1
Friends
"Kuya. Kuya. Wait lang po. Kuya." Sumisigaw na ako habang tumatakbo palabas para habulin yong lalaki. Naiwan niya kasi itong panyo niya sa RT coffee shop. Nang nakasakay na siya sa kotse ay nawalan na ako ng pag-asa. Hinihingal akong huminto na may kasamang pagkunot ng noo dahil sa sikat ng araw dito sa labas ng coffee shop.
Pumara na lang ako ng taxi at saka pumasok sa loob. Umayos ako ng upo sa back seat saka sinabi sa driver kung saan ang destinasyon ko. Pinagmasdan ko ang naglalakihang building dito sa makati. Madaming may gustong mag trabaho kanilang na ako dahil sa magagandang tanawin.
Madalas ay sa mga coffee shop ako tumatambay kapag off ko sa trabaho para naman malibang. Mas peaceful kasi sa akin ang tumambay sa coffee shop kapag nagbabasa ng libro. Lalo na't minsan ay maiingay ang ibang nakatira sa apartment na tinutuluyan ko.
Nang huminto ang taxi sa harap ng tinutuluyan kong apartment ay agad kong ibinigay ang bayad kay Kuya na sinobrahan ko ng 50 pesos. Tumanggi pa siya pero sinabi kong tanggapin niya na dahil naihatid niya ako ng maayos at safe sa'king destinasyon.
Ang sarap sa pakiramdam na kahit sa kaunting bagay ay nakakatulong ka tulad na lang ni manong na hindi o minsan lang naipapasyal ang pamilya dahil sa trabaho. Yung tipong dapat na nakasakay sa sasakyang minamaneho niya ay ang kanyang pamilya imbes na mga taong hindi kilala.
Pumasok na ako sa inuupahan at nilock ang pinto para mag palit ng damit pambahay. Tinignan ko ang oras sa aking cellphone nakita kong alos dos pa lang ng tanghali kaya naisipan kong matulog muna para mamalengke pagkagising. Sinet ko din ng alas singko ng gabi ang aking cellphone para sa oras ng pamamalengke.
Humiga ako sa maliit na foam na nasa papag. Gusto kong bumili ng lote para magpagawa ng bahay kaya dapat na mag tipid at ito ang paraan ko. Pagkahiga ko'y ipinikit ko na ang aking mga mata saka humikab at tuluyan ng nagpahila sa kadiliman na dala ng antok.
Nagising ako hindi sa alarm ng aking cellphone kundi sa napakalakas na katok ng pintuan. Ano ba 'to. Sisirain niya pa ata yung pinto. Kinuha ko ang cellphone saka nakitang alas kwarto na ng hapon.
"Sandali lang." Nang tumayo ay kinuha ko ang pantali ng buhok sa shoulder bag na dala kanina saka ipinusod ang hanggang balikat ko na buhok.
Pagbukas ko ng pintuan ay isang nakangiting babae ang bumungad sa akin.
"Hi. I bring you food." Sabi ni Kelly sabay pakita ng dalang pagkain.
Naging kaibigan ko siya nung college nang lumipat ng maynila. Hindi ko alam kong ano ang nakita niya saken at kinaibigan ako. Madaldal, mabait, sopestikada, matalino, mayaman etc. Ganyan ko maididescribe si Kelly Darquiza na anak ni Kelaiza at Akhiro Darquiza na may-ari ng Darquiza Hotel.
"Pasok ka." Sabi ko saka binuksan ang pinto para makapasok siya.
"Pasensya ka na hindi pa ako naglilinis. Pagkauwi ko kasi natulog na ako para makabili ng lulutuin mamaya." Dagdag ko pa ng nakaupo na siya sa sofa na katabi ng hinihigaan ko.
"Okay lang yon. Nu ka ba. Heto tamang tama hindi ka na mamalengke dahil... Charan. Niluto pa 'to ni Manang Lolit." Masayang pahayag niya.
"Naku si Aling Lolit talaga nag-abala pa." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Hay naku. Nagtatampo na nga ako don e. Lagi ka nyang hinahanap kapag hindi ka nagpupunta sa bahay."
"Hayaan mo sa susunod na day off ko pupunta ako sa inyo para na din madalaw ko si Aki. Miss ko na din yung batang yon."
"Hahaha isa pa yon. Lagi ka ding hinahanap pati si mommy. Sabi ko naman sayo don ka na lang tumira sa bahay."
"Alam mong malaki na ang naitulong niyo saken. Okay na yung nalaman ko na ang sponsor pala ng scholarship ko ay si Ma'am Laiza."
YOU ARE READING
Being Bride
RomanceThe perfect Aria Molly Pitle is a woman that all boys would surely wanted to have. The curvy shapes of her body can allure many boys that leads them to make fantasies to her. A soft arch shaped eyebrow and downturned shaped eyes with the paired of c...
