CHAPTER 21: LIANNA

Start from the beginning
                                    

Nagsimula na akong bumaba hanggang sa makababa ako.

* THUNDER CRACKS *

" Ayy jusqo!," sigaw ko. Shit bat ako sumigaw.

Nakita kong may lumiwanag dun sa dulo, alam kong flashlight yun kaya nagtago ako sa gilid ng drawer at umupo.

Nakita ko ang liwanag ng flashlight na inililibot ang paligid. Sumilip ako hanggang sa nakita ko yung bata.

Ayun yung bata kanina.

" Uyy bata," pagtawag ko sa kanya, tumayo ako at napatingin sya sakin.

Tumingin ako sa kamay nya at may hawak syang baril.

Nagulat na lang ako ng itutok nya ang baril sa akin. Agad kong itinaas ang dalawa kong kamay na ang ibig sabihin ay sumusuko na ako.

" Bata mabait ako," sabi ko.

Ng biglang.

* BAAAANG *

" Aaaaaahhh! Fuuuck!," binaril nya ko sa balikat kaya napahawak ako sa balikat ko.

" What is your fucking problem?!," sigaw ko sa kanya.

Halos maiyak ako sa sobrang sakit.

Tumingin ako sa bata at tumingin din sya sa akin. Sinamaan ko sya ng tingin at sinapok ko sya ng pasamapal.

" Fuck you son of a bitch!," pilit kong sigaw.

Tumumba sya.

Maya maya pa nag pakita naman yung isang bata.

Nagkatitigan pa kami at akmang si sigaw sya ng bigla ko syang sinapok ng pasampal at natumba din sya at napahiga sa tabi ng kapatid nya.

Napahawak ako sa balikat ko at tiningnan ko to.

Dumudugo ng dumudugo.

Sobrang sakit. Shit!. Napatingin ako sa dalawang bata.

" Fuuuucccck!!," Sigaw kong pilit.

Napasandal na lang ako sa pader at napaupo habang iniinda ang sakit.

Ano ng gagawin ko.

KAYCEE

Tumatakbo padin ako at hinahabol ng babaeng may dalang kutsilyo.

May nakita akong isang pinto at pumasok ako dito. Dahan dahan kong sinarado ang pinto, inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto.

San ako tatago dito?.

Isang malaking kama lang ang nandito at isang drawer.

* TOK TOK TOK *

May kumatok sa pinto shit.

Agad akong pumasok sa ilalim ng higaan.

Dahan dahang bumukas yung pinto. Shit. Bat hindi ko yun ni lock. Nakita ko na yung paa nung babae.

" I know you're in here," sabi nung babae.

Kinakabahan ako dahil papalapit yung babae dito sa may kama.

" Racy!!," boses ng lalaki.

Tapos may pumasok na isang lalaki.

" Bakit?," yung Racy.

" Yung mga bata!!," yung lalaki.

" Bakit?! Anong nangyari," si Racy.

" Sumunod ka na lang sakin," yung lalaki.

Nabitawan nung babae yung kutsilyo pero hindi na nya yun kinuha at dali dali silang umalis.

Lumabas nako sa ilalim ng kama nung umalis na sila, kinuha ko yung kutsilyo at lumabas.

LIANNA

Jusqo.

Buti na lang talaga nakapagtago agad ako. Dumating kasi yung lalaki kanina, nakita ko agad yung liwanag na nagmula sa dala nyang flashlight,gulat na gulat sya nung nakita yung dalawang bata.

Hanggang ngayon wala paring malay yung dalawang bata.

" Ano ba kasing nangyari?!," boses ng babae.

Shit! Andyan na sila.

" Ohmayghad! Anong nangyari sa kanila?," yung babae.

Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil nakatago ako, boses lang ang naririnig ko sa kanila.

" Mom?," yung bata.

" Anong nangyari baby? Sinong may gawa nito sa inyo?, " yung babae.

" Yung girl po, binaril ko sya sa balikat kaya sinapok nya kami," yung bata.

" Magbabayad sya sa ginawa nya!," yung babae.

Akala nya matatakot nya ko! Halos mamatay na nga ako pero ito buhay parin. Kaya hindi na ako matatakot mamatay.

Dug dug, dug dug, dug dug.

Ang puso ko! Bat ganito makatibok, ganto din yung tibok nung puso ko pag nakakasama ko si Clyde.

Si Clyde! Oo nga si Clyde! Nasaan na kaya sya.

CLYDE

Nandito kami ni Angel sa isang kwarto. Ito ata ang kwarto ni Harry. Nasaan na kaya si Lianna.

Nandito kami ni Angel sa gilid ng higaan at nakatago. Mataas ito kaya hindi agad kami makikita. Nakakailang na kasama ko ngayon si Angel dahil ex ko sya.

Naghiwalay kami dahil nagloko sya, kaya pala ayaw nya I set yung relationship status namin dahil may boyfriend syang iba. Hindi ko kilala kung sino yung boyfriend nyang yun at sigurado ako hanggang ngayon sila parin. So nakipag break ako sa kanya.

Maya maya pa bumukas ang pinto. Unti unti akong sumilip at nakita ko si Harry.

" Alam kong nandyan kayo, wag na kayong magtago,"  si Harry.

Tatayo na sana si Angel pero pinigilan ko sya.

" Isa!," si Harry, pero hindi parin kami lumabas.

" Dalawa!," si Harry at tumayo na si Angel kaya wala na akong nagawa kundi tumayo na din.

" Sabi na eh nandyan kayo," si Harry.

Nakangiting tumingin si Harry kay Angel. Agad akong tumingin kay Angel at sasaksakin na nya ako, pero mabilis akong nakailag pero nadaplisan nya parin ako sa braso kay nagkaroon ito ng malaking hiwa.

Naglabasan ang malapot nitong dugo.

" Fuck!," sigaw ko at napahawak sa braso kong may sugat.

" Girlfriend ko nga pala si Angel bago pa man maging kayo," sabi ni Harry habang nakangisi.

" Tang ina nyo! Pinag laruan nyo ako!," sigaw ko at gusto kong umiyak, pinipigilan ko ang luha ko na bumagsak dahil ayaw kong ipakita na mahina ako.

Lianna nasaan kana kailangan kita ngayon. Ikaw lang ang lakas at kahinaan ko.

Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now