A Long Time Crush

11 0 0
                                    

"Beshy, Sa canteen muna ako ah!" Paalam ni Gia. Ang childhood bestfriend ko. Tumango ako at nagsimulang mag-sulat ng kung ano sa likod ng notebook ko.

'I love you, Javi Aguilar' sinulat ko at nilagyan ko pa ng heart sa taas ng pangalan niya.

"Kyaahhhh~~" Dinig ko ang sigawan sa labas ng room kaya sumulyap ako sa pintuan.

Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin kung si Javi Aguilar ang sasalubong sayo sa daan. Ngumiti ako ng makita kong ang angas niyang maglakad. May hawak na bola at nagdri-dribble.

Nang tumingin siya sa gawi ko mula sa labas. Agad akong yumuko at tumingin ulit sa sinusulat .Hindi ko kayang titigan ang isang Javi Aguilar. Nahihiya ako.

Matagal ko na s'yang gusto. Simula ng elementary ako. Palagi kasing kasali sa basketball competition. Humanga ako sa kanya simula non. Pero hindi lang naman ako ang humahanga sa kanya. Maging ang ibang babae lumuluwa ang mata kapag pinagpapawisan siya. Papasadahan ang buhok gamit ang kamay at kagat labi tumitingin sa kababaihan. Hindi ko maiwasang mapangiti ang maalala ko yung ganong kilos niya.

Nang mag-ring ang bell. Tumayo ako at binuhat ang gamit. Hindi pa bumabalik si Gia kaya hahanapin ko siya. Bago pa man ako lumabas ng pinto ay hinarang na ako ng basketball players. Team mate nila Javi.

"E-excuse me!" Ani ko. Nanginginig ako sa takot kapag malapit sila. Sila lang naman ang Bullies dito sa School. Sino ba ako para labanan sila.

"May nagpapabigay" Ani ng isa sa tatlo. Inabot niya sa akin ang isang pulang rosas at isang papel. Para sa akin maswerte na ako kapag nakatanggap nito. Bigyan ka ba naman ng pinaka-gwapong lalaki sa school. Ewan ko lang kung hindi ka kiligin

Pinag-masdan ko silang tatlo. Nakangiti sila sa akin. Alam ko ring hindi lang silang tatlo ang nakatingin. Pati ang mga estudyante. Masama ang tingin. Kinikilig. Para sa akin wala lang ang mga reaksyong yon.

Nanginginig ko iyong tinanggap. Pilit na ngumiti "A-ah, Salamat" sabay alis. Hindi ko na tinanong kung sino ang nag-bigay. Ayoko mag-assume na siya ang magbibigay nito. Sa pagka-kilala ko sa kanya hindi siya torpe kaya alam kong iba nag nagbigay nitong bulaklak at sulat. Maaring pinaabot lang sa tatlo?

Ilag ako sa mga tao. Kapag may kakausap sa akin ay tantalikuran ko agad. Nahihiya kasi talaga ako. Pakiramdam ko hinuhusgahan nila ako sa tingin palang. Isa lang naman ang binigyan ko ng tiwala, e! Yun ay si Gia.

Habang nakayukong naglalakad. Napahinto ako dahil may humarang na bulto sa nilalakaran ko. Tumingala ako at ganon nalang ang gulat ko ng makita si Javi na matiim na nakatingin sa akin.

Nahulog ang mga librong hawak ko sa gulat kaya mabilis akong lumuhod para pulutin isa-isa. Hindi pa man naka-luhod ay hinawakan na niya ako sa balikat at pinatayo

"Ako na" seryosong wika niya. Hindi matigil ang puso ko. Sobrang lakas ng tibok parang gustong kumawala. Tinitigan ko kung paano niya pulutin ang mga gamit.

Isa siyang bullies sa school kasama ang tatlong players kanina. Natatakot ako na baka gawin niya rin sa akin ang ginagawa niya sa mga babae. Katulad ng mamahiya. Sigawan. Itulak.

Nanginginig ako sa takot kapag malapit sila. Sino ba namang hindi! Harangan mo lang sila sa daan ay itutulak ka agad para makadaan sila. Pero ganon pa man Crush ko pa rin siya. Balita ko binabasa niya ang mga sulat na nasa locker niya. Namula ang pisngi ko sa iniisip na baka nabasa niya na ang mga sulat na binibigay ko sa kanya.

Humarap siya sa akin matapos pulutin ang mga gamit ko. Pakiramdam ko hindi ko na gusto huminga pa dahil malapit siya.

"Here" inabot niya sa akin ang mga gamit ko. Mabilis ko naman iyong kinuha. Tumitig lang siya sa akin parang lantang gulay na ako. Sino ba naman ang hinde? Maganda niyang mata. Matangos na ilong. Mapulang labi. Makalapal na kilay. Gandang lahi...kung papapiliin ako kung sino ang magiging asawa ko. Hindi ako magdadalawang isip na piliin siya. Pero mukhang malabo na...

A Long Time Crush (One Shot)Where stories live. Discover now