CHAPTER 22: CLYDE

Beginne am Anfang
                                    

Sumandal ako sa pader at sinilip yun. Yung pamilyang demonyo kasama yung batang bumaril sakin.

" Pinakawalan mo pa yung babae!, " yung lalaki.

" I so sorry! I don't know what I'm doing!," yung babae.

Sino kayang babae yun?.

Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na lang. May pinto! Pwede akong magtago dito.

Lumapit ako doon at pinihit ang door knob pero naka lock. Hindi ko na yun binuksan at dumiretso na lang, nandoon pa sa malayo yung isang pinto.

MIKKA

May pumipihit ng door knob! Shit!. Hindi naman yun nagtagal at nawala rin. Sino kaya yun?.

LIANNA

* THUNDER CRACKS *

Shit! Buti hindi ako napasigaw.

Ito na yung pinto, dahan dahan kong pinihit yung door knob at hindi naka lock. Pagbukas ko.

Shit.

Si Angel, Harry at Clyde ang nandito. Napatingin silang lahat sa akin.

Tumingin ako kay Clyde, nakahawak sya sa braso nya at sobrang lungkot ng mukha. May sugat sya sa braso at puro dugo.

Tumingin ako kay Angel at sya yung may hawak nung kutsilyo,  may dugo din yung kutsilyo kaya bago lang yung sugat ni Clyde at sya ang gumawa non.

Si Harry naman may hawak na baril.

Agad akong lumapit kay Clyde at niyakap sya ng mahigpit.

CLYDE

Dahan dahang bumukas ang pinto at iniluwa non si Lianna. Kaya napatingin kaming tatlo sa kanya.

Fuck!. Sinong gumawa sa kanya nan. Nag ka titigan kami ni Lianna. Nakahawak sya sa kaliwang balikat nya, puro dugo yun hanggang braso nya.

Parang umiyak pa sya. Dahil basa yung mga mata nya.

Agad syang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit, kaya niyakap ko din sya at hinalikan sa noo.

" Ok ka lang ba?," pagtatanong ko kay Lianna at hinawakan ko ang pisngi nya.

" Oo, ikaw ba?," si Lianna.

" Ok lang ako," Ako.

" Nandito na pala ang bagong mag couple, magdasal na kayo dahil dito na kayo mamatay! HAHAHA!, " si Harry.

Itinutok ni Harry yung baril sa amin. Agad ko syang sinugod bago pa nya maiputok, pinilit nyang itinututok yung baril sa akin at pilit ko rin yung itinataas kaya sa kisame tumama ang bala. Nalaglag yung baril at sinuntok ko sa tyan si Harry.

" Aahh!," daing ni Harry sa sakit.

LIANNA

Itinutok ni Harry yung baril sa amin pero sinugod agad sya ni Clyde. Pinipigilan ni Clyde si Harry hanggang sa nalaglag ang baril at sinuntok na ni Clyde si Harry.

Nagkatinginan kami ni Angel, agad akong lumapit para makuha yung baril pero nakuha parin ni Angel. Itinulak ko sya kaya napaupo sya. Nabitawan nya yung kutsilyo kaya ayun na lang yung kinuha ko at lumapit kay na Harry.

Sinakal naman ni Clyde si Harry gamit ang braso nya. Si Harry ay nasa harap at si Clyde yung nasa likod. Itinutok ko yung kutsilyo sa tyan ni Harry.

" Puta! Bitawan moko! Papatayin ko kayo!," si Harry.

Itinutok naman ni Angel yung baril sa amin.

" Ano pang ginagawa mo?! Barilin mo sila!," sigaw ni Harry.

Taranta naman si Angel at pinaputok nga ang baril.

* BAAANG *

Sumala yun at tumama lang sa sahig.

* BAAANG *

Sala ulit.

* BAAANG *

" Aaaahh! What the fuck?!," sigaw ni Harry dahil natamaan sya sa hita. " You fucking shot me!," dag dag pa ni Harry.

" I'm sorry!," si Angel.

Agad akong lumapit sa kanya at inagaw ang baril. Pilit nya yung itinututok sa akin at Pilit ko namang itinataas. Hanggang sa pumutok yun at tumama sa kisame.

Naagaw ko yung baril at itinutok kay Angel, kinalabit ko yung baril pero wala ng bala.

Ngumisi naman si Angel pero agad ko syang hinampas ng baril sa mukha kaya natumba sya. Dumugo yung ilong nya. Ngayon wala na syang malay.

Tumingin ako kay na Harry. Mas dinidiinan pa ni Clyde ang pag sakal kay Harry.

" Aa-aahh..fu..uuck..ta-ta..ma..naa," pag mamakaawa ni Harry pero hindi sya tinigilan ni Clyde.

Hanggang sa hindi na nanglaban si Harry kaya binitawan na ni Clyde. Nakahiga na si Harry sa sahig.

" Baby umalis na tayo dito," si Clyde at hinawakan ako sa kamay. Lumabas na kami ng kwarto.

Bloody Vacation (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt