Chapter 1

17 1 0
                                        

✌🏼😗 Fiction.

"Good Morning! uhmm, day 3 ko na ngayon dito sa Baguio, maaga ako nagising kasi last day ko nalang dito, pupunta naman ako next sa La Union. Naka ayos na mga gamit ko, ready na umalis, pero punta muna ako coffeeshop para bayaran yung bill ko since naiwan ko wallet ko kagabe dito sa bahay. Magagalit si mama neto pag nalaman niyang nakalimutan ko yung gamit ko."

Sinisimulan ko ang umaga ko sa pagvvlog. Buksan ang bag, kunin ang camera, ayusin ang angle, hit the record button.

Umagang-umaga parang pagod agad ang nararamdaman ko. Kuha agad ng sigarilyo, diretso sa balcony habang nagbabasa ng isang nobela. Isang stick lang diretso na ako sa coffeeshop.

WELCOME TO BAGUIO CITY! 

Puta ang lamig.

"Hi, sir, good morning po! Same order po ba?"

"Bayaran ko lang yung inorder ko kagabe. Pero sige, order na rin ako."

"Sir nabayaran no po yung order nyo kagabe. May nang-iwan lang po sa table tas naglagay nalang po ng note. Wala naman po ako choice kung hindi kunin yon, pero sir hindi ko tatanggapin yung pera kung diretso nya ibibigay saamin."

"Note? Pwede patingin?"

Bumagabag agad sa isip ko ng sabihin saakin na may nang-iwan ng note. Buong stay ko sa Baguio ngayon palang ako naka encounter ng ganito.

"Hoy Missy, tsaka pala tigilan mo yang pag tawag mo ng sir saakin. Parang di tayo magkakilala. 'Kala mo di kita tinulungan pagpaalam sa mama mo para lang makapag party ka." Sagot ko nang hindi mapaghalataan na kinakabahan ako.

"Sige po sir, subukan niyo pong isigaw dito yan bubuhos ko tong kape nyo, Mr. machix-pero-di-marunong-magdrive." Sagot saakin ng kababatang kong si Missy.

"Ano ba, 5 years ago na yon di mo pa nakakalimutan. tsaka di ako nagchix alam mo yon." Napangiti ako.

Kitang-kita sa mga mata niya na ang tuwa dahil ngayon lang naulit ang aming pagkikita. Nilapitan ako at niyakap ng mahigpit.

"I missed you, Missy" Sabi ko sakanya.

"I missed you too. Sorry hindi kita naabutan kagabi, nabusy kasi ako sa school. Alam mo naman kailangan i-exercise lagi ang utak."

Hindi na talaga nagbago tong babaeng to. Napaka responsible at professional ng galaw. Napaka suwerte ko naging kaibigan ko 'to.

"Teka nga lang ire-ready ko na order mo. Maupo ka muna magkkwentuhan muna tayo bago ka umalis. Treat ko sayo 'to.

"Okay.. apaka sungit." pabulong kong pagkasabi.

"Narinig ko yon!" agad na nag-iba ang mukha ni Missy.

"Napaka sweet yon!" pabiro kong sagot sakanya.

Dumiretso na ako sa VIP table, a.k.a. Matt's Zone. Naks! Pinangalan ni Missy sakin 'tong lugar na to noong siya na naghandle ng business. Nilagyan niya pa talaga ng sign na akin lang ang table na 'to. Ito favorite spot ko sa coffeeshop, napaka ganda ng view kita mo lahat. 

"Uy di ba si direk Matt yon?"

"Saan?"

"Yung sa corner, nagbabasa ng libro."

"Shit, oo nga. Teka teka pa-picture tayo. Wait kamukha ko na ba si Emma?"

"Sis, asa ka."

"Oops oops, di muna pwede pa-picture, alone time nya ngayon." -Missy

"Oh eto na." Dahan- dahang inabot saakin ang inorder ko.

"Thank you Miss Barista." nilagyan ko ng tono boses ko para magmukhang sweet.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnforgettableMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon