KILALANG KILALA
"Teacher Castillo!"
Napatigil ako sa paglalakad sa hallway ng eskwelahan ng may biglang may maliit na boses na tumawag sa akin. Napalinga ako sa batang hawak ang isang straw at juice sa magkabilang kamay.
"Pwede po bang pakibukas? di ko po kaya e." Kitang kita ko sa mga mata niya ang pangungusap. Pero sa kabila noon, mas nangibabaw ang pagka pamilyar nito sa akin. Para bang nakita ko na ito noon pa man.
Hindi ako nag atubiling lumapit sa kanya at tulungan. Lumuhod ako sa harap niya at unti unting sumilay ang maliit na ngisi sa kanyang labi. Pagkatapos kong itusok ang straw, iniabot ko agad ito.
"Salamat maa'm". Ginulo ko ng marahan ang kanyang buhok. "You're welcome baby. By the way, what's the name of this handsome kid?"
"Kael po", tugon ng bata bago siya nagtatakbo palayo sa akin palabas ng gate.
Di ko akalain na ang pagkahilig ko sa mga bata ang magdidikta ng magiging propesyon ko. Magkalipas ng halos ilang taon na paghihirap sa pag aaral, I'm here today, living up my dreams being a licensed elementary teacher. Pero kahit na naabot ko na ang ninanais kong pangarap, pakiramdam ko may kulang pa rin.
Halos 6 taon na rin akong nagtuturo dito sa University of Batangas. Im a graduate here at pagka graduate ko, nagpasa na agad ako ng resume sa elementary department. Luckily, I got hired and doing my job happily.
"Ms. Gab!!" tugon ng co teacher ko. Tinatawag na ako para sa meeting ng buong faculty bago kami umuwi. Dali dali naman ako lumapit kay Ms. Perez ng may kasabay na ako papunta sa conference hall.
Nagka emergency meeting kami dahil may ididiscuss daw ang principal namin. Balita ko ay may pagbabago daw ng program para sa Family Day. Nadiscuss na yung ibang details pero may biglaan daw na gusto mag sponsor. Syempre, kami pa ba tatanggi? Kusang lumalapit na yung grasya, ang swerte naman di ba.
"Good Afternoon. Sorry for the short notice. For this to be done quick, lets start", sabi ng aming principal habang umiimik sa unahan. Mrs. Pasumbal is in her mid forties. Her looks are quite intimidating as she looks younger than her age. Kung titingnan ay mukhang masungit pero kung makilala siya personally, she's really kind.
Napagtuunan ng pansin sa meeting ang karagdagan ng sponsor sa dadating ngang Family Day. Today is Thursday and the upcoming program will be on Sunday. All the things needed are almost done kaso nagkaroon nga ng bagong sponsor kaya nadagdagan ang kailangan naming gawin. Pero di naman ako magrereklamo since its gonna be my last family day in this school. Its quite sad but its for myself naman. Since nakaipon na naman ako, pansamantala akong titigil sa pagtuturo para hanapin ko ang sarili ko. Matapos ng lahat ng nangyari sa akin noong mga nakaraang taon, kailangan ko din ng pahinga at oras para makapag isip isip.
Palubog na ang araw ng naglalakad ako pauwi sa apartment na nirerentahan ko. Malapit lang sa school ang nakuha kong apartment para makatipid rin sa pamasahe. Pagkarating ko sa aking tinutuluyan, naramdaman ko na naman ang kalungkutan na hatid ng pag iisa. Kaya sa halip na ilubog ang sarili sa kalungkutan, mas pinili kong gawin na lang ang visual aids na kakailanganin ko bukas. Pagkatapos ko ay naglinis na ako at nagbihis para matulog.
Kinabukasan, gumising ako ng maaga para maghandang pumasok. Matapos maligo at magbihis, gumawa lang ako sa simpleng sandwich para sa aking almusal. Umalis na agad ako at wala pang 6:30, nasa eskwelahan na ako.
Kahit medyo inaantok, kailangan kong maging masigla sa harap ng aking Grade 1 students.
"Good morning children!" masigla kong bati pagkapasok ko sa silid. "Good morning Maam Castillo!!" tugon pabalik ng mga cute kong estudyante.
Bukod sa pamamalagi sa room ng Grade 1 Love, ang kaunting oras ng break time ay iginugugol ko sa faculty room kasama ng mga co teachers ko. Doon kami sama samang kumakain at nagkekwentuhan na rin.
"Maa'm Gab, balita ko ay nagpasa ka na ng resignation letter. Aalis ka na ba talaga?" ani ni maam Kaye na kasabayan ko nung nag apply noon.
"Oo, may 2 months pa naman ako para mag stay kaya may time pa rin tayo para makapagbonding " tugon ko ng may ngisi sa mga labi.
Gustuhin ko mang manatili, kailangan kong umalis para sa pansariling kapayapaan at kabutihan.
