Prologue

6 1 0
                                        

Paano mo isasalba ang sarili mo sa pagkatalo sa isang laro?  Isang hindi pangkaraniwang laro na puso mo ang nakataya. Anong gagawin mo, sususko ka o ipaglalaban mo?

Sabi nila kapag nagmahal ka dapat handa ka ring masaktan, dahil hindi naman sa lahat ng oras ay masaya kayo, hindi sa lahat ng oras ay mahal nyo ang isa't- isa, darating yung time na magkakasawaan, mapapagod at susuko kayo. Sa panahon ngayon ay hindi na uso na kapag nasaktan ka basta ka na lamang bibitaw. Dahil ang tunay na nagmamahal at marunong umintindi at umunawa. Ang tunay na nagmamahal ay walang pinipiling sitwasyon, dahil ang paglaban ay kasama sa batas ng pag-ibig.

3 Years Ago.....

Laine's POV
     "AJ pag usapan naman natin to oh! wag mo naman ako basta iwanan. Deserve ko naman siguro malaman ang totoo?! Ipaliwanag mo naman kasi gulong gulo na ako!" -pagmamakaawa ko habang nakaluhod sa harapan nya. sobrang desperada na ako kasi sobrang sakit na bigla na lang nya ako iiwan ng wala man lang paliwanag.

       "Laine tumayo ka nga dyan. Wala na tayong dapat pag usapanAyoko na okay?! pagod na pagod na ako sa ugali mo. I'm breaking up with you!" - hindi ko alam pero sa oras na to tanging malakas na kabog lang ng dibdib ang naririnig ko. masakit. sobrang sakit na yung lalaking minahal mo ng ilang taon ay bigla na lang susuko sayo

       "Ano ganon na lang yon?! itatapon mo na lang yung halos limang taon nating pagsasama ng ganun kadali?! anong klaseng lalaki ka ha AJ?! Parang awa mo na oh. Paliwanag ang kailangan ko Ice kahit yun lang"

"Hindi pa ba malinaw  sayo?! Hindi na kita mahal Laine! please lang tumigil ka na. lubayan mo na ako!" - natuod lang ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood syang unti-unting humahakbang palayo dala dala ang kanyang mga maleta. Palayo sa bahay na pinundar namin ng magkasama. Palayo sa mga ala ala namin. palayo sa akin.
Hindi ko alam kung paano ako makakabangon. Sya ang nagsilbi kong gabay para lumaban at sya rin siguro ang magiging dahilan ng aking pagsuko. Wala naman akong ginawa kundi ang magmahal, pero bakit kailangan ko pang maranasan to? Alam kong balang araw mawawala rin lahat ng galit sa puso ko. At alam ko balang araw pagsisisihan nya na iniwan nya ako.

By ChanceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora