Hindi ko na hinintay na makapagsalita siya at kumuha na ako ng dalawang plato, dalawang kutsara at tinidor saka dalawang baso na nay lamang tubig na isa-isa kong dinala sa lamesa.

Kinuha ko ang niluto niya kanina na itlog na may kasamang bacon at fried rice saka bumalik sa lamesa at umupo sa tabi niya.

"Now let's eat." Anunsyo ko saka kumuha ng saktong fried rice na para sa akin at para kay boss.

Binalingan ko siya ng tingin at nakitang titig na titig lang siya sa akin. Tumaas ang isa kong kilay dahil sa reaksyon niya.

"What?"

Bigla itong ngumiti. "Masarap pala sa pakiramdam na pagsilbihan ako."

Natigil ako sa aking ginagawa saka matiim siyang tinitigan. "Why? Wala bang nagsisilbi sayo? I mean, your rich. Hindi mawawala sainyo ang mga kasambahay na palaging umaasikaso."

Tumango siya. "Yeah. I'm rich. Pero maaga akong namulat at naging independent sa buhay. At the age of thirteen, I think? Nagpabili ako ng condo kay dad para mamuhay na lamang akong mag-isa. I know mom and dad are against in my decision, but they'll just support me. Hindi naman sila nawala sa tabi ko. May natatanggap naman akong pera galing sa kanila but mostly iniipon ko nalang. Ako ang gumagawa ng paraan para mamuhay akong mag-isa sa condo. Ako mismo ang nagsisilbi sa sarili ko. But seeing you now. I feel so happy. And definitely a lucky man."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko base na kwentong narinig ko sa kanya. Thirteen years old? That's freaking so young! Naglalaro lang ako nang mga panahong yun kasama ang kapatid ko. But Jackson? He's already building his own stage. Where he can rule and stand alone.

Lumamlam bigla ang mukha ko bago ako tumayo at yumakap patagilid kay boss.

"Hearing your story, I'm so bless. Base sa kwento mo, mukhang pinagkakatiwalaan mo talaga ako." Kumalas ako sa pagkakayakap saka sinapo ang mukha niya at dinampian ng halik ang kanyang labi. "from now on. Always remember that I'm on your side and serve you always. Ako ang gagawa ng mga bagay na hindi mo pa naranasan kailan man. And the first thing I want to do, is to serve you." Lumayo na ako sa kanya saka umupo ulit sa upuan. "Now. Let's eat." Malaki ang ngiting saad ko nang matapos ko siyang lagyan ng kanin at ulam.

Natawa na lang siya sa ginawa ko saka ginulo ang buhok ko. Napasimangot tuloy at tinuloy nalang ang pagkain para mabilis kaming matapos.

Nang matapos kami sa pagkain ay nauna na akong naligo sa kanya. Nang matapos na ako at makapagbihis ay hinintay ko nalang si boss sa sala.

"Let's go?"

Napabaling ako kay boss na katatapos lang magbihis. Naka suot na ito ng kulay suit na blue at ready to go na.

Tumayo ako saka lumapit sa kanya. Inayos ko ang medyo mahuli niyang buhok at ang kwelyo niyang hindi naayos.

"Nagmamadali ka ba?" Tanong ko habang inaayos parin ang kwelyo niya.

Tumango siya. "I badly miss you."

Napasulyap ako sa kanya saka inihilamos ang kamay ko sa kanyang mukha. "Wag kang OA. Palagi naman tayong nagkikita. Sa opisina man o kahit dito sa condo."

His face become soft. "Nong gabi na sinagot mo ako, hindi ko na maintindihan ang sarili ko."

Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. Napatigil ako sa aking ginagawa at tinuon nalang ang buo kong atensyon sa kanya.

"What do you mean?" Sa hindi malamang kadahilanan, nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso ko.

Sumilay ang munting ngiti sa labi niya. "I always missis you. Kahit nasa kompanya ako, hindi ka mawala sa isip ko. Kahit busy o kaya nasa conference meeting ako, ikaw lang palagi ang nasa isip ko. Iniisip kong okay ka lang ba dito? Hindi ka ba sumuway sa utos ko? Nakakatulog ka ba ng maayos? May nangyari bang masama sayo? I just don't know. Hindi ko talaga kayang mawala kahit ilang sandali sa tabi mo. Para bang lumalayo ang lakas ko hanggang sa mawala ito. And you know who is my strength?"

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon