“Wala.” Saka tumingin sa labas ng sasakyan ang dalaga. Hindi niya kayang tumingin ng diretso kay Ava. Wala siyang balak umamin sa babae na si Lt. Abesamis ang dahilan ng kanyang mga ngiti.

“Para kang kinikilig na hindi ko maintindihan,” narinig niyang komento ni Ava. Nang lingunin niya ito ay nakapikit na ang babae.

At least di ko na kelangang mag-explain. Muli siyang napatingin sa labas ng sasakyan. Kasabay ng paglalakbay nila sa Edsa ay naglakbay naman ang diwa niya.

NANAGINIP ng masama si Ava. Nagising si Madie dahil sa sigaw ng babae sa kabilang kuwarto. Nagdala siya ng tubig saka sinamahan muna si Ava hanggang sa makatulog. Kinalimutan na ng dalaga ang naturang insidente pero kinabukasan, habang papunta sila sa isang event ay muling naalala ni Madie ang pagsisigaw ni Ava. Tinanong niya ang babae kung ano ang napanaginipan nito pero ayaw na iyung pag-usapan ni Ava kaya tumahimik na rin si Madie. Pero may basehan pala ang kabang naramdaman ni Ava sa panaginip. Narealize iyun ni Madie the next day.

“HAY salamat, natapos din,” wika ni Ava pagkapasok ng sasakyan.

“Ang daming tao at excited ang press sa bago mong pelikula,” komento ni Madie. “Tiyak na papatok yan dahil pag-uusapan.”

Totoo naman ang sinabi niya. Dinaluhan ng sangkaterbang taga-media ang press conference ng bagong pelikula ni Ava- kesehodang sa Global City sa Taguig ginanap ang event. Normally ay within Quezon City lagi ang mga press con at events dahil accessible sa mga taga-print and TV media pero kakaibang gimik kasi ang ginawa ng PR group na humahawak sa pelikula nina Ava. Sa pool side ng Serendra ginawa ang press conference- kumpleto ang mala-Hawaii at Boracay set up dahil ang title ng pelikula ay The Last Island Girl.

“Sana nga maging blockbuster dahil halos hubad na ako sa pelikula.”

Hindi na kumibo si Madie sa huling sinabi ni Ava. Ang babae din naman kasi ang direktang nakipag-deal para sa naturang pelikula. Nagdesisyon ito na tumanggap ng mas challenging role para lalo umano siyang pag-usapan.

“Balik tayo ng Quezon City,” wika ni Madie sa driver. Nang tumango iyun ay si Ava naman ang kinausap niya. “Sa may Timog tayo para sa fitting ng mga bago mong damit. May pictorial ka sa makalawa.” Tumango lang ang babae saka nagsabi itong matutulog muna.

Balak din sana ni Madie na pumikit sa biyahe dahil alam niyang medyo ma-traffic , pero tumunog ang isa sa mga cellphone na hawak niya.

Hi. How are you?” Si Brey ang nagtext, this time ay sa personal cellphone na niya. Hiningi kasi iyun ng lalake nang gabing lumabas sila. It’s been three days since that fateful night.

Napangiti si Madie nang maalala ang halik ni Brey. Hanggang ngayon ay naiisip niya pa rin iyun. Baliw ba siya?

I’m okay. Katatapos lang ng press launch ng pelikula ni Ava sa Global City,” sagot niya sa text.

Talaga? Sayang, sana nagsabi ka. Malapit lang ako e.” Alam ni Madie yun. Actually she thought about him. Pero nahiya naman siyang mangunang magtext. Baka mahalatang sabik siya!

Busy din kasi e,” she replied. Which is true. Halos di siya magkandaugaga kanina sa pag-asikaso kay Ava. Marami kasing gustong kumausap. “Next time tatawag ako.” Napangiti ang dalaga sa huling text message na pinadala niya.

Flirting ba itong ginagawa ko? Na-guilty siya. Pakiramdam niya ay may ginagawa siyang kasalanan kahit wala naman.

“AY!” Bigla ang pagpreno ng sasakyan nila at nabitawan niya ang cellphone.

“Shit!” Napamura si Ava sa gilid niya. “Anong nangyari?”

“May nag-overtake po sa atin, ma’am,” sagot ng driver nila.

Nakita ni Madie na nasa vicinity pa rin sila ng Global City. Nasa may 8th Avenue sila.

“Bakit dito tayo dumaan?” tanong ni Madie. “Akala ko mag-e-Edsa tayo?”

“Traffic po sa Edsa ma’m, nasa radio kaya sa C5 ko sana balak na dumaan.”

Akmang paaandarin na ng driver ang sasakyan nang may kumalabog sa likod ng sasakyan nila. Binangga sila! Paglingon ni Madie ay may itim na SUV sa likod nila.

“Binangga tayo,” kinakabahang wika ng driver. Akmang bababa ito nang sumigaw si Madie.

“Huwag kang bababa! I-lock mo ang pinto!” Nakita kasi niyang may bumabang dalawang lalake mula sa SUV- mukhang mga goons. Pagtingin niya sa unahan nila ay isang identical na SUV din ang naroroon.


Hold-up! Hohold-upin kami! Yun agad ang pumasok sa isip niya. Mabilis niyang inutusan ang driver na paandarin ang sasakyan while she reached for her phone. Nanginginig pero buo ang loob niya na dumayal.

The Cavaliers: BREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon