong nagpapamasahe kundi nakikipagkita sa vice president!

Tumango si Ava. “Pati yung pagpunta ko sa Thailand lately ay siya ang kasama ko.”

“Paano na yan? Nalaman na pala ng misis niya ang tungkol sa inyo. Halos patayin ka na kanina sa galit.”

“Makaligtas lang tayo ngayon, kahit hindi na kami magkita ni Damian. Lalayuan ko na siya. Nabigyan ko na ng bahay at kabuhayan ang pamilya ko. Nakapag-ipon na rin naman ako kahit papano.”

“Oo nga…” Nakita ni Madie na madilim na sa labas. Wala na siyang maaninag na liwanag mula sa bintana. “Sana mahanap na tayo ni Brey….” wala sa loob na nasabi niya. Hindi naman kasi niya maabot ang cellphone na nasa loob ng bra. In fairness ay hindi yun natuklasan ng mga alipores ni Mrs. Torres-Villa!

“Sinong Brey?”

“Si Lt. Abesamis…. Yung fan mo na taga-V. Luna dati.”

“Yung naka-wheelchair na magaling na? Yung pinakilala mo sa mall show?’

“Siya na nga.”

“Paano naman niya tayo mahahanap? Bakit, siya ba ang kausap mo kanina sa cellphone?”

Tumango si Madie. “Wala na akong maisip tawagan kanina kundi siya lang.”

“Madalas kayong magkausap? Close na kayo?” Si Ava naman ang tila hindi makapaniwala.

“Hindi naman kami close.” We just shared a kiss, sa loob-loob ng dalaga. “Pero mabait naman kasi siya. Saka magkatext kami kanina kaya nang ginigitgit na tayo ng dalawang sasakyan ay siya ang una kong tinawagan.”

Isang buntong-hininga ang binitawan ni Ava. Ramdam ni Madie na sobrang frustrated na ang babae sa sitwasyon nila.

Brey, nasaan ka na ba? 

The Cavaliers: BREYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora