CHAPTER ELEVEN

Magsimula sa umpisa
                                    

HE NEVER ran so fast in his life- within a minute ay narating niya ang parking lot kung saan naroroon ang sasakyan niya- quite a distance from his office- something which would normally take a 5-minute walk. Nai-relay na ni Brey sa dalawang staff ang nangyari kina Madie at nakikipag-ugnayan na ang mga iyun sa PNP. Habang nagbubukas ng sasakyan ay tinawagan niya si Clyde at sinabi ang sitwasyon. Agad na nagsabi ang mistah niya na susunod na sa kanya.

Brey drove like a madman. Kung puwede lang niyang paliparin ang sasakyan ay ginawa na niya. Pero pagdating niya sa sinabing location sa may 8th Street ay tanging sasakyan nalang ang naroroon- ang Toyota Innova na may special plate sa harap na AVALICIOUS. Sugatan ang walang malay na driver na binubuhat palabas ng mga taong huminto para makiusyoso at tumulong.

“Ayan na ang pulis at ambulansiya!” narinig ni Brey na sigaw ng isang miron. Pero ang nasa isip niya ay kung saan naroroon sina Madie ng mga oras na iyun.

Tiningnan niya ang paligid, hoping na baka may naiwang clue roon. Kailangang makausap niya ang driver ni Ava para malaman niya kung ano ang nangyari.

“Bok! Ano ang nangyari?” tanong ng kararating na si Clyde.

“Wala e. Nakidnap sina Ava and Madie.” Ayaw man niyang aminin pero obvious na iyun nga ang nangyari. And he felt so helpless kasi wala man lang siyang nagawa.

Hindi na bago sa binate ang mga kaso ng kidnapping dahil marami na siyang na-encounter na similar cases sa Mindanao. Pero iba pala kapag malapit sayo ang involved.

Surreal but real, naalala niyang wika ni Hugh Grant sa Notting Hill. Gusto niyang hanapin sina Madie, pero saan siya mag-uumpisa? Clearly ay maraming interesado kay Ava dahil sikat ito. Kung meron nga lamang siyang lead, kahit konti. Napausal ng dasal si Brey.

“Alam mo bok, may CCTV camera dito sa Taguig e. Lalo na itong Global City- puno ito ng camera.” Nakatingala si Clyde sa mga poste, tinitingnan ang mga camera na naroroon. “Para kang nasa Big Brother House kapag nandito ka sa lugar na ito. Dapat siguro….”

Hindi na pinatapos ni Brey si Clyde. Halos tumalon siya papasok ng kotse habang sumisigaw sa mistah na kailangan nilang hanapin kung saan naroroon ang main office na in-charge sa mga CCTV cameras! After several phone calls ay natunton nina Brey ang kinaroroonan niyon. Pero dahil wala pa silang permit or clearance to go up, wala siyang choice kundi lunukin ang pride at tumawag sa isang number na alam niyang hindi siya bibiguin. He called up his father.

“Pa?” But it was his mother on the other line. Hawak pala nito ang cellphone ng papa niya dahil nagbigay umano ng privilege speech ang ama niya. “Matagal pa ba siya ma? Emergency kasi.”

“What’s wrong?” Naalarma agad ang mama niya. Hindi kasi ugali ni Brey ang tumawag sa mga magulang para magsabi ng emergency. “Tell me.”

In less than 2 minutes ay sinabi niya ang sitwasyon- na nakidnap sina Madie at kailangan niyang makita ang mga CCTV camera sa Taguig pero wala pa siyang hawak na clearance.

“It’s a matter of life and death, ma. This girl…. she’s important to me.”

“Here’s what you will do. Go to the reception counter and tell them you want to talk to Remus Esperon. Siya ang pinaka-head diyan. Kapag umangal ang mga yan, for God’s sake, introduce yourself as the son of Congressman Abesamis! Hindi puwedeng hindi nila kilala ang ama mo- siya ang tumulong para mapatayo ang building na yan, ano ba!”

For the first time in his life, Brey was glad for his parents’ influence. Dali-dali nga niyang hinanap ang ibinigay na pangalan ng kanyang mama at nang makausap yun ay agad siyang nagpakilala. Si Remus pa mismo ang bumaba at sumundo sa kanila ni Clyde para masamahan sila sa pinaka-sentro ng mga CCTV cameras. Nakipag-cooperate naman sina Remus at tinulungan sila. Dumating na rin ang Chief of Police ng Taguig City at sabay-sabay nilang pinanood ang naganap na kidnapping na nakuha ng ilang camera na naroroon sa 8th Street. Nakuha nila ang plate number ng dalawang SUV at agad iyung ipina-trace kung kanino nakapangalan.

The Cavaliers: BREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon