Prologue

2 0 0
                                    

Umuulan sobrang lakas ang sarap sa pakiramdam nakakaginhawa napapalitan ng lamig ang init ng panahon.

nandito ako ngayon sa harap ng bintana ko habang pinagmamasdan ang bilog na buwan ang ganda sobrang ganda pero mas maganda ako.

nakakawala ng problema ang ulan kapag naririnig ko ito at sa tuwing pinagmamasdan ko ang buwan.

konting minuto nalang at matatakpan ng ulap ang buwan hanggang sa may napansin ako bakit siya nandito hindi siya pwedeng makita ng kuya dahil mabubugbog siya.

kung kelan malakas ang ulan dun siya pumunta dis oras na ng gabi tulog na ang kuya kaya bumaba ako para kausapin siya.

"bakit ka pumunta dito? umuwi ka na" pinayungan ko siya kahit basa na siya ng ulan "gusto kitang makausap."nung sinabi niya yon yung mga mata niya ang lungkot nakikisabay sa panahon.

kumulog at kumidlat kaya hinila ko siya at pumasok sa loob "hindi ka ba napapagod? kasi ako pagod na gusto ko nang matulog at kalimutan ang problema" malapit na konti nalang at iiyak na ako.

"mahal kita" mahina pero rinig na rinig ko kahit malakas ang ulan "at anong gusto mo ipag sigawan ko na mahal moko" naiiyak na sabi ko "mga kapit bahay mahal ako nang lalaking ito naintindihan nyo ba" sigaw kong sabi kasabay ng kulog at kidlat.

mukhang hindi sumang ayon ang panahon sa sinabi ko dahil totoo naman. "umalis ka na bukas nalang tayo mag usap hindi rin tayo nagkakaintindihan." tinulak ko siya hanggang sa makalabas siya.

"Scarlet patawarin moko p-patawad totoo lahat ng sinabi ko sayo." umiiyak na sabi niya napaupo nalang ako sa sahig walang pake kung mabasa ng ulan.

mula dito kitang kita ko ang buwan sumasang ayon sa kalungkutan at sakit na nadarama naming dalawa.

umakyat na ako at nagpalit ng damit sa sobrang basa ko, matutulog na ako pinatay ko na ang ilaw at humiga.

The Scarlet MinuteWhere stories live. Discover now