Untold Story - Special Chapter

Start from the beginning
                                    

"Deanna" Tawag pansin sakin ni Ponggay pagpasok niya ng kwarto namin.


"Bakit?" Tanong ko habang nakahiga sa kama ko at hawak ang phone ko.



"Kumusta kayo ni Jema?" Umupo ako at hinarap si Ponggay na kasalukuyan ding nakaupo sa kama niya at kaharap ako.




"Pumupunta ako sakanya minsan, pero hindi ko na maramdaman na mahal ko pa siya. Ewan ko, naguguluhan ako. Siguro, sa next na punta ko sakanya, plano ko ng makipagbreak." Hindi ko na maramdaman yung relationship namin ni Jema and ayoko ng lokohin ang sarili ko, masaya ako ngayon kay Rica. Alam ko, ramdam kong mutual na ang nararamdaman namin ni Rica.








'Deanna, pahelp ako. Dito ako sa parking lot.' Pagkabasa ko ng message ni Rica ay nagpaalam ako agad kay Ponggay at pinuntahan si Rica.










"Okay ka lang?" Bungad ko kay Rica. Nakatayo siya ngayon sa tabi ng car niya.



Nagulat ako ng bigla niya kong niyakap. Nagpapakaclingy na naman siya.

"Namiss kita agad." Bulong niya sakin habang nakasubsob sa balikat ko.




"Kakahiwalay lang natin kanina e. Mga isang oras palang nakakalipas." Bulong ko rin sakanya habang nakayakap pa rin sakanya.



"Ano ba yan! Gabi na agad e, bilis bilis, sige na, uwi na ko." Reklamo niya paghiwalay namin sa yakap. Hinila ko naman siya palakad sa dorm namin.



"Lah. Bat mo ko hinihila, san tayo pupunta?" Clueless na tanong niya. Hinawakan ko ang kamay niya habang patuloy na naglalakad.


"Hatid mo ko sa dorm. Para mas matagal tayong magkasama." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.










"Oh dito na po tayo Wong! Pwede mo na kong pakawalan at uuwi na ko." Nakangiting sabi niya pagtigil namin sa harapan ng dorm.




"Siguro papauwiin kita pero yung pakawalan? Kailangan ba?" Natawa ako ng makita kong nagbablush siya kita gawa ng ilaw dito sa labas ng dorm.





"Uuwi na ko. Yun nalang." Sabi niya. Nakakagigil ang kacute-tan niya sa harapan ko ngayon kaya hindi ko napigilan ikiss siya. Paghiwalay ay pareho kaming nagulat pero agad din naman niya ko niyakap.




"Akin ka nalang wong." Bulong niya sakin.












- - -


Pagbalik ko ng kwarto ay nakatanggap agad ako ng mensahe, akala ko kay Rica, kay Jema pala.



'Usap tayo bukas. After ng morning training mo bukas, sa apartment, hihintayin kita.' Walang pagdadalawang isip na sumang ayon ako sa gusto niya.















Pagpasok ko ng apartment niya ay nakita ko na agad siya na nakaupo sa sofa niya. Agad naman niyang pinatay ang tv nang mapansin niya ko.






"Upo ka" sabi niya kaya umupo ako sa tabi niya.



"Deanna, kumusta ka na?" Ramdam ko na agad ang bigat ng atmosphere sa pagitan namin.



"Okay lang, pagod dahil sa training pero okay lang naman. Ikaw?" Tanong ko pagkaharap ko sakanya.





"Napapagod na ko. Napapagod na kong manghula, makiramdam. Ano na ba tayo? Ako pa rin ba? O iba na?" Seryosong mukha ni Jema ang nakita ko, walang luha na pumapatak sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya pero sa ngayon, yung pakiramdam ko muna ang gusto kong unahin.



"May iba na. Sorry." Sabi ko sabay yuko sa harapan niya. Naramdaman ko siyang tumayo kaya napaangat ang tingin ko at sinundan siya ng tingin.







"Eto na yung mga gamit mo dito sa apartment ko. Lahat andyan na sa box. Salamat nalang sa lahat and sana maging happy ka sakanya. Tanggap ko na deanna, tanggap ko na. Pinapalaya na kita. Salamat. Pakilock nalang yung pintuan paglabas mo. Salamat." Sabi niya bago pumunta ng room niya.





























Naging official kami ni Rica. Umabot kami ng isang taon pero naging toxic ang relationship namin, lahat pinagseselosan niya kaya tinapos ko na ang relationship namin.













Paglipas ng isang taon, nabalitaan ko na in a relationship na si Jema, sila na ni Rayveen. Pinilit kong iwasan ang makabalita ng tungkol sakanila dahil puno ako ng pagsisisi sa naging relationship namin ni Jema, pero hindi ko maiwasan. At sa huling pagkakataon sumugal ako na baka pwede pang bumalik sakin si Jema.











"Jema, wala na ba?" Garalgal na tanong ko sakanya. Umaasa ako na baka mahal pa niya ko.



"Deanna, bukas na. Bukas na ang kasal ko." Napangiti nalang ako sa sakit na nararamdaman ko, masaya na siya, masaya na siya sa iba. Sinayang ko yung chance ko sakanya. Pinatay ko na ang videocall dahil hindi ko na kaya.


'Congratulations. Best wishes. I'm happy for you.' Mensahe ko sa babaeng hindi na magiging akin pa ulit.

- - -

No titleWhere stories live. Discover now