TLLMH •01

31 10 0
                                    

REIGN POV

Andito ako ngayon sa palengke at namili ng karne kakasweldo lang sakin kanina,nagtatrabaho ako sa isang sari-sari store at ako ang cashier,200 peso ang sweldo ko araw-araw tsaka every Saturday lang ang bayaran ng sahod kaya ito ako ngayon patungo sa palengke wala akong pinag-aralan,di ko alam kung sino ang mga magulang ko. So anyway highway wala na akong pake dun.

"Manang magkano po ang kilo ng karneng baboy?"tanong ko dun sa nagtitinda

"Wan pipty ineng"sagot nito

"Pabili manang,isang kilo po"

Ako nga pala si Reign Villanueva,17 at mag-i-eyten nakatira malapit sa bundok at meron akong kamag-anak (pero hindi ko sila kadugo) sila lolo Losyo at Lola Josing sila ang kumukupkop sa akin,sinabi na nila sa akin nung bata pa ako na hindi nila ako kadugo,na sangol pa ako nung nakita nila ako sa gubat,kaya nagpapasalamat ako sa kanila na kinupkup nila ako at mahal na mahal ko silang dalawa kaya ngayong matanda na sila ay ako ang mag-aalaga sa kanila.

"Ineng ito na oh"kanina pa pala ako nagkukwento hindi ko tuloy napansin si manang na kanina pa ako tinatawag

Kinuha ko ang karne at binayadan ito tsaka humingi ng tawad at nagpapasalamat na rin.

Pagkatapos kong mamili ay umuwi na ako,malayo-layo pa ako sa bahay ay may nakita akong van na nakaparada sa labas

Sino ang may-ari nito? Bakit sila nandito? Anong pakay nila? Sila lolo at lola?

OMO sila lolo at lola?!!

Lakad takbo ang ginawa ko para lang mabilis makadating sa bahay,di ko alam kung bakit ako kinakabahan. Kung ano-ano ang pumapasok sa aking isipan.

Pagkapasok ko ay agad na napatigil sa pagsasalita ang mga lalaking nakatuxedo at napalingon sa pwesto ko kung saan ako nakatayo. Pinasadahan nila ako ng tingin nung apat na mga lalaki saka nagsalita yung isa na sa tingin ko ay ito ang boss nila.

"Siya na po ba ang apo niyo?"ba't ang galang nitong magsalita?

"Oo siya na nga,alagaan niyo siya ng mabuti at wag niyo siyang papabayaan"sagot ni lolo

Teka? Ano raw? No! Hindi ako sasama sa kanila! Di ako bobo para hindi maintindihan ang sinabi ni lolo

"Lo,ayoko po,please lo,do something ayokong sumama sa kanila,mahal na mahal ko po kayo"mangiyak-ngiyak kong turan sa kanila

"No apo,kailangan mong sumama sa kanila dahil nangangailangan sa iyo ang iyong ama"umiiyak na si lola at ganun din si lolo

Ang aking ama? So alam nila lolo at lola ang totoo kong mga magulang?

Tumango na lang ako at walang pasabi-sabing tumalikod tsaka lumabas sa bahay at sumakay dun sa van. Nakita kong sumunod sa akin yung apat at pumasok din sa loob,yung dalawa ay nandun sa unahan habang yung dalawa naman ay nasa ikalawang upuan at ako ay dito sa pinakahuli.

Tulala... yan ang nangyari sa akin simula nung nakasakay ako sa van na ito hindi ko alam kung nasaan na kami at ilang oras na kaming bumabyahe. Bakit nagawang ilihim nila lolo at lola ito? Hindi din ba totoo yung mga sinasabi nila sa akin? All this time ginawa nila akong tanga?

Di ko namalayang may tumulo na luha sa aking pisngi,pinahidan ko ito gamit ang aking kamay,pero meron na namang sumunod hanggang sa padami na ng padami ang tumulo at di ko namalayang humihikbi na pala ako at tahimik na umiiyak dito sa sulok ng van.

