Ikaw yung kusang pumasok sa buhay ko
Wala naman akong ginawa kundi pagbuksan ka ng pinto
Pero bakit parang ako yung talo?
Ano bang ginawa ko para magdanas nang ganito?
Sinabi mo sa aking seryoso ka
Na sa pagkakataong ito ay sigurado ka na
Hiniling mong pagkatiwalaan kita, na sya namang aking ginawa
Ngunit di ko naman akalaing sisirain mo ito nang malala
Ikaw yung kumatok
Ako'y naging marupok.
Sana merong pwedeng pumukpok
Nang tuluyan nang magising ang utak at puso kong durog at lugmok
Hinayaan kitang gawin ang gusto mo
Hindi ako naging mahigpit pagdating sayo
Dahil alam kong may mga bagay at taong nauna bago ako
Na kahit alam kong wala ako ay makakasama mo
Ikaw yung nanggulo pero ako yung natalo
Ganito ba talaga kapag nagseseryoso?
Ikaw dapat ang nakakaramdam nang sakit na ito
Ngunit bakit tila ako pa yata ang nagmumukhang tanga kakahabol sa iyo?
Wala akong mapagsabihan ng buong kwento
Dahil ayoko rin naman husgahan ka nang ibang tao
Kaya humihingi ako nang tawad sa mga pagkukulang ko
Humayo ka't hanapin mo ang taong tunay na magpapasaya sayo
Yung babaeng kahit kailan, hindi magiging ako.
~~~~~
YOU ARE READING
Random Poetries
PoetryHere are some of my poetries. I wrote this since I was in Grade7.
