Inalala ang simula
Hindi man ganoon kaganda
Ngunit ibinuklod tayo
Tayong dalawaNag-away, nagkapalagayan
Umasa't Pinaasa
Ano ba talaga tayo?
Tanong na hindi mabigyang linawLumisan ako, naiwan ka
Ngunit, ako nga ba?
Ako nga ba ang nawala?
At ikaw nga ba ang naiwan?Pinilit kong ibalik
Ang dati mong pagsuyo
Ngunit, wala na
'Tila hindi na maibabalikSalisi, salisi tayo
Pasensya na't naunahan ako
Naunahan ng duda
Na kahit kaila'y walang buting idinulotMalayo ka na
Hindi na kayang habulin
Nitong pusong pagod at nasasaktan
Ingat, uuwi na akoBabalik sa tunay na mundo
Kung saan ang dilim ng kalangitan,
Mga patak ng ulan at lagaslas ng dagat
Ang tanging karamay nitong pusong pagalNgunit kahit nagkagayo'y
Sana maalala na kahit minsa'y
Nadama mo rin ang yakap
Na nagmumula sa taong una mong niyakap
![](https://img.wattpad.com/cover/227665295-288-k40437.jpg)