Alam kong nakatingin sila sa akin pero wala akong pakialam,iyak lang ako ng iyak at di ko alam kung kakayanin ko bang mawala sa kanila. Mahal ko na sila lolo at lola kaya sigurado akong mamimiss ko sila ng sobra. Pero miss ko na din ang totoo kong mga magulang,gusto ko silang yakapin ngayon din.

Nang tumalima na ako sa pag-iyak ay saka ako nagtanong dun sa apat

"Sino ang aking ama?"tanong ko sa kanila

"Isa siyang mafia boss at kaya ka—-" di ko na siya pinatapos at sumagot nalang

"Ahh okay"sagot ko,so mafia boss pala ang papa ko? At mafia queen naman ang mama ko? At ako mafia Heiress? Hahaha wengya maniwala na sana ako kaso hindi naman yun totoo whahahaha

"Ikwento niyo kung bakit ako hinahanap ng aking ama"nakita kong napaigtad yung dalawang nasa unahan dahil sa kalamigan ng boses ko at ako din ay nagulat dun

"Matagal ka ng pinapahanap ng iyong ama dahil ipapasa sa iyo ang kanyang .org dahil malapit ng mamatay at wala kaming alam tungkol sa iyong ina,sabi ng iyong ama ay nawalay ka sa kanya nung may sumalakay sa .org at hindi nakapaghanda ang iyong ama,hindi namin alam na susugod na pala ang kalaban namin."kwento nung isa na sa tingin ko ay malaki ang katungkulan kesa dun sa tatlo

Tumango tango ako at hindi na nagsalita. So hindi nila kilala ang aking ina? At si papa lang ang nakakaalam nito? May nakalimutan akong itanong sa apat

"Ah by the way,ano ang dahilan kung bakit nasa ganun ang kalagayan ng aking ama?"tanong ko sa kanila

Nagkatinginan ang mga ito na para bang nag-uusap sila gamit ang kanilang mata at maya maya ay nagsalita ulit yung lalaking nagsalita kanina

"Makalipas ng labing limang taon simula nung nangyari digmaan ng dalawang .org ay merong mga lalaking nakaitim na pumunta din dito at tinatanong kung nasaan ka,hindi sinabi ng iyong ama dahil hindi din niya alam kaya nagkagulo sa mansyon at hindi alam ng iyong ama,maging kami,hindi namin alam na may isang tao palang nagmamasid sa amin."napahinto ito sa pagsasalita at tila iniisip ang mga nangyari dati.

"Pinana niya ang iyong ama at natamaan ito malapit sa kanyang puso,isang taon itong na-comma dahil ang panang iyon ay meron palang lason,lason na nakakamatay. Wala gamot sa lasong iyon at maging ang mga experementista ay di alam kung anong klaseng lason iyon. Mahigit isang taon ka ng pinahanap ng iyong ama,hanggang nung nakaraang araw ay nagpakita ang iyong lolo at pumunta dun mansyon, sinabi niyang siya ang nag-aalaga sayo at isinasalaysay ang mga nangyari nung digmaan ng dalawang .org."pagpapatuloy niya sa pagkwento.

Dapat palang magpapasalamat ako nila lolo at lola,dibali na pag nagkaroon ako ng oras ay bibisitahin ko sila doon.

Pagkatapos nung pag-uusap na yon ay naglakbay ulit ang aking isip sa ibang bagay.


~~~~~~~
A/N's: Annyeong!!!! Lame po ba? Sorry po kutaw ang isip ko ngayon eh, ginawa ko kasi tong series tapos wala pa akong plot dun sa iba pang series,series two ito pero ito ang una kong nagawan ng plot. Di bali nalang baka bukas o mamaya ay makakagawa na ako ng plot dun sa series one dahil sasabayin ko po sila!!!!.... wahh I can do it.

Pwede po bang humingi ng feed back?... at tsaka votes?

Penge po mga Names plsszzzzzz lima po name ng boys yung naayon po sa series ng story

Kamsa~

Xoxo 💋

-Shiiieeenng

THE LONG LOST MAFIA HEIRESS (THE GODDESSES Series #2)Where stories live. Discover now