Lumipas ng mabilis ang oras at di ko akalain na hapon ulit na hudyat na tapos na ang araw na ito. Nakakapagod dahil nagamit ko ata lahat ng energy ko para makasabay sa energy ng mga estudyante ko. Halos kami na lang mga guro ang natitira dahil kanina pang labas ang mga mag aaral. Kaya ikinagulat ko na sa paglabas ko sa gate, may nakita ko sa gilid nito ang isang pamilyar na bata na nakaupo at parang humihikbi.
"Kael?" ani ko sa bata at sabay ng pagtunghay niya sa akin. Nakita ko ang kanyang pamilyar na mapupungay na mata na may bahid ng pagkabasa ng kanyang mga luha.
Lumapit ako sa kanya at mapatalon ako sa gulat ng bigla na lamang niya niyakap ang aking bewang. 5pm na ngayon at kanina pang 4:00 natapos ang klase ng Grade 2 kung saan sya nabibilang.
"Ba't nandito ka pa at tsaka bakit ka umiiyak hijo?" malumanay kong tanong kasabay ng paghagod ko ang kanyang likod. Makalipas ang ilang minuto, napansin na medyo kumalma na nga siya.
"Natakot po ako...wa-wala pa po yung kaon ko.." halos di na niya mabanggit ng maayos ang mga salita sa pagkabalisa. "...baka po nalimutan na nila ako...kanina ko pa po iniintay ang kuya pe-pero di na po dumating.."
Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang malambot niyang mga pisngi. " Baby, baka nagkaemergency lang sa bahay niyo, di ka nila malilimutan o baka natraffic lang. Ganito na lang, baby, pasok muna tayo sa loob at hintayin natin-" hindi na natapos ang sinasabi ko mg biglang may boses na sumigaw sa likudan ko.
"Kael!!", nanindig ang balahibo ko ng narinig muli ang pamilyar na boses na iyon. Halos ilang taon na rin ang nakakalipas ng huli ko iyong narinig. Nagparamdam ang kung anong paru paro sa aking tiyan. Imposible!!! Pero sigurado kong siya iyon!!
"Kuya!!"sigaw pabalik ni Kael at dali daling lumapit sa kanyang kuya. Nakatalikod ako sa kanila at aambang umalis na sana ngunit nagsalitang bigla si Kael.
"Thank you po maa'm Castillo". Humarap ako sa kanila ngunit pinanatili ko ang mata ko sa bata para maiwasan ang pagtingin ko sa lalaking kasama niya. Nakikita ko sa gilid ng aking mata ang pagkagulat ng kuya niya ng makitang muli ako.
" You're welcome baby, sige na. Aalis na ako. Bye!" humakbang na ako palayo ngunit napigilan ako ng biglang may humawak bigla sa aking kanang braso.
"Lou..", ani ng lalaki sa akin. Ang pangalang iyon. Siya lang nag natatanging tumatawag sa akin noong palayaw na iyon. Nang marinig ko ang pangalan ay parang tinusok ng matulis na punyal ang aking dibdib. Bumabalik ang ala alang pinipilit kong ibaon na sa limot.
"Kuya Ash,. hindi Lou ang pangalan ni Maam Castillo. Gab po ang pangalan niya".,ani ng bata sa kanyang kuya.
" Kael, ang tunay na pangalan ni maam ay Louisse Gabrielle Castillo", tugon ni Ashton kay Kael.
"Magkakilala po kayo ma'am ng kuya Ash ko?" Tanong ng bata sa akin habang nakatingala para tingnan ang aking mga mata.
Tumango ako sa bata." Oo, Kael. Kilala ko ang kuya Ash mo".
Ni wala nang ibang salitang lumabas sa aking bibig sa kaba. Ang tanging naiisip ko ay ang walang katapusang katanungan. Bakit siya nandidito? Di ba nasa U.S na siya? Alam ba niya na dito ako nagtatrabaho? Bakit siya umuwi matapos ng lahat? Bakit kailangan pa namin magkita?
"Talaga, kuya??", manghang mangha na tanong ni Kael kay Ash.
Napatingin ako kay Ash at nagulat ng nakita ko na nakatitig siya sa akin. May nagbago sa kanya. Bukod sa mas tumangkad, mas malaki ang kanyang pangangatawan. Pero nanatili pa rin ang kanyang maamong mukha, ang makapal na kilay, ang matangos na ilong at ang labi niyang mapula. Ang kanyang magandang mata ay ganoon parin pero ikinagulat ko na ang titig niya sa akin ay punong puno ng kalungkutan. Tila ba nangingilid ang kanyang mga luha at nagbabadyang tumulo sa oras na kumurap siya.
"Oo, baby, kilalang kilala ko siya", tugon niya sa tanong ni Kael.
YOU ARE READING
Bruised Heart
RomanceSa dinami dami ng tao sa mundo, bakit ikaw ang napili ko? Alam ko namang kaibigan lang ang turing ngunit patuloy pa rin akong umasa. Umasa hanggang sa napansin mo na rin ang nararamdaman. Umasa hanggang narinig mo na rin ang kabog ng aking dibdib. P...
