PROLOUGE

333 5 0
                                        

DISCLAIMER:This is a work of FICTION. Names, Characters, Organizations, places, events,and scenarios are product of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidential.

Some chapters contain mature content. Read at your own risk.

* * *

"Bakit ba sila tumatakbo? May zombie na ba dito sa airport ngayon? May premyo ba pag nauna kang nakalabas?" Ang ilan lamang sa mga tanong na naibulalas ko habang sumasabay sa takbuhan.

"Girl! Malay natin magkasama kaya tayo.Teka, huminto muna tayo para tayong baliw na sumusunod sa kanila." Ang mabilis na wika ni Ele habang hawak ang kanyang dibdib at hinanabol pa ang paghinga.

" Hindi tayo pwedeng huminto dito sa gitna. Mas lalo tayong magigit-git sa kapal ng tao dito."

Habang binabaybay ang daan palabas ng airport. Rinig ang mga usap-usapan ng mga taong kasabay naming tumakabo.

"Oh my gosh! Andito na sila. Sa wakas makikita ko na rin sila."
Ayon sa babaeng kilig na kilig pa habang kinakausap ang kanyang kasama.

Sa bilis ng usad ng mga tao ganun naman kabagal ang pag proseso ng brain cells ko sa mga nangyayari. Para bang tumatakbo ako sa kawalan na walang katapusan ng biglang...

"Hi! Papunta ka rin ba sa event?"
Ang nakangiting tanong ng maputing lalaki na nakasuot ng white long sleeves polo blouse habang nakabukas ang dalawang butones ng sleeves. Paired with beige pants.

Napaawang ang bibig ko sa 'di makapaniwalang pangyayari.

"Oo. Tama doon ang punta namin. Nice meeting you. 'Di ko inexpect sa ganitong pagkakataon ko kayo makikita."
Ang pigil kilig kong sagot sa kanyang tanong.

"Pa'no ba yan, see you there. Mag memake-up pa kase kami."
Ang huling salitang binitawan niya bago siya naglaho sa paningin ko.

"Girl. Huy L.A sino yun? Do you know him? Don't talk to strangers nga hindi ba? Kahit gwapo pa yung mga yun dapat 'di ka nakikipag-usap." Ang gigil na sermon ni Ele.

"Ang O.A naman, Si Jayden yun ng FLAIR. Hindi sila strangers take note mga asawa ko sila. charrr." Sabay pakawala ng halakhak.

"OMG. Why didn't you tell me earlier. Let's go girl this is your time to shine!" Ang eksaheradang sabi ni Ele habang hila ang braso ko palabas ng paliparan.

Malinaw na sa akin kung bakit nagmamadali ang mga taong makalabas, dahil sa dami ng fans na naghihintay sa FLAIR ang sikat na Filipino Boy Group, siguradong magkakaroon ng commotion dahil sa mga nag-aabang na fans.

Pagkarating sa venue napakaraming tao. Mahirap ang makapasok sa loob. Mabuti na lang at sinundo si Ele ng boyfriend niya at naiwan na sa kotse niya ang mga gamit namin. Bawas alalahanin dahil "fan girl mode on" na si ate mo girl.

"Paano tayo makakapasok sa loob wala naman tayong ticket?" Ang mukhang nanghihinayang kong tanong.

"Girl ano ka ba subukan mo pa rin. E 'di bumili ka makipagsiksikan ka sa loob maraming paaran dyan. Sige na mauna ka na sa loob susunod kami ni Dan."
Sabay beso sa kaliwa kong pisngi at tuluyan ng nagpaalam sa akin.
Huminga akong malalim at naglakad na patungo sa entrance ng concert. Hindi nga ako nagkamali at free concert ito ng FLAIR matapos makatanggap ng prestihiyosong award sa Amerika.
Mabilis naman akong nakapasok sa loob at tinungo ang unahang bahagi ng mga fans. Mukhang kanina pa sila nakatayo at matiyagang naghihintay sa pagsisimula ng concert.

Ilang sandali pa maririning na ang mga kanta nilang dumadagundong sa buong venue. Hudyat na malapit na silang lumabas.

