Panimula

124K 3.2K 2.9K
                                    

Panimula

"Kaya nga tayo nandito sa bar para sumaya tapos nakabusangot ka riyan simula pa kanina." sermon sa akin ni Raze. "My god, loosen up a bit!"

Humalakhak si Vio. "Siyempre halos araw-araw ba namang pag-initan ni Mrs. Flordeliz. Kakaiba talaga kamandag mo, mamsh. Pati ata mga hindi na tinitigasan, kakalampag sa'yo."

They both laugh so I glared at them.

Hindi ko rin naman kasi maintindihan kung bakit pinag-iinitan na naman ako ng boss ko kesyo kinakalantari ko raw ang asawa niya. Sumakit ang ulo ko sa pag-iisip kung saang lupalop niya naman napulot 'yon? I mean, hello? Kung papatol man lang ako, mas pipiliin kong mga kasing edaran ko, hindi 'yong doble o triple ng edad ko. May taste naman siguro ako kahit papa'no.

"Shot ka na muna, 'wag mo na lang isipin." inabutan ako ni Raze ng shot glass. "Ipanalangin mo na lang na hindi ka na ulit pagdiskitahan."

Inisang lagok ko ang inabot sa akin at padabog na nilagay sa lamesa. Napapikit ako nang mariin habang pinapakiramdaman ang hilab nito sa aking lalamunan.

"Halos lahat na lang pinagawa niya sa'kin kanina! Ilang beses akong inutusan magpabili ng kung ano-ano sa labas!" reklamo ko habang pinapakiramdaman ang sakit ng paltos ko sa paa kakalakad kanina.

Muli silang naghagikgikan habang nakangiwi ako at inaalala ang nangyari.

"Hindi ba siya na-inform na p'wedeng magpadeliver? Kulang na lang pati sago ng milktea niya nguyain ko para sa kanya."

Natawa si Raze sa sinabi ko at madramang hinimas ang likod ko. "Pa'no 'yan? Quit ka na? Ayaw mo na?"

I sighed. "Hindi p'wede, kailangan ko ng trabaho."

Ito na nga lang ang iilan sa mga kompanya na tumanggap sa'kin, hindi ko p'wedeng pakawalan 'to. Simula nang kumawala ako sa puder ng pamilya ko, sinubukan ko nang mamuhay mag-isa. Alam kong tutol sila sa ginawa ko kaya naman hirap na hirap ako sa paghahanap ng trabaho lalo na't mukhang hinaharang iyon ng pamilya ko.

"Must be hard to be an heiress of a rich family, huh?" Vio commented.

Silang dalawa lang ni Raze ang nakakaalam sa estado ko. Pilit ko mang itago 'yon kaso hindi iyon nakalagpas lalo na't nang makita nila ang iilang mga itim na sasakyan na pumalibot sa apartment ko noong bumisita sila sa akin no'ng isang gabi. Iilang mga bodyguards ang pumasok sa bahay ko at naalala ko pa noon ang takot sa mga mukha nila dahil akala nila ay may ilegal akong ginagawa kaya ipinapadampot ako.

"I already told you, I'm still not going back! I chose to live like this so let me do this on my own!" I hissed as I glare at my brother who uninvitedly went to my apartment that night.

"Dad and Mom are worried." he approached me. "Kung ito talaga ang desisyon mo at wala ka pang balak bumalik, at least inform us your whereabouts. We're still your family, Ate."

"Fine!" I sighed. "Babalik ako kapag may maipagmamalaki na ako. I will prove to them that I can live independently without any of their help or influence."

"You were supposed to lead the company, Ate. Hindi mo p'wedeng iwanan 'yon lalo na't ikaw ang magmamana no'n. It's your responsibility to manage those."

I bitterly laughed. "If only they didn't want to force me to be married for business, I might consider coming back. But this is the only way to prove to them that I don't need a wealthy man to be worthy of leading the company."

"You can always reject it. It's not like you are bound to do it anyway."

"No! They are willing to offer me for the sake of expanding that goddamn business, Idris! Iyon lang ata ang nakikita ni Dad na solusyon para maisalba ng matagal ang kompanya."

Against the Barrier (Magnates Series #1)Where stories live. Discover now