"Isa yata sa pinakamagandang pakiramdam ang makita mong masaya ang taong mahal mo."
Tahimik lamang akong nakikinig, hawak ang isang bote ng beer agad ko itong tinungga.
Isang inuman, ubos lahat.
Muli kong narinig ang boses na nanggagaling sa entablado ng bar na ito.
"Pero magiging masaya ka ba kung ang kasiyahan ng taong mahal mo ay hindi ikaw kundi ibang tao?"
Napadako ang tingin ko sa may harapan, kita ko ang pagningning ng mga mata niya habang masayang kausap ang katabi niyang lalaki.
"Sa lahat ng nagmamahal diyan, para sa inyo ito." at sa pagsambit nito ng mga salita ay siya namang pag-umpisa ng isang tugtugin.
Ipinikit ko ang mata ko at humilig sa lamesa, diramamdam ang bawat liriko sa kanta.
Tagos sa puso, para bang ginawa ang kanta para sa nararamdaman ko ngayon.
Pagkatapos ng kanta, malalakas na hiyaw ang naririnig sa loob ng bar. Rinig din ang mga hiyawan at kantyawan ng mga iilan roon.
Idinilat ko ang mga mata para malaman kung ano ang nangyayari.
Kita ko ang marahang pagluhod ng isang lalaki sa harap ng isang babae.
May mumunting luha sa mata ng babae habang tumatakip sa bunganga nito ang mga kamay niya.
Unti unting itinaas ng lalaki ang kamay, may hawak itong maliit na box. Unti-unting binuksan at tumambad ang kumikinang na dyamanteng singsing mula roon.
"Sen, will you marry me?" nakangiti nitong sabi sa babae.
Hiyawan ang namutani pagkasambit ng lalaki ng mga salita nito.
Emosyonal na ibinaba ng babae ang kanang kamay nito, iniabot sa lalaki sabay dahan-dahang tumango.
Parang may kung anong matulis na bagay ang tumusok sa puso ko.
'Sana umayaw siya.' rinig kong sigaw ng isipan ko ngunit alam kong hindi na iyon mangyayari pa.
"Yes, I will marry you."
Nag-uunahan ang mga luha sa paglabas mula sa aking mata.
Tangina.
Putangina, ang sakit.
Mas lalo pang nanlumo ang puso ko ng makita ang agarang pagtayo ng lalaki at biglang paghalik nito kay Sen.
Ang babaeng mahal ko.
Iniwas ko ang paningin ko, ang makita siyang may kasamang iba ay hindi ko kaya, ang makita pa kaya siyang hagkan at hinalikan ng taong alam kong ikakasaya niya?
Dahan-dahan akong tumayo at nilisan ang lugar na iyon. Tuloy parin ang pagluha ng puso ko. Huminto ako sa isang parke.
Ramdam ko ang mahihinang pagpatak ng ulan na pagkakwa'y biglang lumakas.
Kita ang pagkataranta ng mga tao na makahanap ng masisilungan.
Nanatili lamang ako roon, nakaangat ang mukha, dinaramdam ang bawat patak ng ulan.
Mukhang nakikiayon ang panahon.
Sa pagbuhos ng ulan, ibinuhos ko rin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"You would have love me, if you met me first." bulong ko.
YOU ARE READING
If You Met Me First
RomanceIf you had known me earlier than him, would you love me first? -Gabo
