ADA'S POV
Nasa room na kami ngayon at nagdidiscuss na yung Teacher namin. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyare kanina. Alam ko namang di niya ko type. Pero bat kailangan pang ipangalandakan? Nakaka-offend kaya. -_-
"Uyy. Okay ka lang?" Sabay bulong sakin ni Loren. Seatmates kasi kami.
"H-huh? Oo. O-okay lang ak-ko." Sagot ko.
"Hayaan mo na yung si Niel. Wag mo na isipin." Convinced niya sakin. Pero ako, tahimik lang.
Nagdaan ang ilang subjects, hanggang sa mag-uwian na.
"Una na ko Loren." Pamamaalam ko sa kanya.
"Sigurado ka bang okay ka lang?"
"Oo. Okay lang ako."
"Osige. Ingat ka." Then I left.
Nasa bahay na ko, pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyare. Ewan ko ba! Crush ko lang naman siya e. Pero bakt ganun ako kaapektado nung sinabi niya yun? T_T
Nag-open na lang ako ng FB. Then I checked out my Notifs. Pero dahil sa tinatamad akong icheck, nagpost na lang ulit ako.
Hays. :(
Yan lang yung laman ng status ko today.
Binobrowse ko lang yung News Feed ko nang biglang may nagchat sakin.
Hoy BABAENG ANTUKIN!
Haaaaay! Bat ka ba nanggugulo?
*seen 5:03 pm
Yan ang response ko. HAHA. Kainis e. Bahala ka dyan maseenzoned.
Bigla na naman may nagchat.
Aba! Wala pang sumiseenzoned sakin, even Airies!
Reply niya. Eh ano bang pake ko?
*seen 5:06 pm
Yan ulit response ko. Makulit ka e.
Ano ba huh?! Ikaw lang gumaganyan sakin Ms. Versoza.
Nagreply na ko. Ang kulit e.
And so? Ano pa bang kailangan mo?! Bat ka ba nanggugulo?!
Nagchatback naman agad.
Hindi ako nanggugulo. Gusto ko lang linawagin yung sinabi mo sakin kanina.
Wow huh.
Alin sa MGA dun? Tsaka bakit Big Deal? Kasi totoo?
Nagreply naman agad.
Oo. Nakikipagtextmate pa rin ako sa iba kahit may GF na ko. Lumalandi pa rin ako sa iba kahit taken na ko. Pero masisisi mo ba ko?! Lalaki lang ako.
Nagreply naman agad ako.
Lalaki ka lang?! Bakit? Hindi niyo ba kayang iwasan yung nga tuksong ganyan? Tsaka hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo? Sinasaktan mo si Ate Airies! Hindi ka ba naaawa?
Nagreply naman siya agad.
Hindi ako magkakaganito kung hindi niya ko niloko. Nahuli ko siya na may kayakapang lalaki sa Park. Sinong hindi maiinis dun, dba? Naganti lang ako.
Wow. May pagconfess!
So do you think Revenge is the best way to ease the pain? It'll never be the way Niel! Kung mahal mo talaga siya, matatanggap mo pagkakamali niya. Kung nagkamali man siya, everyone deserves second chance. Right?
Hala?! Bat parang nagiging Love Adviser na ko? -_-
Nagreply naman siya.
Mahal ko siya, pero hindi ko pa rin nakakalumutan yung ginawa niya. Wag kang maingay na kinuwento ko to sayo. Teka, bat ko nga ba to kinukwento sayo?! Kakakilala lang natin e.
Oo nga nuh. Bakit?!
Pwes hindi pagmamahal tawag dyan. Hindi ka magmamahal ng matiwasay at malaya kung may hatred kang nararamdaman. Mas masarap kaya magmahal ng walang dinaramdam na iba. Yung puro, kilig, love at happiness lang ang nararamdaman mo. :)
Sheeeet! WHOGOAT! HAHAHA.
At saka bakit mo nga pala kinukwento sakin to lahat?! Don't worry, hindi makakalabas. Makakaasa ka.
Pahabol kong sabi.
Hay nako! Bakit ganyan ka magadvise? Nagka-BF ka na ba? Akala ko ba NBSB ka?
Aba'y walang hiya to uh. Oo, NBSB ako. Pero obvious ba talaga?
Tsaka sorry kung nasasabi ko sayo to. Hindi ko rin alam kung bakit e. Anyway, ang sarap mo palang kakwentuhan. Hindi ka pala ganun kasungit, at hindi ka nakakaantok kachat. HAHAHA!
Siraulo talaga to.
Ewan ko sayo! Ang bully mo! -_- Tsaka oo, NBSB ako. May problema ba dun?!
Nagreply naman siya.
Wala naman. :) Osha. Out muna ko. Magddota pa ko e.
Edi magdota ka. Kailangan magpaalam?
Nga pala, may favor ako.
Aba!
Wow! Favor agad? Bakit close ba tayo para humingi ka ng favor?
Nagreply agad siya.
HAHAHA! Hindi. Pero may favor nga kasi ako sayo.
Nagreply naman ako.
Ano ba kasi yun?!
Agad siyang nagreply.
FRIENDS? :)
