Vine

109 11 0
                                        

Krinngg kringgg kringgg kringgg!!!
"Hoy Vine! Gumising ka na! Malapit ka nang batukan nyang alarm clock mo!"
Ang napakalambing na pambungad saken ni Ate Luna.
"Hmmmm...5 mins" Sabay takip ng unan sa mukha ko.
"Yang 5 mins mo aabutin yan ng dalawang oras! Napakadami pa ng alarm mo, hindi ka naman nagigising?! Bumangon ka na dyan at mauna ka nang maligo dahil napakabagal mo at wala akong planong antayin ka, dahil for sure malelate nanaman ako."
Uggghh! Hirap parin ako bumangon dahil nagbabad nanaman ako kagabi para tapusin ang bagong season ng Money Heist. 5 mins lang oh! Bulong ko sa sarili ko
"Ate...please..mauna ka na dun. Susunod ako promise! 5 mins lang talaga..." Itinaas ko kanang kamay ko habang nakatakip parin ang unan sa mukha ko.
"Hay nako Maria Victoria Eloisa! Kapag ikaw inakyat ko nanaman dito sa kwarto at tulog ka parin babawasan ko allowance mo ngaung week!"
Napilitan nakong bumangon, allowance ko na nakasalalay dito eh. Annoying tlga! Hay nako. "Ate eto na oh? Babangon na? Happy?"
"Good! maliligo nako. Ligpitin mo na yang bed mo!"
"Ate, ang aga ha? dami mo ng demands?"
"Ewan ko sayo! Bilisan mo na dyan at magprepare ka na!"
Tinulak ko sya palabas at sabay sara ng pinto. Hayy salamat wala nang ingay. Ang aga aga, ang daming demands. Hihiga pa sana ako ulit kaso alam kong magtutuloy tuloy na tulog ko at masesermonan nanaman ako ni madam Luna. Kaya mas pinili kong ligpitin nalang ang bed ko at magprepare ng damit at gamit for school.

Bagong lugar, bagong kapitbahay...bagong school...adjustment nanaman...Demands ng work ni ate *Sigh (Sabay isang malalim na buntong hininga). Naassign sya dito sa Manila kaya kinailangan din naming magtransfer ng bahay para mas malapit sa work nya.
"Layo ng tingin natin ah? Mukhang lalim ng iniisip mo?"
"Kinakabisado ko lang ang lugar ate, napakaintrigera nito."
"Nagtatanong lang po, ang sungit neto. Oh dito na po tayo madam. Basta magtext ka nalang kung pauwi ka na at kung nakauwi ka na rin. Tinext ko sayo ang instructions kung paano ka makakauwi. Mauna nako. Mag-aral ka ng mabuti!"
"Sige na! Gets ko na. Ingat sa pagdrive ate."

Di ko napigilang idilat mga mata ko at tumingin ng mabuti sa paligid. Shocks! Grabe. School ba tlga to? O lugar ng mga artista? Lahat nakaayos, akala mo may event. Ang gagara ng mga suot nila. Ganito ba tlga sa international school? Parang hindi ata ako bagay dito. Sa loob ko parang gusto ko nang tumakbo at umuwi nalang kasi baka hindi ako papasukin sa loob ng class dahil mukha akong ewan pero wala akong choice dahil kapag nalaman naman ni ate na umuwi ako for sure sesermonan nanaman ako nun. Hayyy!
Halos matunaw nako sa tingin ng mga nakakasalubong ko. Yung tingin na para silang nakakita ng allien. Hayy nako. May chance kaya akong mabuhay dito?
First day palang, pero parang gusto ko ng grumaduate bukas! At nang matapos agad ang kalbaryo ko dito!

After 48 years! sa wakas nahanap ko na din tong faculty room! At buti nalang may nakakita agad saken.
"Hi, Ma'am. Goood morning po. Transferee po ako."
"Good morning din iha, anong fullname mo?"
"Ahh, Maria Victoria Eloisa Tolentino po, Ma'am. Vine po for short"
"I see. Ganda naman ng name. Dito ka muna. Pull out ko lang records mo tapos ihahatid na din kita sa classroom mo."
"Sige po. Thank you, Ma'am"

Tinawag ni Ma'am Sanchez yung magiging class adviser ko. At shet! Napakagwapo at mukhang artistahin. Ganito ba requirements dito sa school na to?!

"Excuse me Sir Steve?"
"Good morning Miss Sanchez? What can I do for you?"
Biglang namula lalo ang rosy cheeks si Ma'am Sanchez sa sweet at manly voice ni Sir. Grabe! Parang kausap nya si Lee Min Ho.
"Good morning din Sir Steve. Hinatid ko lang yung transferee na sa class nyo nakaassign, Sir."
"I see, thank you Miss Sanchez. Ako na bahala sakanya"
"Thank you, Sir Steve."

