Special Chapter: Ang kwento sa likod ng maliit na manok

99 2 0
                                        

Mensahe ng hot na author:

Matutunghayan po natin ang kwento sa likod ng maliit na manok na ibinigay ni Vista sa hot na author.

Nasa POV po ito ni Vista, pero dahil hindi ko naman alam ang tumatakbo sa isip niya, dahil nga hot ako, nagdagdag na lang ako ng cheneness.

Honeylyn's POV

Napakainit sa pwesto ko habang nasa byahe kami papuntang South Mall, manonood kasi kami ng play para na rin sa project namin sa English. Mainit na nga sa Pinas, idagdag mo pa ang usok na nanggagaling sa mga sasakyan at eto pa ang nagpalala sa sitwasyon ko ngayon ay katabi ko ang Hottest Woman Alive, si Pads. Di matigil ang pagtulo ng pawis ko dahil sa extreme hotness niya. Gusto ko sanang lumipat ng pwesto kasi di ko na makayanan ang hotness, kasexyhan, at kagandahan ni Pads kaso lang masikip na sa jeep, wala ng ibang pwesto. Nakaupo na nga sa lapag si Sunny Boy at si Llido (yes may exposure ang OH Family, all thanks to the Hot, Sexy, Gorgeous Author). Titiisin ko na nga lang muna ito.

Dahil na rin sa tagal ng byahe, pagkababa pa lang namin sa jeep pagkain na agad ang nasa isip namin. Gutom na gutom na nga ako eh. Parang gusto kong kumain ng malaking manok, ayoko ng maliit ha. Gusto ko talaga ng malaking manok at kung sakali mang maliit na manok ang makuha ko, aba ipagpapalit ko yun nakakagutom kaya umupo buong byahe. Tapos pawis na pawis pa ako dahil kay Pads. Ang hot niya talaga.

"Saan tayo kakain?" Tanong ng hot na si Pads. Ilang minuto na lang din ang natitira saamin para kumain. Pano ba naman kasi ang trapik tapos hot pa si Pads. Sige i-connect niyo. After 30 minutes dapat nasa Cinema 1 na kami sabi ni Ma'am Orsais.

"Jollibee or Mcdo?" Ayoko sa sinabi ni Janmel na Fast food chain, ang liit kaya ng manok doon. Nakakabitin.

Dumaan kami sa Jollibee at sa Mcdo at fortunately ay puno na sila. Buti na lang talaga at sa Greenwich ay di pa masyado, kung hindi mukhang gutom na hot si Pads dito.

"Ano order mo Pads?" Tanong ni Kit kay Pads habang ako nag-iisip ng kung anong kakainin ko. Malalaki naman yung mga manok nila dito. Okay na rin ata iyon.

"Yung tig-89 na lang ata?" Rinig kong sagot ng HSG na si Pads. Hot, Sexy and Gorgeous.

Si Haide na lang ang umorder ng makakain namin at naghanap kami ng mauupuan namin. Napasimangot si Pads ng malaman kung saan kami uupo. Di ko naman siya masisisi, madidiscover ang hotness niya sa pwesto namin eh. Hay, kawawang hot na Pads.

Ilang minuto na rin ay dumating na ang order namin. Binigay na isa isa ng waiter yung pagkain tapos si Pads na lang ang wala, nasa pinakadulo kasi siya, ayaw niya kasing i-expose ang beauty niya, ganun siya ka-humble. Dahil nga may plato na ako, ibibigay ko na sana ang saakin kay Pads, kaso may napansin ako.

Bakit ganun? Bakit parang may mali? Parang may kulang? Parang may kakaiba? Bakit parang hindi ata tama? Bakit maliit yung manok na tira? Saakin ba yan? Pero nagbayad ako ng 99 pesos eh. Bat maliit yung manok? Bakit hindi pantay pantay?

Yan ang mga katanungang tumatakbo sa isip ko ng makita ko yung natitirang plato sa waiter. Maliit yung manok, sing liit lang ng thumb ko. Parang nanlumo ako ng makita ko iyon. Gutom ako, tapos maliit ang manok. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana, pero nasaktan ako. Nasaktan ako ng makita ko yung maliit na manok. Masakit isipin na ibinigay mo na nga ang lahat, pero maliit pa rin ang natanggap mo. Kulang pa rin.

Malapit na sana akong sumuko dahil sa problemang ikinahaharap ko ngayon ng may maalala ako.

"Anong order mo Pads?"

"Yung tig-89 ata?"

Nasiglahan ako ng maalala ko iyon, nabigyan ako ng pag-asa. Kay Pads, kay Pads na hot yung maliit na manok. Dalidali kong binawi yung plato ko at iniabot kay Pads yung pagkain. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon niya. Gutom ako at masaya ako dahil malaki ang manok ko.

Oo, masaya ako.

Napakasaya ko.

Masaya akong kumakain ng may nangyaring hindi ko inaasahan. Hindi ako nakapaghanda, hindi ko namalayan ang mga pangyayari. Nabigla ako, nagulat, natakot. Napuno ako ng takot dahil sa nangyari.

Pasubo na ako nun, masaya akong kumakain. Ninanamnam ang bawat parte ng malaking manok nang may dumapong langaw sa plato ko. Napalitan ng takot ang kasiyahan ko. Biglang naglaho ang kasiyahan ko.

"Hmmm." Sinubukan kong magsalita, pero di ko pa kaya. Masyado akong natakot, at nagulat. At isa pa, kasusubo ko pa lang ng malaking manok. Nilunok ko kaagad ang sinubo ko, nalungkot ako. Di ko man lang nanamnam ang lasa nun. Nanghihinayang ako, nalulungkot ako.

"Uy, uy, uy." Pinapaalis ko ang langaw sa plato ko sa pamamagitan ng pagpapaypay dito. Biglang nawala lahat ng tao, parang kami na lang ng plato ko at ng langaw ang natira. Halos magmakaawa ako dun sa langaw na umalis. Gusto ko siyang kausapin ng maayos. Gusto kong idaan ito sa maayos na usapan. Nagdasal na ako sa lahat ng diyos diyosan na kilala ko, patnubayan niyo po sana ako sa kung ano mang mangyayari ngayon. Kayo na pong bahala.

Nagkaroon ng himala! Umalis siya. Nabigyan ulit ako ng pag-asa! Nakikita ko ang pagsikat ng araw. Ang paglago ng mga puno. Ang pagdami ng mga bulaklak. Ang masasayang batang naglalaro sa parke. Nakakita ako ng pag-asa. Dumating ang liwanag at inilayo ako sa kadiliman. Nawala ang takot, pangamba, at gulat ko.

Umalis ang langaw.

Masaya na ulit ako.

Napakasaya ko.

Kasama ang malaking manok.

Mensahe ng hot na Author:

I'm not a fan of happy endings, pero dahil HSG ako, okay sige. Pasayahin natin si Vista.

Next Special Chapter ay kay Main. Ang pumapangalawa sa kasexyhan ko.

Ang Hot ni AuthorWhere stories live. Discover now