Rj's POV

Napahinga kaming mga bakla ng maluwag nang hindi kami napansin ng Tomboy at dere-deretsong naglakad na lang siya paalis.

Nakita kasi namin kanina ang Tomboy na papunta dito sa bigerlaloo'ng library..

"Bakit ba sinundan natin ang Tibo na 'yon?!" maarteng sabi ng Jona..

"Ewan ko ba dito kay Baklang Rc at Jp!" nahahagardus na comment ko..

"Eh, bakit kasi kayo jumoin sa amin??" sabay na sabi pa nila..

"Nakakalurkey naman kashe kayetch!" may pahawi pa sa bangs niya 'yan, oh pak!

"Nyenyenye! Buti na lang at hindi tayo nakita ng Tubercio.."

"Gaga kasi 'tong si Jp! Napakacareless whisper, eh! Muntikan na tayong mahuli." si Alline...

"So, kasalanan ko?! Eh, ang baho ng jininga netong Balyenang 'to, eh!" pagtutukoy ni Bakla kay Rc..

Binatukan naman siya ng Rc. "Eksssskyusmeyyyyy! Hey, bakla! Kakatoothbrush ko lang at may matching mouth wash pa kaya 'wag mong iniinsulto ang mouth ko dahil mas mabango pa 'to d'yan sa nota mo!"

"Tara na kaya? Nagsisiksikan tayo dito sa ilalim ng lamesa, eh.. I don't like your perfumes kaya!" maarteng sabi ng Jona..

'Napakaarte netong Jona'ng 'to! Hambalusin ko kaya ng upuan 'to?'

"Oo na! Ang dami mong arte, Jona!"

"Nyenyenye.. Tara na, okay?! Mamaya bumalik pa ang Tibo, eh." napapaikot na matang sabi ni Jona.

Umalis na kami sa ilalaim ng table saka pakendeng-kendeng na dumeretso sa pintuan. Nang makarating kami sa room ay andoon na ang mga fafa at syempre ang baby ko, eh!

'Kilig, ah!'

Ngumiti siya at kumaway sa akin. "Good morning.." nakangiting bati niya kaya naman ang mga mata niya ay nawawala na at yung dimple niyang napakalalim..

"Good morning! Kumain ka na?" malambing na sabi ko at nangalumbaba..

"Yeah. Ikaw ba?"

"Ah, oo naman!"

"Nabusog ka?"

'Makita lang kita busog na busog na ako! Eeeeeehck! 'Wag gen'yen!'

"Yes na yes.. Mas lalong nabusog nung nakita kita." bulong ko sa huling mga salita.

"Ano 'yon? May sinasabi ka?" nakangiting sabi niya, napatitig naman ako sa ngiti niyang 'yon at napaglapat ang parehong labi..

Lumipas ang ilang minutes ay dumating na ang teacher naming ubod ng arte de choss at saka nagdiscuss..

Tinatamad ako makinig, sayang talaga! Lumipas ang dalawa pang teacher na katulad ng nauna naming teacher ay puro discussion lang.

At 'yon na nga sa sobrang lutang ko hindi ko na namalayang recess na.

"Hoy, Bakla!"

0__0!!!!!!!!

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now