Mukha lang hindi pero nagbabasa rin ako paminsan-minsan sa mga tabloid tungkol sa business industry, at na-feature na dun ang ilan sa mga sikat na CEO ng bansa. Kilala sila sa pagiging successful at makarisma—mga gwapo kasi. Well, questionable ba yun? New generation na nga ng business industry. Maaga nilang naiipasa ang family businesses nila.
Interesting yung story ng Jimenez Corporation. Kung hindi ako nagkakamali, mga dalawang taon na yun... nasa verge of bankruptcy ang Jimenez Corporation, pero sa loob lang ng isang taon, nung ipinasa kay Hachiro Jimenez ang pagiging CEO, sobrang tumaas ang sales ng kumpanya nila at bumalik ang mga shareholders at investors.
Ang galing, di ba? Nakakahanga talaga ang mga taong tulad nila. Well, I ain't different. Determinado rin ako pagdating sa trabaho ko, siguro nasa higher tier lang talaga sila kaya sobrang successful nila.
Pero... duda ako na ang Jimenez na yun ay si Hachiro Jimenez. I mean, what a great coincidence, right? Sa lahat ng taong magdadala sakin sa hospital, isa sa mga bigatin sa Pinas? I don't think so. Baka ibang Jimenez lang. Kamag-anak siguro.
Pero... familiar sa'kin ang pangalan na Hachiro Jimenez. I've been thinking about it ever since I first saw it. It's like a piece of a puzzle that doesn't quite fit yet.
"Hoy! Kamala! Kapag hindi ka pa sumagot sasampalin na talaga kita para mabalik ka sa kabihasnan." mabilis akong tumingin kay Jen na nakasimangot na ngayon habang masama ang tingin sakin.
Napakamot ako sa ulo. Ah... nadistract ako ng pangalang Jimenez. Siya kasi e.
"Ano ba kasi yun? Nandito na ba tayo?" tanong ko. Tinignan ko ang labas.
"Opo, madam. Nandito na nga tayo at nakatatlong tawag na ako sayo. Iniisip mo padin ba sila? Stop wasting your time, Kamz. They don't worth it. Isa pa, kailangan mong magfocus sa trabaho dahil kapag ikaw nakagawa ng mali, sisisantehin kita." habang pababa ay pinagbabantaan niya ako.
Wow naman yung best friend ko. Manager na manager kaya kahit may-ari gustong sisantehin.
"Alright, alright. Sorry na nga." natatawang sabi ko saka bumaba na din. Kinuha ko ang bag ko saka kami pumasok ng restaurant gamit ang backdoor.
Late na din kaming nakapasok, at nakakaguilty. Ayokong may nale-late sa mga empleyado ko lalo na ang mga chefs ko tapos ako 'tong head chef, ako pa late. Goodness.
Nasan ang pagiging role model, Kamala?
Inilagay ko sa locker ko ang bag ko saka nagsuot ng uniform ko. Si Jen dumeretsyo sa office niya.
Bakit si Jen ang namamahala ng restaurant at hindi ako? Well, I am managing this with her help. Hinire ko siya bilang manager dahil mas gusto kong mag-focus sa pagiging chef ng restaurant. Ano pa't nag-aral ako ng culinary kung hindi ko gagamitin ang natutunan ko?
Maliit lang naman yung restaurant pero hindi sobrang liit—sakto lang na may 20 tables. Ginawa kong elegante ng konti kaya may maliit na chandelier at medyo classy ang atmosphere. Syempre, nasa gitna kami ng naglalakihang mga building ng iba't ibang sikat na kumpanya.
Ayokong madisappoint ang kahit na sinong kakain sa restaurant ko.
26 years old palang ako pero may ganito na akong restaurant? Simula ng maghigh school hanggang college, nagtatrabaho na ako ng part time. Inipon ko lahat ng yun, at pagkatapos kont magtrabaho ko bilang chef sa isang kilalang restaurant, inipon ko lahat para maipatayo ko ito.
Pangarap ko talagang magkaroon ng sariling restaurant dahil hilig ko talaga ang magluto. Ang papa ko ay engineer at si mama naman ay cook sa ibang bansa noon, kaya kahit ipunin ko ang lahat ng pera ko simula high school, okay lang dahil suportado naman nila ako sa pagbabayad sa school, kahit alam nilang may part-time job ako noon.
YOU ARE READING
Under The Same Sky (ON-GOING)
Romance--- In two different worlds, they walk separate paths, each carrying the weight of their own heartbreak. Two souls, once whole, now shattered, longing for something they've lost but can't quite name. In their solitude, they gaze at the same sky, a s...
Two 💜 Background check
Start from the beginning
