Prologue

1.9K 65 21
                                    

Luther

"Bakit kailangan mong umalis? You can stay here with me, please, " I pleaded. Gusto kong ako naman ang piliin niya.

"Alam mo naman ang sitwasyon natin 'di ba? Huwag mo namang gawing mahirap ito para sa ating dalawa." Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin.

I wanted to cry.

"Ako naman, Thea. Ako naman..." nagmamakaawang sambit ko dito bago yumuko dahil gusto kong pigilan ang mga luhang gusto nang kumawala mula sa aking mga mata.

"Please... Luther, don't make this so hard for both of us. Simula pa lang, alam mo nang nakatadhana na ako sa iba. No commitments, Luther, no commitments..." parang sinasaksak ng ilang libong kutsilyo ang puso ko sa sinabi nito. Oo, alam kong sa umpisa pa lang ay hindi ako ang pipiliin niya pero umasa ako. " From the very start, you know that. Bakit ngayon? "

"I know, Thea. Pero, matuturuan ko ba ang puso ko na hindi umibig? Ginawa ko ang lahat para ibigin mo din ako. Akala ko lahat ng ipinakita mo ay pag asa na sa akin na mahal mo na rin ako. Hindi pala..." tuluyan nang nahulog ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

" Aalis na ako bukas and the deal ends here. Please, Luther... "

"Bakit hindi ka humarap sa akin? Sabihin mo sa akin ng harapan na wala ngang tayo? Mahirap bang piliin ako? I wanted to be that someone, you wanted to love, Thea. Give me the chance." Niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. Sa dalawang buwang pananatili niya dito sa probinsiya namin ay umusbong ang pag ibig na hindi ko inaasahang maramdaman. Akala ko noong una ay paghanga lamang pero nang lumaon ay lumalim pa ito nang lumalim.

" Let me go, Luther." Pilit nitong inaalis ang kamay kong nakayakap sa kanyang tiyan.

"No..." ayokong kumawala sa yakap ko sa kanya dahil natatakot ako. Natatakot akong tuluyan ko na itong hindi makita.

"Just let me go." Masakit sa akin na marinig ang mga salitang 'yan mula sa kanya. Apat na salita pero nagbibigay ito sa akin ng maraming kahulugan.

" Ayoko... " umiling pa ako at mas hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Ako na lang ang someone na 'yan, Thea. I can replace that someone. Hihigitan ko pa ang pagmamahal na kaya niyang ibigay. Just stay..."

"Let me go, Luther. Walang tayo at kailanman ay hindi magiging tayo. Lahat ng nangyari dito ay mananatili lamang dito. That someone you are saying will be my life, Luther. Kailanman ay hindi magiging ikaw ang someone na 'yon. Let me go." Walang emosyong pahayag nito na mas humihiwa sa duguan ko ng puso. Bakit napakasakit?

"Kung bibitawan ba kita? Sasaya ka na?" Naramdaman kong natigilan ito bago nagsalita na mas ikinadurog nang pinong pino ng aking puso.

"Yes..." sa sagot nito ay unti unting lumuluwag ang pagkakayakap ko sa kanya. Mahal ko siya ng sobra pero kung magiging masaya siya sa kanya. Magiging masaya na rin ako para dito.

Nang tuluyan ko na itong nabitawan ay nagsimula na itong maglakad paalis. Isang hakbang nito ay parang ang bigat ng puso ko at gusto ko itong pigilan.

Nakailang hakbang na ito ng magsalita ako na ikinatigil nito sa paglalakad at lumingon sa akin ng may luha sa kanyang mga mata.

"Itinigil ko ang lahat ng kagaguhan ko not because you asked me to, but because I want you to fall in love with someone who is worth loving. And, I  needed to be that 'someone' who is  worthy of your love. But, as you said, I can't be that someone. Just promise me one thing... " dahan dahan kong pinunasan ang luha sa aking mga mata bago ulit nagsalita. "Kapag iniwan at sinaktan ka ng someone na 'yan. Come back to me. Andito lang ako at handang maghintay sa pagbabalik mo. "

Nakita kong pumatak ang luha niya. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero para saan? Para saktan ang sarili ko? Dahan dahan akong tumalikod at nagsimula ng umalis. Mas gugustuhin kong ako ang lumayo kaysa nakikita ko siyang lumalayo mula sa akin.

Can love bind them together?

Luther [Somebody To Love]On viuen les histories. Descobreix ara