[21] Getting Away from everything

44.1K 541 30
                                    

Ang mga author's notes ko na mapang-rant ay para lang din sa mga nagr-rant so kung tinatamaan ka malamang isa ka sa kanila? di'ba? Anyway! salamat sa patience po nung ibang readers lalo na mga true blooded Helliens :)) lab lab

so here we go! 

NGAPALA! Before I forget, WALA PO ITONG AVAILABLE NA SOFTCOPY salamat!

____________________________________________________________

Lena's POV

"May press conference tayong dadaluhan"

napanganga ako as in literal na nganga, tumigil din ako sa paglalakad kaya napatigil din si Aston at tumingin sa akin, his eyebrow arched.

"Pasukin ng langaw yan" he said, ang sungit nanaman ng damuho pero wala na akong pakialam! tama ba yung narinig ko? Press Conference daw?!!

Napatingin si Aston sa mga naglalakad sa harap namin, parang hindi napansin nila grandmere na nawala na kami sa likuran nila. Napalingon si Aston na parang bata, ako man ay ganoon din ang ginawa ko dahil wala na talaga pala kaming kasama dun. He looked at me in a bored gaze, habang pinagmamasdan din kami ng iilan ilang tao. They must've recognized him, sabagay kahit naman saang anggulo Aston was quite a looker.

Ganoon naman talaga eh, He'll always be famous, I'll always be the ordinary one. I tried to step in his world pero hindi talaga yata ako nababagay dun. I smiled bitterly.

Nagulat nalang ako ng higitin niya yung kamay ko, at napa-amang ako sa kanya.

"Aston?"

"Pinagtitinginan tayo ng tao,. Let's get out of here" he said firmly dahil habang nag-e-emo pala ako ay dumadami na ang mga nakapaligid sa amin. shizz bakit ba nasa ganitong sitwasyon kami? pero bago pa ako makapag-react ng maayos I felt him tug my hand.

His hand...enclosing mine...

and this sudden swelling inside my heart.

Nagpatangay lang ako habang higit higit niya yung kamay ko. Usually siguro ako ang gumagawa nun sa aming dalawa pero ngayon, he was the one holding my hand.

Aston...

Right now, his hand enclosing mine, gusto kong kalimutan ang lahat. Ang lahat ng gulo sa pagitan naming dalawa. I want to get away from everything...

"I want to get away from everything...even for just a moment" he then said, napatingin ako sa kanya as he stopped walking, pero nakayuko siya at magkahugpong pa din ang mga palad namin. He looked straight into my eyes and I felt that same teenage anticipation in my heart whenever Aston acted foolish back then just to make me happy.

Akmang magsasalita na sana ako when he let go of my hand...

TFMO 3: Chasing FatesWhere stories live. Discover now