May mga bagay na hindi natin inaasahan na mangyayari sa buhay natin..
Nagsimula ang kwento ng buhay pag ibig ko nung high school ako..
Simpleng estudyante lang ako na hangad na makapagtapos.Di ako maganda pero wag ka mabait ako(slight nga lang).Masipag ako pag trip ko lang.Matalino sabi nila pero para sakin di talaga.
Dati pa lang sinabi ko na sa sa rili ko na wala akong balak makipagrelasyon.At yun ang ipinangako ko sa sarili ko pero nabago yun simula nung nakilala ko yung taong di ko akalain magpapabago sa buhay ko.
Sya yung taong di ko akalaing mamahalin ko ng higit pa sa sarili ko.Sya yung taong di ko akalaing magpapabago ng bubay ko.Sya yung taong nagparamdam sakin ng pagmamahal.Pero pano kung yung taong nagpabago sa buhay ko ay ang tao ring sisira sa buhay kong binago nya?Pano kung sya rin yung taong sisira sa buhay ko at wawasak sa dating inosente kong puso?Pano kung mawala na lang sya bigla sakin?Mahal ko sya pero sapat ba na mahal ko lang sya?Sapat ba na mahal lang namin ang isa't-isa?
Ano na lang mangyayari sakin?samin?Hahayaan ko ba na mawala sya sakin gayung sya yung dahilan kung bat ako naging masaya?
Samahan nyo kong ikwento sa inyo ang kwento ng buhay pag ibig ni Ayesha Montefalco.I sang simpleng estudyante na walang hangad kundi makapagtapos at matulungan ang pamilya.
