Two 💜 Background check

Comincia dall'inizio
                                        

Jen hugs me. It gave me comfort yet it also pains me. I don't know why. Siguro dahil ayokong masira silang dalawa pero kailangan ko ng kaibigan?

Maybe so.

"Tsk. Yung gagang yun, kapag nagkita kaming dalawa makakatikim talaga siya sakin." Jen taps my back while saying that. Niyakap ko pabalik si Jen.

"Sorry, Jen. Hindi ko gustong mag-away kayong dalawa. I was unsure to tell you so I---"

"Baliw ka ba, Kamz? I will never side the wrong. You know that, right?" tumango ako sa sinabi niya.

"Thank you, Jen."

Lumayo siya sakin. "So, nakita mo sila... the reason why you almost got hit by a car?" tanong niya na kunot ang noo.

"Ahm..."

Namaywang siya bigla. Gusto ko ng magtakip ng tenga dahil alam ko, she's ready to nag. "Magpapakamatay ka dahil lang sa dalawang yun? Ganon ba kababa ang halaga ng buhay mo?" she's mad. I can clearly see in her eyes.

Napabuga ako ng hangin. "Hindi ko naman ginusto yung nangyari. I wasn't paying attention kaya akala ko go signal padin." bumalik na naman yung kakaibang feeling na naramdaman ko nung makita ko yung papalapit na ilaw sakin nung mga oras na yun.

I thought I was really a goner. Nahimatay lang pala ako. Err. At dahil wala akong nararamdamang sakit sa katawan ngayon at wala ni isang galos sa katawan ko, tingin ko hindi umabot sakin yung sasakyan.

Dapat ba akong magpasalamat na buhay ako ngayon?

"Pssh. Alam mo, ang mga lalaki kasi, habol lang sa babae ng mga yan, yung katawan! Grr. Kaya ayokong pumasok sa relasyon tapos bandang huli yung katawan mo lang ang habol nila. Justice for our innocent heart!" itinaas pa niya yung sleeves ng damit niya na parang sasabak sa away.

Tumaas ang gilid ng labi ko. Si Jen talaga palaging go pagdating sa away.

"Pfft. I've learned my lesson, thanks to you." natatawang litanya ko kay Jen.

That was my first serious boyfriend. And it's not like losing him means losing everything to me as well. Hays. Pero masakit yung ginawa nila. Akala ko si Jay na ang para sakin dahil kahit gaano kami ka-busy parehas, nagagawa padin namin intindihin ang isa't isa.

Ugh.

Ang sakit nila sa ulo.

For some reason, I can't bring myself to trust men when it comes to love. The cheating behind my back with my best friend has had a huge impact on me. Maybe I should just focus on my work. I'm only 26, and there are still plenty of people I have yet to meet.

I sighed.

---
"Ah! Hmm? Imposible sigurong siya yun." bigla nalang nagsalita si Jen habang nagmamaneho. We're on our way to my restaurant. Bumili nalang kami ni Jen ng damit dahil ayokong umuwi. For sure, nandun ngayon si Monique dahil night shift siya sa call center na pinagtatrabahuhan niya ngayon.

Wait... pumasok ba siya kaagad? So she ditched her work just to have s*x with Jay? Damn as$es.

Tss.

"Sinasabi mo dyan?" tanong ko sa kanya.

"Yung si Jimenez na tumulong sayo. Naiintriga talaga ako sa taong yun e. 100k para lang sa compensation? Seriously? Gaano kayaman yun?" nasa boses ni Jen ang paghihinala pero may excitement.

Habang bumibili kami, nabanggit na ni Jen yung tungkol sa tseke at sa pagbisita ng secretary niya sakin.

Jimenez. Hindi ba't isa yun sa mga sikat na CEO? Ano nga ulit yung pangalan nun? Ha... Hachiro nga ba yun? Hachiro Jimenez. Oo, tama! Siya yung CEO ng Jimenez Corporation.

Under The Same Sky (ON-GOING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora