prolouge

4 0 0
                                        


having a bestfriend that supports you with everything is nice but having someone who never gets tired of you even if you're stupid most of the time is different.but luckily for me i have a bestfriend that can do both. she has always been with me through my ups and downs.

"huy ella, nakikinig ka ba?"

"ha? ano yon, sorry" wala sa sarili kong sagot.

"ano ba tumigil ka na sa kakadrama mo dyan di bagay sayo madami pang lalaki dyan duhhh" reklamo ng bestfriend kong si  chloe.

"hayy iba kasi talaga eh, minsan na nga lang ako magmahal masasaktan pa" pagddrama ko ulit sakanya

"cheerup na girl. hindi ka papabayaan ni Lord. everything happens for a reason. tsaka wala namang kwenta si lance para namang kawalan ka. tara samahan mo ako sa mall mamimili ako ng school supplies may pasok na bukas pero wala parin akong gamit" pagaaya nya

"hayy sobrang thankyou talaga adi ano nalang kayang gagawin ko kung wala ka"

"ano kaba wala yun, tara na?"

nagpunta na kami sa mall ni chloe dahil mamimili sya ng gamit nya para bukas. ang bilis ng panahon 1st year college na kami. parehas naming pangarap na maging accountant at parehas rin kami ng dream school na feu.

"huy bakit ka nanaman tulala dyan, tulungan mo ako dito" sabi nya.

natapos na kami sa pamimili ng gamit kaya dumeretso kami sa restaurant at kumain dahil gutom na daw si adi. nang makapasok kami napatigil ako nung nakita ko si lance kasama si darlene.

"huy bakit ka ba tulala dyan tara-" nagulat sya ng makita nya kung saan ako nakatingin. agad nya akong hinila palabas ng restaurant.

"ang kapal talaga ng mukha ng ex mo ella, hayaan mona dun nalang tayo kumain" aniya.

hindi nako nakapag salita dahil sa gulat ko. habang naglalakad kami ni chloe hindi ko namalayan na unti unting tumulo ang mga luha ko. niyakap ako ng mahigpit ni adi at inalalayan nya ako papunta sa parking lot ng mall. nang makapasok ako sa loob ng sasakyan hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"bakit ganon lang to kadali sakanya? ano bang mali saakin? kulang pa ba?ganon ba talaga ako kadali palitan?" sunod sunod kong tanong kay chloe.

"wala,walang kulang sayo wala lang talagang kwenta yang ex mo hindi ko alam bakit hinayaan pa kitang sagutin yung lalaking yun". aniya

nagdrive na pauwi si chloe buong byahe nakatingin lang ako sa labas tulala at namamaga ang mata. nang makarating kami agad akong bumaba sa kotse ni chloe agad naman niya akong sinundan.habang nasa elevator kami tulala lang ako hanggang makapasok sa condo. dederetso na sana ako sa kwarto ko ng pinigilan ako ni chloe.

"teka lang, bibili lang ako ng pagkain sa labas hintayin mo ako dyan" aniya. tumango nalang ako at pumasok na sa kwarto.

habang naghihintay hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano ano. naisip ko kung totoo nya ba akong minahal? kung bakit agad agad pinalitan na nya agad ako, wala pang 2 araw mula nung iwanan nya ako. bakit kailangan ko pa syang makita doon. ang sakit pala talaga kapag nakita mong may kasamang iba ang ex mo. lalo na sya palang ang ex ko. napaka dami ko panaman niplano para saming dalawa iiwan nya rin pala ako.

nabigla ako ng tumunog ang cellphone ko. nabigla ako ng makita kung sino ang tumatawag. napaisip ako kung sasagutin ko ba ano bang kailangan ni lance. nanginginig ang kamay ko habang sinasagot ko ito

"anong kailangan mo?" sabi ko

"ella sorry mahal parin pala kita. hindi ko kayang mawala ka please balikan mo ako"aniya

nagulat ako sa sinabi nya gusto ko syang paniwalaan pero naalala ko yung nakita ko kanina.

"tanga ka ba? anong mahal mo pa ako nakita kita kanina kasama mo si darlene tapos ngayon sasabihin mi balikan kita?" sabi ko

"please, ella please sorry na, kaya lang naman ako pumayag na makipag date kay darlene dahil akala ko hindi na kita mahal pero mahal na mahal parin kita ella " nabasag ang boses nya.

hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero gustong gusto kong maniwala sakanya.

"totoo ba yang sinasabi mo?" sagot ko

"oo ella patawarin mo na ako please"aniya

sabihin nyo na na marupok ako pero wala eh mahal ko sya.

"pinapatawad na kita lance at binabalikan na kita"wala sa sarili kong sagot.

nagulat ako ng may narinig akong malakas na tawa mula sa babae. kilala ko ang boses na yon kay darlene ang boses na yon.

"HAHAHAHAH hindi ka parin nagbabago ella, uto uto ka parin. sorry but lance is mine now" pangaasar ni darlene

"lakas ng trip mo babe, sobrang nakakatawa HAHAHAH" sagot naman ni lance sakanya at binaba ang tawag

walang hiya sila. niloko nila ako. ang tanga ko naman nagpaloko ako. napaka bobo ko. napayakap nalang ako sa tuhod ko habang umiiyak. sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. nawalan akong gana kumain. nawalan ako ng gana mabuhay.

nakabalik na ng condo si chloe may dala syang pagkain pero diko sya pinansin. nilock ko ang pinto ng kwarto ko at hinayaan syang kumatok ng kumatok. napatingin ako sa orasan 10 o'clock na pala ng gabi first day of school pa naman bukas. hindi ko alam kung kaya ko bang pumasok bukas.

pinilit ko nalang ang sarili kong matulog ngunit di ko parin talaga maiwasan na maalala ang lahat ng sinabi saakin kanina ni lance at kung pano nila ako pinaglaruan. nangilid nanaman ang luha saking mga mata. nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto.

"ella kumain ka muna bago ka matulog"pagpipilit ni chloe

"pano ka nakapasok dito? ayokong kumain" sagot ko.

hindi nya ako nilubayan hanggat hindi ako kumain. halos wala man nangyari sa pagkain ko dahil wala akong gana. hindi ko na rin nasabi kay adi ang tungkol sa call ni lance kanina kasi wala rin akong gana magsalita. pagkatapos kong kumain sinabihan ko si adi na iwanan na muna ako naligo ako at naghanda na matulog. hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina, hindi ko alam kung paano ko sila haharapin bukas. parang hindi pa ako handang makita sya ulit.

lumipas na ang dalawang oras pero hindi parin ako nakatulog. hindi ko maiwasan na maisip ang lahat ng nangyari kanina. bahala na kung ano mang mangyayari bukas. nagpasya na ako na hayaan nalang silang dalawa. alam ko namang kaya kong malampasan ito hindi ako pababayaan ni Lord. problema kalang si ella ako.

|author's note: kindly leave a comment or vote kung gusto nyong i continue kopa ung story hihi,, sorry new writer here :))|





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Played by FateStories to obsess over. Discover now