Prologue

4 0 0
                                    

I love you, but until when?

Start:June 8,2020
End:----

Pawang kathang isip lamang ng manunulat. Don't plagiarize po. Salamat.

-

"Putangina naman Sandra!" sigaw ni Cassius mula sa kwarto namin.

Hindi ako nakasagot dahil malamang sa malamang na bubugbugin niya ako pag sumagot ako pabalik. Natatakot ako sa kanya kase alam kong marami siyang kayang gawin, kaya niyang pumatay kung gugustuhin niya.

"Linisin mo nga yung kwarto bilis! Pupunta dito si Amara, magluto ka na din ng makakain." utos niya sakin.

Tinitigan muna niya ako nang masama bago lumabas ng bahay. Sinadya niya pa akong bungguin buti na lang napahawak ako sa pader. Ganyan siya, hindi niya ako tinuturing na asawa. Tinuturing niya akong alipin dito sa loob ng mansyon niya. Pag may nagawa akong mali, he'll shout at me and I don't have the rights to talk back. Nadinig ko pa ang pagpapaandar niya ng kotse niya at ang pagharurot nito paalis. Napaluha na lang ako. Kailan ba ulit ako mamahalin ng lalaking yun? Mabilis kong pinunasan ang luha ko gamit ang aking kamay. Napangisi ako nang may mabuong plano sa utak ko. Humanda ka Amara.

I love you, but until when? Where stories live. Discover now