"Let's go inside beautiful young lady and introduce yourself to the class."
Shocks! Parang di ko naman deserve na matawag na beautiful, lalo pa si Sir Steve pa magsasabi. Hayy.
"Sige po Sir."
"Hey class! We have a new addition to the team. Go ahead introduce yourself to the class."
And the crowd went silent. Kulang nalang may tumbleweed na dumaan sa harap ko eh. Shocks! All eyes on me now...and waiting...
"Uhhh ehemmm..hatchinnnnnggg!!!"
Biglang tawa ng lahat. Sheeett! Bakit ngaun pa ako mahahatching??? Tapos sa harap pa ng mga kakaklase ko?!!!!
"Hi hatching! Hahahhahaha" biglang sigaw ng lalake sa likod, ang lakas ng tawa ng lahat. Gusto ko ng lamunin ako ng lupa. Ughhhh! Nilunok ko ang kahihiyan at sinubukan kong iintroduce ulit ang self ko.
Nilakasan ko loob ko. Wala naman akong choice eh!
"Hi! good morning" tumatawa parin silang lahat at parang walang planong makinig saken.
"Guys! Guys! Chill, enough. Let her introduce herself."
Here goes nothing. Bahala na. Napahiya ko na sarili ko kaya papanindigan ko nalang.
"Hi, Everyone. I'm Maria Victoria Eloisa Tolentino. You can call me Vine for short"
"Hi, Vine. Nice to meet you! Can you share with us a little something about yourself?"
What???! Bkit may ganun pa??? Pero parang ang hirap naman hindi ko sagutin tanong ni Sir Steve. Hayyy
"I love music, arts and books. That's all I guess." Ayoko na pahabain ang kalbaryo ko sa harap ng mga kaklase ko kaya hindi na masyado nagshare at mukhang hindi naman din sila interesado.
"That's great Vine. Thank you. You can take your sit now. You can take the empty sit behind Franchesca."
"Thank you, Sir."

Papunta nako sa upuan ko nang may makita akong guy na gumagapang papunta ata sa upuan nya. Kinindatan nya ako at sinenyasan na wag maingay. Parang biglang natulala ako. Grabe! Napakagwapo naman ng lalakeng to! Bigla syang tumayo sa harap ko. We are just one inch apart from each other! Nakatingala ako at nakatitig lang sakanya.
"Mr. Hidalgo! You are late again."
"Sorry sir Steve, present! Hahaha!"
And everyone was laughing with him. Seconds later he's eyes met mine. And...I froze! Feeling ko hindi nako makakagalaw.
"Like what your seeing, Miss?"
Shocks! Kakahiya nanaman ako. Yumuko agad ako at dumiretso na sa upuan ko at sabay tingin sa bintana.

"Ok class, we'll be having an activity next week. And, I would like you to work in pairs. This time randomly nyo pipiliin partners nyo. So girls, write your name in any piece of paper and put it here inside the box. But, instead of your real name, create a codename that you like. And the boys will be the one to pick the name from the box"
Start palang kelangan ko na agad makisama sa isa sa kanila. Feeling ko tuloy, for sure walang magbabalak na bunutin ang name ko.

"Oh my G! Chesca, sure ako name mo makukuha ni Dean kasi meant for each other talaga kayo ever since and alam nya itsura ng notes mo." Sabi nung isang girl sa gilid ko.
"Sure din ako Kelly. Wala naman ibang gustong makapair si Dean kundi ako lang."
Wow! Ang confident ni ate girl mo. Sino kaya yung Dean na yun? Sana hindi sya ang makabunot saken at nang maging tahimik ang buhay ko.
"Carlos, sino nabunot mo?"
"Si Jellybean po, Sir Steve"
"Girls, sino si Jellybean?"
"Yey! Ako po, Sir Steve!"
Sigaw ni Kelly na kilig na kilig at sobrang excited at halatang may crush dun sa Carlos na nakabunot sakanya. Mukhang wala pang nakakabunot saken or tinanggal na nila name ko dun sa box? Mukhang expected ko naman na kung mangyare yun. Nilagay ko earphones ko sa tenga ko at nakinig nalang ng music. Habang nakatitig sa labas ng bintana.
"Dean, ikaw na. Bumunot ka na dito sa box"
"Ches! Yan na oh. Bubunutin na ni Dean name mo! Kakaexcite naman."
"Yeah! For sure Kelly, malalaman nya agad na saken yung note kasi nilagyan ko ng palatandaan"
"Wow! Galing mo dun. Hindi na mahihirapan si Dean piliin ang name mo!"
"So true! And for sure hindi sya magdadalawang isip na yun ang piliin."

"Ok Dean, sino ang nabunot mo?"
"Hahaha! Nakakatawa naman ang codename nya. Froglet?"
Sa sobrang lakas ng tawa ng lahat bigla akong napalingon at tinanggal earphones ko. Sabay sigaw ni Sir Steve sa codename ko.
"Girls, Sino si Froglet?"
Bago ko pa maitaas ang kamay ko bigla akong napatingin sa lalake na nasa harap na may hawak ng papel kung san ko sinulat yung codename ko. Wow! Siya pa talaga?
"Ches? Ikaw ba yun? Froglet ba codename na ginamit mo?"
"Ha? Yuck! Hindi noh?! Napakapangit naman ng codename na yun!"
"So hindi ikaw ang nabunot ni Dean?"
Shocks! Nabagting ang tenga ko, siya ba yung Dean?! JuskoLord! Mukhang mapapasabak ako sa gyera nito.
Bago pa ako makapagsalita nagring na yung bell.
"Ok, yung ibang boys bumunot na kayo dito tapos sabihin nyo nalang mamaya saken sino nabunot nyo. See you in our next class guys"
Nagmamadali akong lumabas kahit hindi ko alam san ako pupunta. Naisip kong pumunta ng rooftop baka sakaling walang tao dun at pwede akong mapagisa.


Codename: FrogletWhere stories live. Discover now