CHAPTER 2

17 6 0
                                    

"Thankyou maam" pasasalamat ni Luna sa kaniyang boss na ibinigay na ang sahod niya.

Hawak na niya ang sahod para sa buwan na ito. Mababayadan na rin niya ang renta sa apartment niya upang di siya mapaalis at ang iba lang expense sa paaralan

Pagod na umuwe sa kaniyang apartment si Luna. Masakit na ang likod nito kakayuko dahil sa pag pupunas ng mesa sa tinatrabahuan mini restaurant.

Maliit lang ang kaniyang apartment pero napakamahal ng bayad. Wlaa siyang magawa kundi ang mag trabaho kahit pa ayaw niya upang mabuhay ang sarili.

Ilang taon na rin mula ng yumao ang mga magulang niya dahil sa plane crashed. Pupunta sana ang mga ito sa canada upang mag trabaho ng sumabog ang sinasakyang eroplano.

Mula noon ay binuhay na niya ang sarili. Wala naman siyang malapitan dahil wala siyang kamaganak sa pilipinas. Nasa ibang bansa na ito lahat at nag tatrabaho. May sariling pamilya na binubuhay.

Inilapag ni Luna ang bag sa sahig bago hinubad ang suot na uniporme at magpalit ng damit. Matapos nito magpalit ay humiga na ito sa kaniyang kama

Ipapikit na sana si Luna ng tumunog ang messages alert tone ng cellphone niya kaya agad niyang kinuha ang cellphone sa bag at binasa ang text mula sa kaibigang si Alexis

"Need mo isa pang part-time job?"

Agad na nag reply si Luna.

"Oo meron ba?"

Naghintay ito ng ilang minuto bago nagnag reply ang kaibigan

"Meron, kaso baka di mo gusto"

Biglang napaisip si Luna sa reply ng kaibigan

"G! Lang kailangan ko talaga ng pera ngayon"

Desidido talaga mag trabaho si Luna dahil kulang ang sinasahod niya sa pag service crew.

"Waitress sa PUB, G padin?"

PUB?? Kaya ko bato??

Panandalian nag isip si Luna. Ang PUB ay isang lugar kung saan marami ang manginginom at nag seserve ng food. Hindi alam ni Luna kung tatanggapin niya pero kailangan niya ng pera

"G! Kelan start?"

"Tommorow evening. Pagusapan nalang natin sa room bukas bye."

Inilapag ni Luna ang cellphone sa night stand at natulog na

Isang alarm ang nakapag pagising kay Luna. Nag aalarm na pala ang cellphone nito. Oras na pag mag ayos siya at pumasok sa school pero pagod parin si luna at masakit ang likod.

Dahan dahan bumangon si luna at nagtungo sa banyo upang maligo. Hindi na siya nakakain dahil sa kamamadali

Habang naglalakad siya sa hallway ng building ay humihikab pa ito at napapapikit ang mga mata sa sobrang antok nito.

Habang naglalakad ay di niya namalayan na may mga babae sa harap niy kaya naman nabangga niya ito at natapon ang dalang ice coffee

Napasigaw ang babae sa gulat ng matapon ang dala "Fuck!"

Nagulat si Luna kaya naman nanlaki ang mata nito ng makita ang kaklase na si Faye, Amy at Allyson . At nakita ang mantsya sa uniporme niya pati na ang uniporme ni Faye s

Agad niyang kinuha ang panyo sa bulsa at ipinunas aa uniporme ni Faye. Pero tinapik ni Faye ang kamay niya

Napatingin si Luna sa kaklase "Don't dare to touch me!" Nanlilisik ang mga mata nito sa galit

Yumuko si Luna "pasensya na, pasensya na talaga faye. Inaantok kasi ako kaya hindi kita na--"

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.