"Girl. Ele 'asan kayo? Andito ako sa medj unahan left side katapat ng LED screen. May white board marker ka ba? or any marker kailangan ko gumawa ng banner para mapansin nila ako."

"Don't worry I'm always ready. Wait mo kami dyan L.A bye." ramdam ko ang excitement sa boses niya bago ko pinatay ang tawag.

Buong puso akong sumabay sa kanilang mga awitin at panay ang sigaw ng fanchant habang kumakanta sila. Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang saya. Napakagandang tingnan ang mga lightstick na kulay blue na sabay sa galaw ng musika.

"Girl. Ito na ang white board at white board marker. Dalian mo magsulat ka na." Sabay abot sa 1/8 size white board.

"Seryoso ka? May dala ka talaga nito sa kotse mo?" Ang natatawa at 'di makapaniwalang tanong ko. Pumunta sa harapan ko si Ele at sabay tapik sa kanyang balikat.

"Huwag ka nang magtaka, girl scout yata to. Mamaya mo na ako tanungin ok. Here." Agad ko namang pinatong sa kanyang likod at nagsulat na sa board.

" Thank you for inspiring me. I always pray for your good hea-_" sabay bura sa aking isinulat.

"Mali dapat maikli lang paano nila ito mababasa napakarami at maliit na ang sulat hayst!"

"Marry Me, KEN❤" Hindi ko pa man naitataas ang white board. Parang palapit ng palapit ang boses ng umaawit. Hawak ng dalawang kamay ko ang white board na nasa bandang dibdib ko ang taas. Sa pag angat ng aking ulo. Hindi na ako nakakilos pa sa aking kinatatayuan. Tanging tilian at sigawan ng mga kapwa ko NUCLEUS ang umalingawngaw sa aking pandinig.

"So anong sagot mo sa friend namin? " ang nagbalik sa aking ulirat na tanong ni Dan.

"Uhm... ano kase.. ahhh ano. Kase..uhm-_"

"Mahirap ba yung tanong niya? Yes or No lang bro!" ramdam ko sa boses ni Dan ang inis. "Yah he's right Yes or No lang" dagdag pa ni Ele.

Palakas ng palakas ang hiwayan ng mga fans. Gayun din ang lakas ng tibok ng puso ko na gusto ng kumawala sa dibdib ko dahil sa bilis ng pintig nito. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa white board habang nakapako ang tingin sa napaka aliwas na mukha ni Ken. Sa galaw at kurap ng kanyang mata ramdam at kita ko ang alinlangan sa kanya. Sa pagbuka ng kanyang mga labi. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa white board para bang inilipat ko ang lakas ko doon at anuman ang kanyang sabihin ay hindi ko kakayanin.

"No." Ang maikling sagot muli ni Ken habang nakatingin sa aking mga mata.

Uamlingawngaw ng napakalas ang kanyang huling binitawang salita at dinig pa rin ng paulit- ulit dahil sa echo nitong nilikha sa aking tainga at isipan.

Nanatili ang mga mata ko sa kanyang makinis na mukha. Hindi ko na malayan na tumutulo na ang luha sa aking mukha.

"Tara na girl! Sabi ko naman sa'yo e dapat hindi na tayo pumunta sa concert na'to wala naman tayong napala." Ang mariing sabi ni Ele sabay hatak sa aking braso at naglakad na papalayo sa lugar na iyon.

Gusto ko man siyang lingunin muli hindi ko na nagawa pa dahil sa hiya at sakit na nararamdaman. Sakit na hindi ko maintindihan. Para bang ang puso ko ay isang babasagin na biglang binitawan at nahulog sa sahig. Pagkatapos mahulog ay dinurog pa ng paulit- ulit.

Habang hawak ni Ele ang kaliwang kamay ko sinilip kong muli ang nakasulat sa white board na nasa aking kanang kamay. Patuloy na bumuhos ang luha sa aking mga mata.

"Krrringgg!!! Krrringgg!!! Krrringgg!!!Krrringgg!!!"

Napabalikwas ako sa aking higaan at pinatay ang alarm clock sa aking cellphone. Napahawak ako sa aking mukha at pinahid ang malamig na luha.

4:30 AM na naman ng umaga.

____________________________________________________________
















I Love You in Horizon Stories to obsess over. Discover now