Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
I am not promoting teenage precnancy! Isinulat ko ito dahil sa malikot kong pag iisip!
Adler series 2: Unexpected Mistake
Genre: Romance
______________________________________
"Goodmorning Class I'am your new professor in marketing subject. I'am Archer Keith Adler but you can call me Sir. Archer." Pag papakilala ng bago naming professor nagbulungan ang mga kaklase kong babae at halatang kinikilig sila.
Sa gwapo ba naman ng bago naming instructor e hindi ka kikiligin? Well except me hindi ako kinikilig sa gurong nasa harapan namin ngayon.
"Since you know alot in this subject dahil nga may nauan na saakin na ituro sa inyo ito at itutuloy ko lang ang mga hindi nya natapos hindi ko na ipapaliwanag pa ito. So anyway since its our first day just ask me a question if you want to know something in this subject or about me." Mahabang pahayag nito.
Kita ko sa mukha ng mga kaklase ko ang excitement dahil sa huling sinabi nito. Tila ba nagiging bowling ball na ang mga mata ko dahil sa kakaikot ng mga ito.
"How Old are you na po Sir?" Chismosang tanong ni Dina sa Bago naming professor.
Kanina pa parang inasinan ang mga kaklase ko sa sobrang kilig napapangiwi nalang ako sa tuwing hinahampas ni Dina at Kathy ang braso ko dahil sa Kalandian nilang dalawa.
"I'm 22 years old." Sagot nya dahil nga hinayaan nyang mag tanong ang mga kaklase ko since this is his first time na pinasukan nya kami.
Napapairap ako sa tuwing napupunta sa gawi ko ang tingin nya well may respeto naman ako sadyang naiinis lang talaga ako sa itsura nya.
"Ang bata nyo pa po pala, 3years lang ang agwat nyo samin." Kinikilig na sabi ni Dina. Halatang may ibang laman ang pagkakasabi nito.
"Yeah kayo kase naabutan nyo ang Kto12 ako hindi that's why hindi magkalayo ang agwat natin. But still i want you to respect me!" Binigyang diin nya ang huling salita at saka bumaling ang tingin saakin napa iwas nalang ako dahil baka mapansin ng iba kong kaklase iyon.
"Any question before i will leave you and take your break?" He asked at muling tumingin sa ibang dereksyon.
Bakit ang sungit mo? Bulong ko ngunit hindi ito narinig nino man dahil busy sila sa kakatitig sa aming guro.
"Ahm Sir may girlfriend po ba kayo?" Tanong ni Sheena at naghiyawan ang mga kaklase ko.
Kita ko naman na napangisi Si Sir. Adler dahil sa tanong na iyon na lalong nagpa irita saakin.
"I Have a child." Maikling sabi nito na walang bakas na expersion sa mukha nya.
"Awwwwww" sabay sabay na sabi ng mga mahaharot kong kaklase at disappointed sa narinig.
"Aray Dina!" Mahinang bulong ko ng kuritin nya ako, nakanguso nya akong tinignan at animoy iiyak na ito.
"May asawa na syaaa huhuhu" pag dadrama nito kaya naikot ko nanaman ang mga eyeballs ko.
"Ang O.A mo naman hindi naman nya sinagot kung may Girlfriend sya eh ang sinabi nya lang may anak sya." Walang ganang sabi ko at muling tumingin sa harap.
YOU ARE READING
Unexpected Mistake
Romance"Ina lang ako ng anak mo, pero hindi ang mahal mo." Erah Kristine Tuazon
