“Aasikasuhin? Akala ko ba naka-leave ka pa?”

“E hindi ho ako puwedeng mag-out of the country. Madami hong papeles na kailangang gawin. Alam niyo naman, hindi kami basta-bastang pinapayagan sa ganyan.”

“Kalokohan! Your father is a congressman. Kaya niyang ipaayos yan.”

“Ma naman, alam niyo namang as much as possible, ayokong gamitin ang connection ni papa.”

“Pero para que pa na nasa posisyon ang papa mo? Hindi mo naman ginagamit sa kasamaan ang connection niya.”

“Hindi niyo naiintindihan e. Basta kayo na lang ho ang umalis. Dito lang ako.”

Hindi na kumibo si Elizabeth pero alam ni Brey na masama ang loob ng mama niya.

“Huwag ka nang magtampo, ma.”

“Para kasing ibang tao ka na simula nang maging military officer ka. Lagi kong hinihiling na nasa naging katulad ka ng mga kapatid mo na nasa private sector. At least hindi ako laging kinakabahan.”

“Pero alam mong hindi rin ako magiging masaya, di ba?”

“Paano nalang kapag nag-asawa ka? Kawawa naman ang magiging misis mo anak, hindi makakatulog sa gabi dahil sa nerbiyos.”

“Ma!” Agad namang tumigil ang mama niya sa ‘drama’ nito. Napailing nalang si Brey pero natatawa rin siya.

ANG alam ni Madie ay may ka-meeting si Ava ng araw na iyun sa may Imperial Suites sa Morato Circle pero ang sabi ng babae ay cancelled na daw iyun at sa halip ay nagpahatid ito sa spa.

“Di ba nagpa-spa ka na noong isang araw?” hindi napigilang tanong ni Madie.

“Masakit kasi ang likod ko e. Alam mo naman kapag may shooting, puyatan di ba.”

“Kung gusto mo, mag-hire nalang tayo ng masahista. Mas makakamura ka pa, saka sa condo na mismo pupunta. Mas mahal sa spa e.”

“Paano naman ang manicure-pedicure ko?” tila hindi interesadong pahayag ni Ava. Ang atensiyon nito ay nasa Blackberry, sige ito ng kakatext.

“E di magpapunta din tayo ng manicurista. Kesa naman palagi kang nasa spa. I mean, di naman sa nakikialam ako ha, pero mas makakamura ka talaga pag nagpa-home service ka nalang dahil nasa two thousand yata nagagastos mo diyan na pinakamababa e.”

“Okay lang yan. Yung iba naman gift certificate ang gamit ko. Saka, mas kumportable na ako sa spa kesa sa condo. Gusto ko private yung tirahan ko.”

“Kung sabagay.” Naisip ni Madie na tama nga rin naman si Ava.

Napansin na rin naman talaga niya na hindi mahilig tumanggap ng bisita sa condo niya ang babae. Wala itong kaibigan na pumupunta roon dahil ayaw daw niyang nakikita ng ibang tao ang tinitirhan nito. E di lalo na ang mga nagho-home service na hindi nito kilala. Besides, pera nga rin naman ni Ava ang ginagastos nito kaya bakit ba niya pakikialaman ang babae.

The Cavaliers: BREYWhere stories live. Discover now