"What are you doing here?" malamig na sabi ni Zeke, my husband.
"Ahm, magpapaalam sana ako---
"Do what you want. I don't care about you anyway. Mas maganda nga kung hindi ka na bumalik para maging malaya na ulit ako" pagpuputol nya sa sasabihin ko.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy parin.
"Yung tanghalian mo pala naahin ko na sa ibaba. Ako nagluto non, kaya kainin mo ha" sabay ngiti.
"Wag kang magpapalipas ng gutom. Ipaakyat mo nalang kay manang pag nagutom ka na atsaka----
" Pwede ba Nyebes! Umalis ka nalang! Ang dami mo pang satsat eh. Wala naman akong pakialam sayo kahit mapano kapa sa kung saan kaman pupunta. Tsaka pwede ba? Tigil-tigilan mo na yang pagiging santa santita mo!! Alam naman natin na hindi talaga yan yung ugali mo! Tayo pa ba ang maglolokohan dito? Kung sa iba tatalab yang ugali mong ganyan pwes sa akin hindi. Ibahin mo ako tandaan mo yan!!"
Ano pa bang bago? Lagi namang ganito ang eksena sa bahay eh. Kakausapin nya ako sa napakalamig na boses at hindi man lang tinatapunan ng tingin. Kung hindi sya malamig, sisigawan nya naman ako palagi. Napangiti nalang ako ng mapait.
"Ganito nalang ba tayo palagi? Hanggang kailan mo ba ako pahihirapan ng ganito! Kelan ka ba magkakaroon ng pakialam sa akin, ha?! Asawa nga kita pero hindi mo naman ako kayang mahalin. Ako nga ang asawa mo pero ang kapatid ko naman ang mahal mo. Ako yung nandito sa harap mo oh, pero hindi mo ako magawang makita! Lagi nalang sya ang iniintindi mo! Laging sya na lang ang nakikita mo! Ano pang papel ko dito kung hindi mo naman ako kayang pagtuunan ng pansin? Isang taon na tayong kasal pero malamig parin ang turing mo sa akin. Sana, sana subukan mo naman akong mahalin kahit papaano" umiiyak na sabi ko sabay walk out.
Sawang-sawa na ako sa ganito, pero kahit magsawa pa ako wala naman akong magagawa eh.
Yang mga linyang yan? Sa isip oo lang yan. Akala nyo ba masasabi ko sa kanya yan ng harapan? Haha pag sinabi ko yan baka pinaglalamayan na ako ngayon.
Ganito naman lagi ang peg ko eh. Walang magawa kahit pagsalitaan nya na ako ng masama. Lagi ko nalang syang iniintindi. Wala eh, mahal ko kasi.
"Ahmm.. Okay, sige. Alis na ako ah" sabay ngiti ko.
Oha taray diba? Kahit nasasaktan na ngiti parin. Kahit pagsalitaan ka ng masama ngiti parin. Magsasawa rin yan.
"Go and please lock the door" sambit nya.
I sighed. Sa pagtalikod ko ay tuluyan ng nag unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Puro masasakit na salita nalang lagi ang lumalabas sa bibig nya. Wala na syang ibang ginawa kundi awayin ako ng awayin.
Bakit ba ganito yung trato mo sakin? Kasalanan ko bang sakin ka ikinasal at hindi sa kapatid kong kasalukuyang nasa coma parin hanggang ngayon.
Two years na syang comatose dahil naaksidente sya habang papunta sya sa family dinner namin. One week palang mula nung dumating ako galing States.
Balak nya yatang ibalita sa amin noon na nag propose na sa kanya si Zeke, ang long time boyfriend nya, akalain mo three years din sila.
Habang papunta sya sa bahay ng parents namin ay nawalan ng preno ang sasakyan nya at nahulog sa bangin. Swerte nya at nabuhay pa sya kaya lang ay two years na nga syang comatose.
YOU ARE READING
Marrying my Sister's Fiance
RomanceI married my sister's fiance. I love him but he loves her. I know this is not right but I don't have a choice. Nag makaawa na sakin ang parents namin para pakasalan si Ezekiel James Valenton na siyang kasintahan ng aking twin sister. Hindi naman san...
