Prologue

28 2 0
                                    

Nasa isang silid ang apat sa may pinakamataas na ranggo sa USC. Pinagsama-sama sila para makabuo ng isang maayos na ideya. Dahil naniniwala ang mga guro sa kanilang taglay na katalinuhan. Kung kaya't narito sila't pinag-uusapan na ang bagay na hindi nila sukat akalaing magiging mitsa ng pagkakawatak-watak nila.

"Ano ba? Titus, sabi ko ito na nga lang, 'di ba? Bakit ba ang kulit mo?" Bakas sa mukha ng pangalawa sa may mataas na ranggo na si Tatum ang kawalan ng pag-asa dahil sa kan'yang kausap.

"Bakit pumayag na ba sila? Final na ba 'yan? Eh 'di ba hindi pa naman?" pang-iinis naman na sagot ng pang-apat sa may mataas na ranggo na si Titus.

"Argh! Bakit ba kasi ang kulit mo? Ha? Sabi nang ito na lang eh! Bwisit ka talaga kahit kailan, Titus. Wala kang silbi."

"Mas wala kang silbi," biglang sambit ni Titus na mangyaring narinig naman ni Tatum. Kung kaya't napaharap ito kay Titus at tinignan ito nang masama.

"Anong sabi mo? Ako? Walang silbi? Nagpapatawa ka ba?"

"Bakit ano ba 'ko sa tingin mo? Clown?" buntong-hiningang umiling-iling si Titus.

Bubuka-sasara ang bibig ni Tatum. Tila nauubusan na siya ng masasabi. Kung kaya't mas pinili na lang niyang itikom ito at tignan na lang ng masama si Titus.

Sa kabilang banda, ang dalawa pang natitira ay nagde-debate na. May sarili rin silang mundo gaya nila Titus at Tatum.

"Li, pumayag ka na lang kasi rito sa suhestyon ko nang matapos na ang pag-uusap na 'to. Ayokong matulad tayo sa sitwasyon nila Tatum at Titus ngayon," pagpilit naman ng pangatlo sa may mataas na rango na si Azalea.

"Bakit? 'Yan bang suhestyon mo, maganda?" tanong pabalik ng una sa may mataas na rango na si Li.

"Hindi naman ako magbibigay ng suggestions kung alam ko namang hindi maganda," sagot naman ni Azalea.

"At sa tingin mo maganda 'yang naisip mo? Sigurado ka?" pang-iinis ni Li.

"Are you questioning my knowledge, little girl?"

"Or maybe nonsense knowledge, you brat. Where did your brain go ba? Was your brain flew and jumped over the rushing river?" Sarcasm at its finest si Li.

"Wow. Ang sakit no'n ah. Namimersonal ka na, Li. You're out of the topic. Stop it."

"Wow. At ngayon pinapahinto mo 'ko? Bakit nung kanina ba huminto ka nung pinahihinto kita? Hindi naman, 'di ba? Kaya 'wag mo 'kong pipigilan. No one can stop me, Azalea," pagbabanta naman ni Li.

"Li naman eh! Bakit ba ang kulit mo!? Bwisit!"

"Titus naman eh! Bakit ba ang kulit mo!? Kainis!"

Tila parehas nang nawawalan ng pag-asa sina Tatum at Azalea sa kanilang mga kausap. Naiiyak na sila pero hindi pa rin sila huminto. Sa halip, nakipag-away pa sila sa kausap nilang si Li at Titus.

Hanggang sa...

"Superiors! What are you doing!? You're supposed to formulate an idea, right?" Bumungad sa harapan nila ang director ng school. Bumalatay sa mukha ng apat ang pagkagulat dahil sa kanilang nakita.

"Um, D-director Amparo... k-kasi po si Titus," pangunguna ni Tatum.

"Ano'ng ako? Director, si Tatum po 'yon," tugon naman ni Titus.

"Ano'ng ako? Ikaw 'yon—Ikaw 'yon, Titus! Ano ba? 'Wag mo ngang baligtarin."

"Kung magagalit po kayo sa'min ni Tatum, sana isama niyo na rin sila Li at Azalea. Habang nag-aaway kami, nag-aaway rin po sila," panglalaglag ni Titus.

The Superiors Life (On-hold)Where stories live. Discover now