We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Prologue

2 0 0
                                        

"Sister Mary, maaari na raw tayong pumunta sa bahay ampunan"



Kakatapos ko lang magdasal at palabas na ng simbahan ng bigla akong tawagin ni Sister Therese na abala sa pagdadala ng mga gamit.


"Tingin mo ba matutuwa ang mga bata sa mga dala nating mga libro at laruan?" tanong sa akin ni Sister Therese habang bitbit - bitbit ang isang kahon.


Ngumiti naman ako at saka tumango. Isang beses sa isang buwan kami kung bumisita sa  ampunan sa kadahilanan na pumupunta rin kami sa home for the elderly at sa bahay ng mga retiradong pari.

Inilagay na ni Sister Therese sa compartment ang mga kahon, tinutulungan naman sya ni Mang Ernie sa pagbubuhat kaya madaling naisakay ang gamit na dadalahin sa ampunan. Si Mang Ernie ay dating pari ngunit na-inlove sa isang madre kaya't mas pinili niyang umalis na sa pagpa-pari at magpakasal.



"Sister Joy, narito na ba ang lahat?" Tanong ni Sister Miranda, na syang pinaka-matanda sa aming lahat. Agad naman kaming binilang ni Sister Joy para maka-siguradong walang kulang.

Kumpara nung isang buwan, kakaunti kami ngayon. Nasa ibang lugar kasi yung ibang mga madre para tumulong sa mga nangangailangan at yung iba naman ay ipinadala sa italy para mag aral.


"Kamusta na kaya yung mga bata? Balita ko may nag-ampon na Sandra" bulong sa akin ni Sister Therese. Nasa may unahan kami at nasa gitna ako ni Sister Therese at Sister Joy. Masasabi kong silang dalawa ang pinaka-close ko sa lahat ng mga sisters, siguro ay dahil ng hindi nagkakalayo ang mga edad namin.

"Nakakatuwa naman kung ganoon. Sabik na sabik si Sandra na magkaroon ng pamilyang tanggap siya" nakangiting tugon ko.


"Apat na taon rin si Sandra sa ampunan kaya hindi rin kataka-taka na sabik siya na magkaroon ng pamilya" dugtong na tugon naman ni Sister Joy. Hindi ko namalayan na nakikinig rin pala siya sa aming pag-uusap.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating rin kami sa ampunan. Isang oras rin ang byahe kaya't yung ibang mga madre ay nakatulog sa byahe. Si Sister Miranda ay nagro-rosaryo sa aming byahe at kaming tatlo naman nina Sister Joy ang gising at nagkkwentuhan.


Pagkababa namin ng van ay agad kaming sinalubong ng ibang mga madre na nagma-manage ng ampunan.

"Mabuti at nakarating kayo rito ng maayos mga Sisters" nakangiting sambit ni Sister Anna. Isa isa naman kaming nag-mano sakanya at sa iba pang mga sisters na matatanda na.

Magkasing-edad si Sister Anna at Sister Miranda. Dapat ay sa kumbento rin nakatira si Sister Anna ngunit mas pinili niya na tumira sa ampunan kasama ang ibang mga madre at mga bata.

"Matutuwa ang mga bata pag nakita nila uli kayo" nakangiting tugon ni Sister Anna. "Naririto rin pala ang mga empleyado ng isang Airline. Dito nila napili magkaroon ng feeding program" dugtong pa niya.

Naglalakad na kami papasok ng ampunan nang marinig ko ang matitinis na boses ng mga bata, marahil sila ay naglalaro.

"Sisters!" bati ni Jeno nang makita kami. Agad naman siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at lumapit sa amin.


"Magandang umaga Jeno" ngiting sambit ko habang hinahaplos ang kanyang buhok. Dalawang buwan rin akong hindi nakadalaw sa ampunan, sina Sister Joy at Sister Therese ang malimit rito. Masyado akong abala sa pag-aalaga sa matatanda.


"Halika po, may ipapakilala ako sa inyo" sambit niya atsaka hinila ako papunta sa kanyang lamesa. Saka ko lang napansin na may lalaking naka-upo sa tabi ng inuupuan kanina ni Jeno.



Nakatalikod sya saakin kaya hindi ko rin siya napansin kanina. Nakikipag usap sya sa ibang mga bata. Malapad ang kanyang likod at halata mo na maganda ang kanyang pangangatawan.


"Kuya Jaxx, may ipapakilala po ako sa iyo" tawag ni Jeno sa lalaki. Agad naman na tumingin siya sa likod at nakangiti syang nakatingin kay Jeno. Marahil ang kanyang inuupuan ay upuan ng mga bata kaya paglingon nya ay si Jeno agad ang kanyang nakita.

"Magandang umaga" nakangiting sambit ko.

"Magandang uma-" hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin nang nakita nya ako.



Ang mga mata nya na may pagkagulat ay unti- unting napapalitan pananabik,

ngunit may halong lungkot.



Memories of the PastStories to obsess over. Discover now