Writer's Note

2.1K 54 0
                                        

June 2020 noong naisipan kong gawin ang story na ito, dahil sobrang inspired ako sa mga hinahangaan kong author dito sa wattpad. Kahit papano may mga nagbasa at nagustuhan ang aking story na labis kong ipinag papasalamat, Ginawa ko ang story ng Monster Boss dahil natutuwa ako sa movie nila Angel locsin at Vilma Santos na "Everything about her" at kasalukuyan kong binabasa noon ang "The Handsome Flower" na gawa ng aking ultimate idol na si Ai Tenshi. Kaya naisipan kong gumawa ng romantic comedy story na base sa mga nabanggit kong movie at story.

Lumipas ang maraming taon ay natenga ang aking story dahil hindi na ako nag update sa kadahilanang ako'y na busy sa aking pag aaral at pagka graduate ko ay nag trabaho na agad ako. Hanggang sa naisipan kong mag resign sa aking trabaho, noong panahon na ako ay nag resign na miss ko ang mga dati kong ginagawa katulad ng muling pagbabasa sa wattpad.
Wala na sa plano ko na gawin muli ang story dahil wala na akong idea at nawalan na din ng gana sa pagsusulat.

Pero sa loob-loob ng aking puso tila tinutulak ako nito na ituloy at tapusin ang istoryang aking nasimulan, at ito ay alay ko na din sa aking idol na si Ai Tenshi na nasa kabilang buhay na.

Muli ko binasa ang story kahit papano ay okay naman ang flow, ngunit may mga part na na kornihan ako at kailangan ng major revision ng story.

Uulitin ko ang story mula sa umpisa at sisikapin ko itong matapos sa abot ng aking makakaya. Ang ibang characters ay iibahin ko ang mga pangalan at iibahin ko nadin ang flow ng story mula sa umpisa.

Hindi ako magaling o propesyonal na manunulat, pero gagawin ko ang best ko para matapos at mabigyan kayo ng istorya na mula sa aking puso't isipan.

Muli paumanhin sa paghihintay, at salamat sa mga nag basa.

HU U Series:  Jace X CasperHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora