Unang sulyap

534 29 46
                                    




Dale's POV:

Eric: "Happppyyyy Birthdayyyy!! Cheers!"

Tulad ng plano nila, nag celebrate kami ng birthday ko sa bar kung saan ako nagtatrabaho bilang bartender. Hinintay nila yung break time ko bago nila sinindihan yung kandila sa cake, si Eric naman ang nanlibre ng champagne.

Dale: "Salamat!"

Pumikit ako para mag wish, kahit na alam ko namang alam nila kung ano ang nag iisang hiling ko sa bawat birthday ko, wala naman isa sakanila ang nangontra.

Reese: "Well at least this time alam namin na nag eexist talaga yang childhood superhero mo."

Eric: "At! Hindi na imposibleng matupad yang taon taong hiling mo, dahil alam na alam na natin kung saan siya mahahanap!"

Dale: "Kahit ba alam natin kung saan siya mahahanap e, papaano naman tayo makakalapit, nakita mo kung gaano karami yung fans niya. Diyos ko day, baka pahakbang palang ako palapit kalas kalas na buto ko sa dami ng tumulak sakin pabalik."

Eric: " Sa dami ng taon na nating mag kaibigan, ilang birthdays mo narin hinihiling yang iisang bagay nayan, kung hindi mo susubukang makausap siya, habang buhay ka nalang hihiling sa isang bagay na hinding hindi naman mangyayari."

Dale: "Siya kaya? Hindi niya kaya ako naalala? May mga taon din kayang naisip niya kung kamusta na ako?"

Eric: "Alam mo girl, masasagot lang yan kung makakausap mo siya ng personal."

Dale: "Kakausapin niya pa kaya ako? Ibang iba na kami sa isat isa oh, ako normal na tao parin-"

Eric: "Oh bakit siya ba alien na? Artista lang yun pero tao parin yun. You should really stop putting people on pedestal, grabe tao parin yun."

Reese: "Exactly. Alam mo you just have to decide, do you want to see and talk to him again or not?"

Dale: "Gusto siyempre."

Trina: "Then we are with you, we'll help you!"

Eric: "Ay bet! We can call this *Oplan balik pag ibig* Gusto niyo yun?"

Halos pasigaw na sumasang-ayon si Trina at Reese.

Dale: "Anong balik pag ibig? Wala namang pag ibig noon samin, mga bata pa kami nun."

Eric: "Oh e ngayon may malisya kana, diba? Sabihin mong hindi ilulublob kita sa fruit punch nayan"

Dale: "Sige na nga, okay okay, sige, desidido na ako, gagawin ko talaga ang lahat magkita at magkausap lang muli kami. Pero papaano kaya gagawin ko para mangyari yun?"

Reese: "Ah! Mag live audience tayo sa Concert everyday okay!"

Dale: "Oo nga! Teka, papaano ba bumili ng ticket dun?"

Trina: "Hindi naman nabibili ticket dun e, I think pumipila lang yung mga tao and swerte ka if mapili kang mag live audience para sa araw na nagpunta ka."

Eric: "My god, say no more girls, you have me. And I have connections, eto yung mga panahong dapat ipag pasalamat ninyo ang power ng mga bakla, marami akong director friends sa network nayun, alam mo regalo ko na to sayo."

Kinuha niya ang telepono niya at sinubukang lumabas muna para tawagan yung mga kakilala niya.

Tinuloy lang naming ang pag inom at pag kwe-kwentuhan habang hinihintay si Eric bumalik.

Reese: "Ano naman ginagawa mo dito?"

Nagtataka ako kung sino ang sinabihan ni Reese sa may likuran ko, pag lingon ko ay nandun si Miguel.

How To Love A Superstar?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon