Over

12 0 0
                                        

Hi ako pala si Mio, 28 yrs old na butch na nagtatrabaho sa isang company sa makati. Single kasi naloko nung last gf. Kaloloko lang actually. Nalaman ko na two months nya na pala akong iniiputan sa ulo. Masakit at hindi ko makakaya na makasama pa sya. Napakadaya diba? Ung tipong ang loyal mo tapos ung kasintahan or karelasyon mo is tinutwo time ka na pala. Dapat going 4 years na kami. Ayun nga ang masakit tapos ang pinalit pa nya is hard butch din. So nagawa ko pang mastalk ung GAGO sa fb. One time kasi nakita ko chat nila. Sa totoo lang kahit alam ko ung password ng gf ko sa fb account niya eh hindi talaga ako usyosero pero ewan that night kinutuban ako e. Totoo pala kapag kinutuban ka. HULI!BOOM! tagal na pala nila na nagkakausap ng lokong gagong yun. So para sa akin edi magsama sila. Ang masakit pa ung makikita mo ung palitan nila ng i love you. FUCK. All fucked up. Hindi naman kagwapuhan pinalit niya so magsama sila. Wala na kong paki sa kanila. WALA na. Anyways nandito ako sa apartment na inuupahan namin. Kinukuha ko ung mga gamit ko like damit at some stuff. Mabuti ng maghati kami sa mga gamit. Napagdesisyunan ko na ako na ang aalis sa apartment namin para wala ng sali salita pa.

Nagmamakaawa gf ko na ayusin namin at kalimutan na lang ang nangyari pero ano yun? ako naging loyal ako sa kanya tapos ganun na lang. NO WAY! Lumuhod pa si gaga sa harapan ko tinalikuran ko lang. Lumabas ako ng apartment namin noon at umiyak sa gilid ng kalsada tapos uminom ako buong gabi. Naglaklak ng naglaklak.

"So ganun ganun na lang? Puta Mio magfofour years na tayo ngayon pa ba tayo maghihiwalay?" Sabi ng ex ko hindi ako umiimik. Actually dumaan lng tlga ako para kunin ung pede ko pang makukuhang gamit para dalhin sa bago kong uupahan. Sa kanya na yung mga malalaking gamit like TV, ref basta sakin ung car na naipundar namin dahil ako naman ang bumuno ng bayad doon.

"Fuck! magsalita ka naman." Sabi niya. Abala ako sa pagpapasok ng mg damit ko sa backpack. Napapagod na rin akong kausapin siya e. Hinila niya ung braso ko. Tiningnan ko siya.

"Ano na?!" Tanong niya.

"Wala. im leaving." malamig kong sagot.

"Itigil mo yan." inaawat niya ung kamay ko sa ginagawa ko. Pinalis ko ung kamay niya.

"Ang sabi ko Im sorry na diba? nagkamali ako. magbabago naman ako. Pls love." Umiiyak na naman siya. "Please." Nagmamakaawa na naman. But no. matigas na ang puso ko sa kanya.

"So, ayaw mo na talaga? AYAW MO NA?" tanong niya. "Sagutin mo ko?!"

hinarap ko siya. Sinara ko ung backpack.

"Oo ayoko na. Maghiwalay na tayo. Kasi naging unfair ka sakin. Minahal kita ng sobra alam mo yun? Mahal na mahal. Pero niloko mo lang ako. At mahirap na ibalik ung trust ko sayo. Fuck! magfofour years na tayo, Mel. SANA. DAPAT. pero ano two months na may karelasyon kang iba. Anong ineexpect mo? magpakasaya? magcelebrate pa din tau ng supposed anniversary?! Alam mo akala ko iba ka sa mga past ko. Na hindi mo magagawa sakin ito. Pero for the nth time mali na naman ako. Ano bang mali sakin?? Lahat binigay ko sayo.Binigay ko sa relasyon na to." Mahabang sabi ko sa kanya.

Mangiyak ngiyak man siya ay tumuloy na ko palabas ng apartment. Ewan pero wala na ata akong maluluha pa. naubos na nung nakaraang gabing uminom ako.

"Im really sorry." ayun ung huling narinig ko sa kanya bago ako umalis ng apartment. Masakit Oo pero kelangan kong magpakatatag. Pucha pang ilan na ba? Hindi ko na mabilang kong ilang babae na ba ang nagparanas ng kalokohan sakin. Nasan na ba ung THE ONE tlga? Ayun na naman ang magiging tanong ko.

----------

"Ano na naman nangyari sa'yo?" Tanong ng bestfriend ko na si hazel. Magkababata kami at really bestfriends. Maya maya tinawanan niya ako. Ung nakakainis na tawa.

"Broken ka na naman beshy?" Tanong niya sakin habang tumatawa. Niyaya ko siya uminom sa bago kong apartment. Gusto ko ng makakausap.

"Leche tumigil ka nga kakatawa diyan." Inisnoban ko siya. Tawa pa rin si loko. lukaret talaga. Well, sanay na ako. Sya ang lagi kong nakakausap about love, sa mga karelasyon ko, sa mga stressed ko sa buhay. Same kami na kapag may pinagdadaanan ang isa sa amin laging nakadamay. Super friends talaga kami.

"Penge nga sigarilyo." Sabi ko. Kumuha siya ng isa sa kaha at inabot sa akin.

"Pang ilan na ba to?" Tanong niya.

"Ewan hindi ko na mabilang." sagot ko. Sinindihan ko ang yosi at humithit. isang buga sa usok.

"Pero seryoso may tanong ako sayo." sabi niya. magkatapat kami ng upuan. sa gitna namin ay 10 bote ng redhorse. tumingin ako sa kanya bago bumuga ng usok.

"Ano iyon?" tanong ko.

"Kinuha mo ba ung TV nyo?" Tanong niya at tumawa na naman.

"loko ka talaga. sa kanya na yun. isaksak niya sa baga niya." Sagot ko.

"Uy bakit sayang din yun. Ikaw kaya bumili nun. kinredit card mo pa. Magkano nga yun? 60,000? besh kung ako kukunin ko yun." sabi niya sabay inom ng alak.

"Ayoko na kunin.  Sa kanya na mga yun. Nasa kin naman ung kotse e."

"Seryoso kotse lang kinuha mo? Bobita ka talaga. Ganyan talaga pag nagmamahal e. Alam mo ikaw lahat bumili ng mga gamit nyo dun sa apartment tapos iniwan mo lang sa masamang nilalang na yun."

"Alam mo wala na sakin ung mga yun." kako.

"Alam mo binalaan na kita dyan sa mel na yan. Ang sabi ko sayo dati diba hindi kayo magtatagal? o see. i was right." sabi niya na nagmamalaki. binelatan pa ko.

"Wow. Ikaw na magaling pagdating sa love. si madam auring ka ba?" tinagayan ko ung baso niya.

"Hindi. Pero marunong akong kumilatis ng tao."

"Wow chong. So nahuhulaan mo ba kung magkakaroon pa ko ng forever? "

"So naniniwla ka tlga sakin?" balik na tanong niya.

"Wala ka talagang kwentang kausap. Pauwiin na kaya kita. Tatawa tawa na naman si loko.

"Joke lang." sabi niya. Kinilatis niya ung apartment ko. palinga linga ang loka.

"Ang liit naman ng apartment na to. Tas ang mahal pa ng upa mo. Alam mo para makatulong ako sayo i have a suggestion mah friend."

"Grabe ka makalait ah. Ano naman yun? Pag trip na naman yan wag mo na ituloy.

"No. Bakit hindi ka na lang tumira sa condo ko? tutal wala naman akong ksama." binuksan niya ung chippy at kumuha ng isang dakot.

Medyo pinag isipan ko ung sinabi niya. Bakit nga ba hindi? Para d na ko mangupahan.

"Parang magndang idea yan pero okay lang ba?"

"Naman basta pagsisilbihan mo ko dun."

"Ano yun katulong peg ko? No way."

"Dejoke seryoso nga ako. Ikaw magkakatulong sakin. ikaw pa ba? Kilala na kita. apakatamad mo na tao. Kahit paglalaba hindi mo kaya."

Napaubo ako sa sinabi niya.

"Wow ah pinalaba mo nga underwear mo sakin dati e." Namula si Hzel sa sinabi ko at bahagyang napatawa.

"Oy bakit? Malinis naman yun ah. Nagrereklamo ka pa? So ano na nga? Wala nga ako kasama dun e. para naman may kakwentuhan ako you know."

Sabagay mahirap din mag isa. "Oo na sge. Tulungan mo ko maglipat ah."Pagsang-ayon ko sa suggestion niya.

"Sure friend." sang ayon niya. "Dito muna ako makikitulog ah. Tinatamad ako umuwi tska tingnan mo naman itong iniinom natin. Sa lakas ng tama nito makauwi pa ba ako ng maayos?"

"Oo na huwag ka na maraming sinasabi. Inom lng ng inom. Nakakaisang baso ka pa lang e. Tiglimang bote tau."

"Ano ba? magsusunog na naman tayo ng liver?" Gulat na tanong niya na itinaas pa ung paa sa mesa.

"Ayaw mo ba?"

"Sira ka talaga. Bad pa naman to sa health tska diet ako e." Nangaral pa ang gaga.

"Anong konek ng diet ka? Taba nga ng hita mo e." Panloloko ko sa kanya. Si gaga tiningnan ug legs niya.

"Hindi nga? Loko. seryoso ako nagdadiet ako." Sabi niya at nagpose ala model.

Ewan pero payat naman siya sa paningin. Slim ang katawan niya at kahit anong isuot niya ay bagay sa kanya.

Always YouWhere stories live. Discover now