PROLOGUE

7 0 0
                                    


THE PUNISHMENT OF DEITY •

Isang dalagang nakaitim at naliligo ng dugo dahil sa mga taong kanyang pinatay ang naglalakad palabas sa isang baryo na nagliliyab.

Naglakbay siya na tanging plawta at ang kanyang espada lamang ang kanyang dala.

Sa kanyang paglalakad ay nahinto siya sa Isang napakadilim na harden kaya nagpasiya siyang doon muna magpahinga.

"narito na ang hinihintay ko" mahinang sabi ng Isang Magandang dyosa na nagtatago sa dilim.

Ilang minuto pa ay nagising ang dalaga sa kanyang pagtulog at mabilis na tinutukan ng espada.

"sino ka?"madiin na tanong nito ngunit hindi manlang natakot ang dyosa.

"Ako si Marii" nakangiting tugon nito. "Huwag kang mag alala at hindi kita sasaktan,Dawn" dagdag pa nito at nagulat naman ang dalaga dahil alam ng dyosa ang kanyang pangalan.

"Pano'ng alam mo ang pangalan ko?" tanong ng dalaga na nakatutok parin ang espada sa dyosa.

"Dahil matagal na kitang hinihintay" sagot nito atsaka ngumiti ng nakakaloko.

Maya maya pa ay may narinig ang dalaga na mga yapak at ingay ng mga kabayo at nang lumingon siya sakanyang likuran ay nakita niya ang dalawampu na mga kawal na palapit sakanya.

"Narito na pala ang mga tumutugis sayo"sabi ng dyosa saka tumawa ng nakakaloko kaya nilingon siya ng dalaga.

"manahimik ka kung ayaw mong unahin kita!"singhal nito bago hinanda ang sarili sa pag atake ngunit ganun na lamang ang kanyang gulat nang biglang tumagos lamang ang mga kawal na tumutugis sakanya.

Dahil sa gulat ay nanginig ang kanyang katawan at nabitawan niya ang kanyang espada.

Narinig niyang tumawa ang dyosa at namalayan niya nalang na nasa harapan  na niya  ito.

"Nakalimutan mo yata na isa sila sa mga pinatay mo"sabi nito saka muling ngumiti at tumingin sa buwan na nakasilip.

Susugurin sana ng dalaga ang dyosa ng biglang hindi niya maigalaw ang kanyang katawan, kaya hinarap siya ng dyosa at ngumisi.

"Masyado nang madami ang napapaslang mo kaya dapat lang na pagbayaran mo ang lahat ng ito."saad ng dyosa."Huwag kang mag alala dahil magandang sumpa ang ibibigay ko sayo"nakangising sambit nito.

"Saksi ang buwan sa lahat ng iyong kasalanan kaya ang buwan din ang magsisilbi mong kulungan."saad muli ng dyosa bago tumalikod.

Nang maglaho ang dyosa ay napasigaw ang dalaga sa hindi malamang dahilan ng biglang paghapdi ng kanyang likuran.

"Arggg!" patuloy na malakas na pagsigaw nito.

Naglaho ang kanyang espada maging ang plawta.

Natapos ang sakit at hapdi at narinig niyang muli ang tinig ng dyosa.

"Simbolo na magpapatunay na ikaw ay isang makasalanan at ang paraisong aking iiwan ang iyong magiging tahanan" iyon lamang at biglang naging isang napakalawak na paraiso ang madilim na harden.

Isa isang pumatak ang mga luha ng dalaga na parang bang nagsisisi sa kanyang mga ginawa ngunit biglang iyong naglaho at muli niyang naramdaman ang uhaw sa pagpatay ng tao.

Fly me to the moonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora