IKAW SA DILIM

12 3 0
                                    

Ikaw sa 'king dilim ay sikat ng araw
Nagsisilbing gabay at laging tanglaw
Sa init at lamig ika'y tinatanaw
Anumang pagsubok hindi umaayaw

Ikaw sa 'king dilim ay isang bituin
Sa hirap at saya ika'y nagniningning
Sa aking kawalan ako'y di iniwan
Busilak mong puso sakin ay manahan

Ikaw sa 'king dilim ay mga kawayan
Sa'king pagkadapa kasamang lumaban
Sa ihip ng hangin di magmamataas
Yuyuko't babangon na may puso't lakas

Ikaw sa 'king dilim ay magandang himig
Sa naliligaw kong landas ika'y tinig
Kariktan ng buhay tanging pinipintig
Pangungutya nila'y hindi padadaig

Ikaw sa 'king dilim ay kasamang lente
Ang 'yong mga kulay parang elegante
Nagbibigay buhay para komportable
Pagkamit sa landas tunay na posible

Madilim kong mundo ikaw ang pag-asa
Matabang kong buhay ikaw ang panlasa
Salamat! Salamat! Saya'y natamasa
Di malilimutang hindi nag-iisa

IKAW SA DILIMWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu