Hanggang saan ako maghihintay
Hanggang saan ako magtitiis
Ang tagal ko nang nag-aantay sa pag-ibig na walang kasiguruhan
Isa, dalawang buwan umabot na sa dalawang taon
Na wari ko'y pagod na pagod na ako
Hindi mo pa rin napapansin Hindi mo pa rin minamahal
Mahal hanggang kailan ako pahihirapan
Wala na ba talaga akong puwang
Sa puso mo na siya lang ang sinisigaw
Binigay at binuhos ko naman lahat
Pagmamahal oras at sakripisyo
Pero kulang pa rin pala
Dahil wala ka talagang nadarama
Pero tama na pagkat ako'y pagod na
Umasang mamahalin mo din
Ngunit tangang umaasa
Napagtanto ko na hindi dapat ikaw ang unang magmahal sakin
Dapat ako muna ang magmahal at pahalaga dito
Tapos na ko sa pagpapanggap
Na ikaw at ako ay hanggang dulo
Tapos na kong mapagod
Tapos na kong umiyak
Tapos na kong malunod sa pagmamahal na hindi tama
Paalam sayo ayoko nang magbalik
Sa paglisan ko hahanapin ko na muna ang kasiguruhan
Hihintayin ko ang tamang panahon na sa susunod na pagkakataon
Ako na mismo ang siyang mamahalin nang taong mahal ko
Hindi ko na kailangan pang manlimos
Dahil ang pag-ibig niya ay wagas at buo
-Paglaya-