"So Gising ka na ba?" Seryosong tanong ni faye. Rinig naman ni Luna ang mahinang haling hing mula sa kasama nito na sila Amy at Allyson

Iniayos ni Luna ang sarili. Gising na Gising na siya dahil sa sampal nito. Marami na rin ang nakatingin sa kanila kaya nahihiya na si Luna

Nakahawak sa sariling pisngi si Luna "pasensya na talaga Faye. Di ko sina--"

Akmang sasampalin muli ni Faye si Luna ng may pumigil rito. Napapikit si Luna dahil sa pag amba ni Faye pero ng hindi dumampi ang kamay ni Faye ay minulat niya ang kaniyang mga mata at nakita si Lexi na hawak ang braso ni Faye

Nagulat sina Amy at Allyson ng makita si Lexi "Lexi" mahinang sambit nito

Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Lexi na nakatitig kay Luna " Le-lexi" nauutal na sambit ni Faye

"Tumigil ka wag ka mag eskandalo dito. Isa ka pa naman sa pinaka maganda sa school na to kaso iba ang ugali mo" aniya at binitawan si Faye

Hinawakan ni Lexi si Luna sa kamay at hinatak "let's go" anyaya nito pero hindi pa sila nakakaalis na pigilan ni Faye si Lexi

"Let me explain" wika ni Faye pero hindi siya pinakinggan ni Lexi at naglakad na paalis.

Hawak hawak parin ni Lexi ang kamay ni Luna habang nag lalakad. Pero binawi ni Luna ang kamay at bumitaw kay Lexi

"Tama na"

Napatigil si Lexi at hinarap si Luna

"Thankyou pero kailangan ko na pumasok malalate na ako"

Inihawi ni Lexi ang buhok na natatakip sa pingi ni Luna at para bang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ni luna kaya napaatras ito

"Anong ginagawa mo?" Tanong nito at hinawakan ang pisngi

"Namumula pa yan sa tingin mo hindi nila papansinin yan at hindi ka tatanungin?? At in fact hindi lang ikaw anh malalate ako din" nakataas kilay nitong sambit

"Kaya nga bumalik na tayo sa classroom" anyaya ni Luna

Muling hinawakan ni Lexi ang kamay ni Luna at hinatak ito papalapit sa isang bench " sit here, hintayin mo ako may bilhin lang ako" wika nito bago tumakbo paalis. Naghintay nga si Luna sa pag babalik ni Lexi

Bakit na ako nag hihintay dito? Magsisimula na ang klase namin eh... yari na

Maya maya pa ay dumating na si Lexi at may hawak itong ice bag at isang cup ng kape

Iniabot ni Lexi ang kape kay Luna at inilagay ang ice bag sa pisngi nito "Since namumula pa yan dampian mo muna ng Ice bag para mawala at magkape ka baka kasi matulog ka sa daan at makabangga uli"

Napatingin si Luna kay Lexi. Mukhang alam nito ang nangyari kanina at marami pa ang nakakaalam dahil marami ang nakakita

Napayuko si Luna dahil sa kahihiyan "sa-salamat" nauutal nitong sambit

Tahimik ang kapaligiran at malamig ang simoy ng hangin. Mahinang sinisipa ni Lexi ang malilit na bato sa sahig. Late na sila sa unang klase kaya naman hindi na sila pumasok

Isang buwan palang silang magkasama sa classroom ni minsan ay hindi sila nag usap dahil tahimik lang si Lexi. Ngayon lang sila nagkausap at nagkasama.

Tumigil sa pag sipa si Lexi at tinignan ang sapatos ni Luna "Rubber shoes parin ang ginagamit mo haha" mahinang natawa si Lexi

Yumuko si Luna at tinignan din ang sapatos "may kumportable kasi ako pag naka rubber shoes kaysa sa mga may hills na sapatos tulad ng ginagamit nila" sambit ni Luna at itinuro ang ibang kababaihan na naglalakad. Naka hills ang mga ito at hindi mahilig sa ganung sapatos si Luna

Umalis sa pagkakaupo sasa abi ni Luna si Lexi at lumuhod sa harap nito

"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong no Luna

Naramdaman ni Luna na hinigpitan ni Lexi ang sintas niya. "Di ka parin marunong mag sintas" wika ni Lexi at tumayo. "Bumalik na tayo sa klase" aniya at naglakad paalis

Maglalakad na rin sana si Luna ng bigla itong bumagsak. "Ahhh!" Sigaw nito ng matumba

Tinignan ni Luna ang Sapatos at naginit ang ulo nito ng makitang bibinuhol ni Lexi
ang magkabilang sintas "HOY!! LALAKI! BUMALIK KA DITO!!" sigaw nito sa papalayong bulto ni Lexi

Natawa si Lexi sa nakitang matumba si Luna. Pero hindi na niya ito binalikan at pumunta na sa klase nila.



RICH IN LOVEWhere stories live. Discover now