Simula

8.1K 150 55
                                    

Simula


I have always been so sure of my decisions. 

Since I was a kid, more so, while I was growing up, I have never doubted my life decisions because I have always made sure that I considered all of the aspects. Is this going to hurt my friend? Will it affect my perspective of life? Is this going to ruin my plans or future, per se?

Tahimik at kabado akong naghihintay ng email sa akin ng isang unibersidad sa Manila na balak kong lipatan. Second year na ako sa susunod na buwan at napag desisyunan kong lumipat ng paaralan at mag shift sa ibang kurso dahil pakiramdam ko'y hindi naman ako masaya at hindi rin makakatulong sa akin, kung sakali man na tutuloy ako sa tahak na iyon.

This is my biggest decision so far. When I took college entrance examinations, I certainly made sure that the course I will choose will be my end game, same goes with the university. 

Mahirap naman kasi kung papasok ako sa hindi ako siguradong unibersidad at kurso. Tatlo sa apat na paaralan na sinubukan ko ay pribado at iisa lamang do'n ang public kaya walang kailangan bayaran. Gusto ko sanang do'n pumasok sa public university kaya lang ay hindi ko napasa yung exam. Kulang ang score ko sa math kaya hindi pasok sa course na kinuha ko, hindi rin pasok sa standards ng school.

Pinili ko yung unibersidad na sakto lang yung tuition na kailangan bayaran. Kung yung pinakamababa naman kasi, hindi maganda ang feedback ng mga napagtanungan ko kaya hindi ko pinili.

''Sigurado ka na ba sa desisyon mo?'' tanong sa akin ng dati kong propesor. 

His hand slowly went to touch his long beard. He's considered to be one of the terror professors of our department. Kilala siya bilang maligaya at makulit pero kapag nasa classroom na lalo na pag dating sa recitation, manginginig ka na lang sa takot. 

I have received my first ever cinco on his subject. Sa Law on Obligation and Contract 'yon. Hindi ko alam kung kinulang ba ako sa pag-aaral ngunit alam ko rin sa sarili ko na nararapat lang sa akin 'yun dahil nahirapan akong mag adjust sa dami ng readings niya.

''Yes, Sir Wands. Gusto ko itong kurso na 'to bata pa lang ako pero hindi po pala lahat ng akala natin ay para sa atin. Mahirap para sa akin ang desisyon dahil dream course ko ito pero hindi ko po nakikita ang sarili ko na ginagawa ang salita ng kursong ito sa hinaharap..'' nakatungo kong sabi. 

Pagkatapos niyang pirmahan ang papel na binigay sa akin ng registrar para papirmahan sa mga propesor ko ay inaya niya ako kasama ang seniors namin para kumuha ng litrato. I'll miss this. Going inside the department and joke around my professors and seniors, do events in our org, and attending the everyday classes and think critically.

Habang pinupusod ang buhok, may lumabas na notification sa email account ko na naka login sa laptop. Tulad sa kung anong inaasahan, 'yun na nga ang email ng paaralan na lilipatan ko. Pinindot ko ang mensahe at sinasabi doon na tanggap ako sa kurso at unibersidad. 

''Finally.'' I breathed.

I immediately told my Papa about it. He's very supportive. Nang una kong sabihin ang desisyon ko ay hindi siya nagalit, hindi katulad sa reaksyon ni Mama. He just told me to make sure that I'm certain with this one. Mahirap daw kasi mag habol.

Nagmamadali akong nag send ng message kay Lucy at sinabi na pasado ako. 

Lucy:

I passed, too! Marami kayang pogi ro'n?

I smiled when I have read that she passed, too. I met her when we were in senior high. We graduated, took and passed entrance examinations together, enrolled in the same university and same course. Hindi namin inaasahan pareho na aalis at lilipat din pala kami ng sabay. Noong nalaman niyang lilipat ako, kaagad din siyang nagsabi na lilipat siya kung nasaan ako.

Beyond His Caution (Lost and Retained #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon