Umagang umaga cellphone agad ang hawak ko. Pagkamulat pa lang ng aking mga mata hinahanap ko na agad ang aking cellphone para mag wattpad. 'Yan ang ginagawa ko tuwing umaga pagkagising na pagkagising ko, mas inuuna ko ang pagbabasa kesa mag-agahan.
'Saka lang ako tatayo sa pagkakahiga pag pinagalitan o tinamad na 'kong magbasa.
Titiklupin ko ang kumot kong ginamit at ilalagay sa lagayan kasama ang mga unan na ginamit ko at pag naayos ko na ang aking pinagtulugan at nakapagwalis na kukunin ko ang cellphone ko, kukuha ng unan at hihiga ulit, ayos ba? HAHAHAHA tatayo ako ng mga 9 or 10 ng umaga para mag-saing at magluto ng kahit na anong ulam. Ganiyan ako araw-araw maliban na labg kung magkikita kami ng lab ko, labahin.
Nung nakaraang linggo umagang-umaga ang haba haba na ng nguso ko ta's umiiyak na agad ako. Ganto kasi 'yan tuwing ala sais o syete ng umaga gigisingin ako ni papa para lang maglagay ng bigas sa kaldero o maghugas ng pinggan. Sino ba namang matutuwa do'n, 'di ba? Gigisingin ka lang para utusan tapos ang agahan sermon, wow naman po nakakabusog, hallelujah thank you.
Pagkatapos ng mga inuutos punas punas ng luha beh HAHAHAHA. Hihiga na at as usual cellphone ulit, basa ng wattpad at kung may load naman ako ay nag yuyoutube, instagram, tiktok o twitter ako.
Pinapanood ko mga vlogs nila, Zeinab and Rana Harake, Ranz and Niana, Shaina Denniz, Jomar Lovena and Zeinab Harake's Movie, Jelai Andres, Donnalyn Bartolome at iba pa.
At kung minsan ay nanonood din ako ng mga International Vloggers katulad na lang nila Faze Rug, The DDG Family, ZHC, Justmaiko at marami pa.
Pag napapanood ko yung mga vlog ni Faze Rug at ZHC, bigla na lang lumilipad yung isip ko katulad ng, nasa ibang bansa ako ta's naka-upo ako sa isang tabi tapos biglang lalapit sa 'kin si Faze Rug para ayain mag shopping sa isang sikat na brand para sa vlog niya. Like sa Gucci, LV, Chanel and many more.
Oh, kaya naman si ZHC na mabibigyan ako ng isang customize na iPhone, iPad, Macbook or Airpods. Katulad na lang nila Charli at Dixie D'amelio, Chase Hudson, Anthony, Josh Richards at iba pang kasama sa 'Hype House' na nabigyan ng iPhone 11 Pro Max na customize. Lahat ng 'yan pinapantasya ko HAHAHAHA like ang swerte swerte lang nung mga nabibigyan sanaol deba???
Ang bait bait nila gosh. Sila ang nagpapatunay na mas mabuting magbigay kesa ang makatanggap. Mas lalo silang binebless ni papa Jesus.
'Saka pala ng mga International Couple Vloggers, recommend ko sa inyo, supeeer cute nila, LIKE SANAOL DEBA?! SANAOL MAY JOWA! chOuR.
Sa araw-araw na buhay ko lagi akong nag-iimagine na sana may boyfriend akong taga ibang bansa. Hoy! Hindi ARABO, ha!!! Amerikano ganorn HAHAHAHA ba't ba masama bang mangarap? Atsaka ang sabi nila mas gusto ng mga Amerikano ang mga Pinay dahil sa kulay na meron tayo. Kaso ang problema, mataba ang ate mo, so, pa'no na ang pangarap ko? huhuhuhu.
Wagas pa naman ang nasa isip ko, like macho ay hindi , mali , hindi kamacho'han yung sakto lang, ewan ba pero nandidiri ako sa may malalaking katawan lalo na yung ang laki tapos maugat, iwww. So, eto na nga, sakto lang yung katawan, blue eyes or green pwede na ring brown kase siyempre 'di ba ang sarap titigan ng may magagandang mata. Ta's may magulo at mahaba na buhok. messy hair with mapupungay na mata, uh heaven!!
He will lay on my lap and I'll stroke his hair until he fell asleep. Can't wait, ah eh ih oh uh... Or we will watch movie while cuddling oh no we're not watching were just cuddling and talking some stuffs or our future.
And if he was playing Xbox or what I'll mess him up until he gets angry and stop playing games. Like, baby I want your attention, your all attention.
I want a relationship like that not toxic or needy relationship. Just chill and cool.
I'm dreaming to have a foreigner boyfriend kase sa kanila ko nakikita yung personality na nababasa ko sa Wattpad at yung pag handle nila sa isang relasyon.
Even my family and relatives want me to have a foreigner boyfriend or a wealthy boyfriend.
I want a luxurious life but sometimes I want a simple life.
As in simple lang talaga yung ako, asawa ko at mga magiging anak namin. May maliit na bahay hindi naman yung sobrang liit, yung kasya kaming pamilya. Yung walang arte sa buhay. Para bang ganto, kung ano yung nakahain, kainin na 'wag ng maghanap pa ng iba.
Nag-iimagine rin ako minsan na may gwapo akong boyfriend o asawa...
I want his personality are cold, man of a few words, masungit but when it comes to me he is sweet, crazy, basta gusto ko sa 'kin niya lang nilalabas yung ugaling hindi niya pinapakita sa ibang tao.
Grabe english carabao is me HAHAHAHAH ang hirap mag english, ha?!
Heto pa ang problema ko HAHAHAHAHAH kaya minsan ayaw ko sa poreynger kase mga englisherist mga sis, dudugo ilong ko.
Lagi akong nangangarap na sana makapunta ako ng ibang bansa at doon makahanap ng boyfriend o mapapangasawa HAHAHAHAHA.
Noong ilang linggo lang ng makauwi si mama galing sa ibang bansa ay sinabi ko sa kaniya na gusto ko ng passport. Btw, ofw si mama at first time niya 'yon, first time namin na mahiwalay kay mama ng 3 years straight. So, back to the passport HAHAHAHA 'yon nga nanghihingi ako kay mama kaso biglang sumingit si papa, "Tumigil ka nga, mag-aral ka muna at pagtapos mo na ang pag-aaral mo 'saka mo gawin ang mga gusto mo." hayyy, epal talaga si papa, siya ang hadlang sa pangarap ko na magkaporeynger na boyfriend HAHAHAHAHA.
Hanggang ngayon nangangarap at nagpapantasya pa rin ako na sana magkaroon ako ng poreynger na boyfriend HAHAHAHAHAHA. Oh, 'wag kang epal ikaw nga nangangarap na magkaroon ng boyfriend na pogi, eh, sapukin kita diyan makita mo!
Hayyy, I love poreynger, maliban lang sa mga koreans, hapon, at chino HAHAHAHAHA joke, Taehyung and Jk is mine, mine, aloneeee!!
To be continue, wait ka lhungs sa 2, okay? Kung hindi ka makapag hintay edi hindi, kaya ka sinusukuan at iniiwan eh di ka matutong maghintay, hays.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Ang Pantasya Ni Anne Anne
RomanceMay isang ilusyunadang babae na magpapantasya sa isang sikat na cute, pogi, hot na Tiktoker at Vlogger.
