Ang Ating Pagkakaibigan

6 0 0
                                    

Perpekto, makulay at masaya,
Buhay noong ako'y bata pa,
Sa pag-aakalang ako ay prinsesa,
At kaya silang lahat maunder de saya.

Ako ay may tatlong matatalik na kaibigan,
Tatlong babaeng akala ko'y pangmatagalan,
Tatlong babaeng akala ko ay kaya akong samahan,
At mga babaeng akala kong tunay at saakin lamang.

Ngunit tila ako ay isang bagay na kanilang pinaglaruan,
Sa tuwing kami ay may hindi pagkakaintindihan,
Ako sakanila ay mamamagitan,
Ngunit sa aking pagtalikod ay ako pala ang sinisiraan.

Nakalakihan ang hindi malusog na palaisipan,
Maldita at mapagmataas sa labas,
Ngunit tila nawawalng tuta ang kalooban,
At hindi pa napapatawad ang mga 'kaibigan'.

Sa kabila ng galit sila ay hindi iniwasan,
Hinayaan amg oras na maglunas sa isip at damdaming nasasaktan,
Ngunit ayaw yata akong tantanan ng kapalaran,
Ako ay muling sinubok at hindi na alam kung ito ba ay mapagtatagumpayan.

Ang puso ay napagod na ng tuliyan,
Ang sugat nito'y lumalim at hindi na kayang lunasan ng oras lamang,
Sa isip ay hindi na sila kayang intindihin at patuloy na lumaban,
Kaya sa malamig at malalim na gabi sila ay aking sinukuan.

Tama na ang matagal na panahong pagtitiis,
Kada taon nalang ako'y kanilang nasasaktan at walang mintis,
Tama na ang pagluha ng dahil sa kanila,
Oras na para magmahal ng iba.

Hindi sila kakalimutan,
Patuloy silang mamahalin mgunit sa malayuan,
Natatakot akong lumapit dahil baka masaktan,
Ngunit pag ako'y kanilang babalikan,
Bukas palad ko silang tatanggapin dahil sila ay aking mga kaibigan.

Poems CoolLectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon