CHAPTER SEVENTEEN

Zacznij od początku
                                    

“It’s not what you think,” mabilis na wika nito. “I can explain.”

“Mag-explain ka na dahil hindi ka talaga makakapasok dito sa bahay kapag di ka umayos!”

“Hailey was my girlfriend in college, bago ako pumasok sa PMA. Pero nagbreak kami dahil hindi daw niya kaya ang pagiging kadete ko. I never heard from her again, hanggang sa magkita kami uli nung birthday mo. Kahapon ay tumawag siya at nagyaya ng dinner- as friends. Hindi naman ako tumanggi dahil magkaibigan naman nga kami dati.”

“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?”

“I’m sorry. I guess hindi siya ganun ka-importante kaya hindi ko na ikinuwento.”

“Kaya pala hindi mo ako nasundo dahil hindi siya importante,” hindi niya napigilang sumbatan ang lalake. “Nagsinungaling ka pa sa akin kagabi!”

“Stella, hindi ako nagsinungaling. Sinabi kong may biglaan akong lakad. And I’m really sorry.”

Humaba lang ang nguso niya kaya nagpatuloy si Drew sa pagpapaliwanag.

“After our dinner, since wala siyang sasakyan, I decided na ihatid siya pauwi. Tutal malapit lang naman.”

“Ang sabi niya, nag-enjoy daw siya sa company mo kagabi.” Nasasaktan na naman siya pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang umiyak sa harap ni Drew!

“Walang nangyari kagabi, Stella. I swear. Okay, I’ll be honest. That woman tried to seduce me. Tinukso niya ako kagabi.”

Napapikit ang dalaga sa inamin ni Drew. Pakiramdam niya ay biglang hiniwa ang puso niya!

“Hindi ko siya pinatulan, Stella. In fact, naitulak ko siya sa labas ng kotse at basta na lang akong umalis.

“Ginawa mo yun?”

“Oo. Kasi hindi naman siya ang mahal ko. Ikaw ang mahal ko, Stella.”

“Pero minahal mo din siya dati. Paano ako nakakasiguro na hindi na babalik ang nararamdaman mo sa kanya?”

“Hindi na, promise.” Itinaas pa ni Drew ang kanang kamay nito. “Iba na ang nagmamay-ari ng puso ko kaya hindi na niya ito puwedeng agawin.”

“Bakit hindi ka man lang tumawag sa akin kanina? Or nagtext. Bakit ngayon ka lang nagpakita?”

“Ilang beses kitang tinatawagan, hindi ka naman sumasagot.”

“Hapon ka na tumawag sa akin. Pero buong umaga hanggang tanghali, wala kang paramdam. Hindi ko nga alam kung nasaan ka na or kung anong nangyari sayo.”

“Pumunta kaming Tarlac. Kababalik ko nga lang. Naubusan kasi ako ng battery kaya bumili pa ako ng charger sa mall doon. Pasensya ka na ha.” Niyakap siya nito at hinalikan sa noo.

Tuluyan nang humina ang depensa niya. Paano ba niya matatanggihan si Drew? Alam na alam nito ang weakness niya! Nakukuha siya sa lambing!

“Huwag ka nang magalit sa akin, please. Ayokong nagtatampo ka sa akin.”

“Paano kung hindi lang si Hailey ang bumalik sa’yo? Sa dami ng mga naging girlfriend mo, paano kung lahat sila ay magtangkang agawin ka sa akin?”

“Kaya nga niyayaya na kita ng kasal. Para hindi na nila ako maagaw sa’yo! Alam mo naman, ang boyfriend mo e habulin talaga ng mga babae.”

Kinurot niya sa tagiliran ang lalake. Napahalakhak lang ito imbes na magalit.

“Papasukin mo naman ako sa loob, kanina pa ako nangangawit dito sa labas e. Pagod pa ako sa biyahe.”

“Sige na nga. Halika ka. Nagluto si Mavi kanina ng spaghetti.”

“Bakit, anong okasyon?”

“Wala. Pero feeling daw niya kanina e darating ka. Kaya nagluto siya.”

“Siya na talaga ang maid of honor natin sa kasal.”

“Bakit, umoo na ba ako sayo?”

“Naman, Stella!” angal ni Drew.

Siya naman ang napahalakhak ng malakas.

The Cavaliers: DREWOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz