Hindi pa ako nakakabalik ng Romblon mula noong tinraydor ako ni Sean pero balak kong bumalik doon para asikasuhin ang gusto kong proyekto. I want to build a name of my own. I am open for associates but for now, I want to deal with it on my own.

Sa vacation na ito, may nakaplano na ulit ang pamilya ko pero sa unang mga araw ng bakasyon, iniisip ko lang na ayusin ang mga bagay na may kinalaman sa independence ko.

Preston:

Are you sure you won't come with me today?

Ako:

Marami pa kasi akong gagawin. But I promise I'll be there in the tournament. Bakit? Are you going to do some things right now?

Preston:

Mag pa-practice lang naman. Just wondering if you can inspire me or something.

I smirked and stopped working out. Pupuntahan ko mamaya ang condo na tinitingnan ko. Gusto ko kasing bumukod kahit na ayaw ni Mama at Papa. For me, it's supposedly the jumpstart of my independent life.

Ako:

Isn't this enough of an inspiration? My texts?

Preston:

Haha! You got me there, huh! Alright, then. See you on the track!

Hindi na rin naman masama. Maayos naman kausap si Preston at nag-eenjoy naman ako kahit na may ibang naiisip sa pakikisalamuha.

I just really want a concrete evidence that Orianne is alive. Iniisip ko noon, ang marinig kay Preston na nakita niya o na buhay si Orianne, tama na sa akin. Hindi ko inasahan na mauuhaw ako at gugustuhin ko pa ng mas matibay na ebidensiya.

Nagdaan ang mga araw at nakapagpaalam na rin akong mabuti sa parents ko. If I told them I'll stay for the night, for sure they won't let me go. Kaya sinabi ko lang na may bibisitahin lang at uuwi rin. That was my plan, of course. Kasi ayaw ko namang pumayag kung sabihin ni Preston na makitulog ako sa kanila kung saan man siya nag-s-stay.

Maaga akong tumulak. I drove my own car, without a bodyguard. Hindi na kasi gaanong mahigpit ang guards ko ngayon dahil nga matagal na ang nangyari at gusto ko na ring maging independent. That will include not needing them so I drove alone.

Kanina pa kami nagtatawagan ni Preston. Gumising siya ng madaling araw para i-check ako. It's sweet of him to do that. Naiistorbo nga lang dahil kay Simon na laging nagpapahayag ng pagtatampo niya. Hindi na kami nagkita sa nakaraang araw dahil sa dami ng ginawa ko. Siya naman ay abala sa trabaho sa Samaniego industries.

"I think I'm almost there," sabi ko kay Preston.

Inumaga na ako pagdating. Nag-order daw si Preston ng breakfast sa cabin restaurant doon. Napatingala naman ako sa nabasang banner sa taas ng arc papasok sa farm na iyon.

"Motocross competition?" I echoed the banner.

I parked my car on the parking lot. Hanggang doon lang ang concrete road dahil dirt road na ang nakapalibot sa isang malaking wooden cabin. Dalawang floor yata iyon at maraming tao sa baba, hula ko'y restaurant ang buong cabin.

Nakita ko rin ang maliit na make shift bleachers sa harap ng cabin at may mga upuan na roong may nakaupo. Maingay din ang sounds galing sa stereo nang lumabas ako sa sasakyan.

"Gotcha!" si Preston at niyakap ako galing sa likod.

"Hi!" I greeted and let him hug me.

Naliligawan naman ako pero wala pa akong naging boyfriend. I haven't been very intimate with other boys, ngayon pa lang kay Preston. But I realized I'm good at this. I thought I will be an awkward girlfriend. I'm not his girlfriend, though.

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now